Lia's POV
Sa nanginginig kong mga kamay ay pinirmahan ko ang annulment papers na dala-dala ni Andrei. Madaming sinabi ang abogado niya na kaharap ko at idini-discuss ang mga benipisyong makukuha ko sa hiwalayan. Isang villa, isang kotse, at buwan-buwang sustento mula kay Andrei na hindi biro ang halaga. Wala akong interes sa mga iyon. Si Andrei lang ang gusto ko!
Mabigat man ang loob ay hindi na ako kumontra. Wala din naman akong magagawa kung ipipilit ko pa na ipagpatuloy namin ang aming pagsasama.
"Let's celebrate."nagulat ako ng marinig ko ang tinig ni Andrei. Sadista talaga si Andrei, bagaman hindi niya alam na nasasaktan ako sa nangyayari sa amin dahil mahal ko siya at napahirap para sa akin na pakawalan siya.
Nasa likuran ko siya ng malingunan ko. Natigil ang pagbubukas ko sa pinto katapat ng driver's seat ng aking sasakyan na kulay puting Honda Civic. Hindi pa ito ang kotse na nakalagay na matatanggap ko kay Andrei. May kotse naman ako kaya bakit niya pa ako kailangang bigyan?
Masaya ang bukas ng mukha niya. Mas umalwan kaysa noong nagsasama pa kami. We're used to be friends. Yeah, dati. At mukhang gusto niyang ibalik ang dati naming samahan.
Ang nobya niya talaga ay ang kaibigan kong si Chloe. Dahil malapit kami ni Chloe ay naging malapit na din kami ni Andrei.
Napakasal kami ni Andrei dahil sa isang insidente. Lilinawin ko lang mahal ko si Andrei noon pa man bago sila naging ni Chloe. Wala din akong inagaw kay Chloe dahil iniwan niya si Andrei. Nakipagtanan siya sa childhood friend niya na si Hans. Nang malaman iyon ni Andrei ay nagkulong ito ng ilang linggo sa kwarto nito. Ako naman ay madalas tawagan ng mommy niya upang kumbinsihin si Andrei na maganda pa rin ang buhay kahit wala na si Chloe sa piling nito.
Galit na galit noon sa akin si Andrei. Akala niya ay may alam ako sa plano ni Chloe hanggang sa unti-unti ko din siyang nakumbinsi na wala akong alam. Na tulad niya ay nagulat na lang sa naging desisyon ni Chloe.
Naging mas malapit kaming dalawa. Madalas niya akong sunduin noon sa pinapasukan kong office unannounced. Sumasama din siya sa mga lakad ko out-of-town. Talagang naglilibang lang siya. Hindi ko naman siya inaakit or something dahil alam kong platonic lang ang nararamdaman niya para sa akin. Isa pa ay nakatakda na rin naman akong ikasal sa lalaking noon pa man ay naka-arrange marriage ko. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit kahit mahal ko siya ay hindi ko magawang sabihin sa kanya dahil committed ako kay Jaco kahit hindi namin ginusto na makasal sa isa't-isa.
Nagpa-party ang mama ko sa bahay namin para i-announce ang pagreretiro ng papa ko sa kompanya namin. Ang panganay kong kapatid na si Leon ang hahalili. Dumalo doon si Andrei. Kinabukasan ay nagising ako sa malakas na tili ng mama ko. Doon ko nadiskubreng napasukan niya kami ni Andrei na magkatabi sa kama ko na walang kahit na anong saplot. Hindi ko alam kung paano at ano ang nangyari dahil bago pa matapos ang kasiyahan ay umakyat na akong mag-isa sa silid ko dahil inatake ako ng migraine.
Napilitan si Andrei na pakasalan ako. Naurong naman ang kasal ko kay Jaco. Sunud-sunuran na lamang ako sa mga pangyayari.
BINABASA MO ANG
Marry Me again, Sweetheart (Completed)
RomanceNasaktan man si Lia sa pakikipaghiwalay sa kanya ni Andrei ay tinanggap niyang bumalik sa dating estado niya sa buhay nito bilang: KAIBIGAN, kahangalan mang isipin. Now, single and much available and annuled bakit may nadagdag na naman sa status niy...