Lia's POV
I am Lilia Barrameo Monseratt. Oh, drop the Monseratt. Balik na ako sa realidad. I was born Lilia Perez Barrameo. Lia for short. Sa edad na 21 ay nagpakasal kami ni Andrei Monseratt. He was 23 that time. At ngayong 22 na ako ay nanganganib akong maging annuled.
Hindi pa alam ng parents ko ang nangyari sa amin ni Andrei. At wala akong balak na ipaalam.
They will know sooner naman. Hindi pa ako handang ipaalam sa kanila dahil tiyak na masasaktan sila ng husto para sa akin. Ayokong kaawaan nila ako. Ginusto kong makasal kay Andrei. Hindi nga lang pinalad na tumagal iyon. Siguro'y sadyang mailap ang salitang "forever" para sa aming dalawa. Kapwa kami nagmamahal na dalawa. Ako, mahal ko siya ngunit siya ay may mahal na iba.
Ipinilig ko ang aking ulo para palisin ang sakit na maya't-maya ay sumasagi sa isipan ko. One week. Ganoong katagal na akong wala sa bahay namin ni Andrei. Ganoon katagal ko na rin siyang hindi nakikita. Madaming beses akong natutuksong tawagan siya o kumustahin lamang but in the end ay nanalo ang bahagi ng isipan ko na nais na pakawalan siya at tapusin ang paghihirap niya kaya ang pagtawag ko sa kanya para mangamusta ay nanatili na lamang mga balak.
Natatakot din akong kapag nagkausap kami ay sabihin niyang dapat ko ng pirmahan ang annulment papers namin. Nangako akong makikipagtulungan sa kanya tungkol sa issue na iyon ngunit hindi ko pa rin mapigilang matakot na kapag pinirmahan ko ang kapirasong papel na iyon ay tuluyan na siyang mawawala sa buhay ko.
Marahan akong lumapit sa barandilya ng rooftop ng building ng kumpanyang pinapasukan ko. Accountant ako at sapat ang kinikita ko para suportahan ang aking mga pangangailangan. Tuwing lunchbreak ay dito ako pumupunta para maglibang. Magpalipas ng oras at para huwag parating maging laman ng aking isipan si Andrei. Ngunit hindi ko mapigilan ang pasaway kong puso na nakipagjoin forces pa sa aking utak.
Mahal ko pa rin siya. Sobrang mahal.
BINABASA MO ANG
Marry Me again, Sweetheart (Completed)
RomanceNasaktan man si Lia sa pakikipaghiwalay sa kanya ni Andrei ay tinanggap niyang bumalik sa dating estado niya sa buhay nito bilang: KAIBIGAN, kahangalan mang isipin. Now, single and much available and annuled bakit may nadagdag na naman sa status niy...