Lia's POV
Kasabay ng pagtunog ng isinarang zipper ng maleta ay ang pagbukas ng pinto ng silid na inuokupa ni Lia simula ng magsama sila bilang mag-asawa ni Andrei. Nasa kabila ang silid ng lalaking nakakwadro sa nakabukas na pinto at nakamasid sa kanyang ginagawa. Connected ang mga silid nila ng isang pinto na kailanman ay hindi niya nagamit para pumasok sa silid nito.
Privacy. Iyon ang unang napag-usapan nila ni Andrei. At pareho nilang inirerespeto ang aspetong iyon.
"Pwedeng ipagpabukas mo na ang pag-alis Lia. Nagpaluto ako kay Nana Seling ng tanghalian."swabeng-swabeng pagkakasabi ni Andrei.
Pinigil niya ang pag-alpas ng isang marahas na paghinga. Nagpahanda ba ito para ipagdiwang ang kalayaang natamo mula sa kanya? At ine-expect ba nito na sasaluhan niya ito?
"N-naghihintay sa baba ang taxi."may bikig sa lalamunan na di tuwiran niyang pagtanggi. What a lame excuse. Another day with him ay baka bawiin niya ang pagpayag na makipaghiwalay dito. Mahal niya ito. Mahal na mahal. Kung sana ay pareho lamang sila ng nararamdaman ay siguradong siya na ang pinakamaligayang babae ngayon.
Hindi nagkomento si Andrei sa sinabi niya ngunit naalerto siya ng lumapit ito sa kinaroroonan niyang gilid ng kama.
"Masamang humindi sa pagkain Lia."anito sa tonong hindi mababali ninuman ang pasya. He is eyeing her intently. Ano pa ba ang gusto nito sa kanya? She was shattered into million pieces. Durug-durog na ang puso niya ng sabihin nito mas makakabuti sa kanila ang maghiwalay ng landas. A cruel words na narinig niya sa taong pinakamamahal niya.
Ang pakitunguhan ito ng normal ay napakahirap na gawin para sa kanya. And yet,- nagpakawala siya ng malalim na paghinga.
"May next time pa naman siguro Andrei. I'm in the hurry."pagdadahilan niya. Lihim niyang pinuri ang sarili dahil sa hindi niya pag-i-stammer gayong ang totoo ay gusto na niyang pumalahaw ng iyak. Mahigpit na hinawakan niya ang handle ng maleta na parang doon kumukuha ng supply ng buhay niya. Ang mga tuhod niya ay bahagya pang nanginginig.
"If you say so."salubong ang kilay na sabi ni Andrei. Tinawid nito ang kaunting distansya nila saka hinapit siya nito palapit sa katawan nito. "Pwede naman siguro akong humingi ng goodbye kiss."anito bago walang paalam na siniil siya ng halik sa labi. Mas malalim ang paraan ng paghalik nito sa kanya. Mapang-angkin. Marubdob. Nagpatangay siya ng ihiga siya ni Andrei sa kama at angkinin siya nito. Nakatulog itong nakayakap sa kanya. Siya naman ay malungkot na inayos ang sarili at lumabas ng silid.
Goodbye Andrei.
Ipinikit niya ang mga mata upang pigilan ang pag-alpas ng butil ng mga luha niya habang binabagtas ang daan palabas ng kanyang silid.
BINABASA MO ANG
Marry Me again, Sweetheart (Completed)
RomanceNasaktan man si Lia sa pakikipaghiwalay sa kanya ni Andrei ay tinanggap niyang bumalik sa dating estado niya sa buhay nito bilang: KAIBIGAN, kahangalan mang isipin. Now, single and much available and annuled bakit may nadagdag na naman sa status niy...