Lia
Nagmulat ako ng mga mata at sumalubong sa akin ang gwapong mukha ni Andrei. Parang kailan lang ay pinapangarap ko ang bagay na iyon: ang mamulatan siya mula sa aking pagtulog. It will be a beautiful sight! Pero sa ngayon, mas lamang ang pagkamuhi ko sa kanya. Sa tuwing nagmumulat ako ng mga mata at siya ang unang taong nakikita ko ay ramdam ko ang pag-ahon ng poot sa aking dibdib.
Hindi ko na kailangan ang pagtingin niya sa akin. Paulit-ulit ko iyong mantra sa kabila ng katotohanang umaasam ako na may pag-asa pa kami-pero sa tuwina kapag naiisip ko si baby Andrew at ang posibilidad na ilayo niya sa akin ang anak ko ay nabubura ang malaki kong pagmamahal sa kanya.
Posible pala ang ganoon-ang matabunan ang pagmamahal ko sa kanya dahil lumalabas ang mother’s instinct ko. Ang damdamin na protektahan laban sa kanya ang anak namin. Inip na inip na ako sa paglabas namin ni baby Andrew sa ospital. Ayoko na kasing makita na unti-unting nasasanay ang anak namin sa presensya ng kanyang ama. May nabuo na silang bonding. At kapag tumagal pa ay magiging mahirap na para kay baby Andrew ang mawalay sa kanyang ama.
“Hi sweetheart, anong gusto mong kainin?”si Andrei. Ang tiyaga niyang magbantay sa akin at kay baby Andrew dito sa loob ng ospital. Wala akong paki kung natutulog pa ba siya o hindi. Hindi mabubura ng pangiti-ngiti niya ang sakit na ibinaon niya sa dibdib ko ng makiusap siya kay Leon na huwag ng ituloy ang pagsasampa ng demanda laban kay Chloe. Buhay na namin ng anak niya ang nalagay sa peligro pero mas pinili niya pa din ang babaeng iyon. Haisst.. magsama silang dalawa!
Nagtalop siya ng mansanas kahit hindi ako umimik. Akmang isusubo niya na sa akin ang prutas ng umiwas ako.
“Kailangan mong magpalakas. Sa iyo kumukuha ng nutrients ang anak natin.”
Tinitigan ko lang siya dahil sa sinabi niya. As if hindi ko alam ang bagay na iyon.
“Nga pala ipinahanda ko na ang room ni Andrew sa bahay natin. Doon na kayo titira sa bahay paglabas ninyo dito.”siya sa nakangiting mukha.
Sino ka para magdecide para sa amin? Nais ko sanang sabihin sa mukha niya pero naisip ko na mas mabuting huwag siyang maghinala na wala akong balak na makisama pa sa kanya. Ayokong maging kabit ng dati kong asawa. Ayokong may kahati sa buhay niya.
“Lia.”nakahalata yata siya sa pagtatangis ng bagang ko. “Let’s start again.” Ayan diyan siya magaling, ang manuyo pagkatapos ano? Kapag bumigay ako ay sasaktan niya ulit ako at ipapamukha na sila ay para sa isa’t-isa ni Chloe? No freakin way, hinding-hindi na ako papauto. Ang maliit niyang tsansa na papaya akong magkabalikan kami ay nawala dahil sa pagpili niyang proteksyonan si Chloe.
Hindi ko siya kailangang sagutin. Naiintindihan niya iyon kaya siya muli ang nagsalita. “Mukhang palakas ng palakas si Andrew. Mas masigla na siya kaysa dati. I can’t believe na para na lang siyang nagdahilan.”I hate it kapag nakikita kong nagniningning ang mga mata niya dahil sa tuwa. Wala siyang karapatan dahil hindi niya kami ipinaglaban! Doon na lang siya sa Chloe niya. Bagay sila. Pareho silang walang pakialam sa damdamin ng iba. “Ahmm Lia, lalabas ako sandali, nagbilin na ako sa mga nurse na kung sakaling kailanganin mo ako, o kayo ni Andrew ay tawagan ako.”sabi ni Andrei sa alanganing tinig.
Wala siyang tugon na nakuha mula sa akin.
“Pupuntahan ko si Chloe, she needs my help.”ang kapal ng mukha niyang ipaalam pa iyon sa akin. Magsama talaga sila ng babae niya! Sa ginagawa niya ay mas lalo lang akong nagiging desidido na sundin ang suhestyon at plano ni Leon na lumabas ng bansa at manirahan sa malayong lugar kapiling ng anak ko. Malayo sa kanya at sa lahat ng nanakit sa amin.
Kahit pigilin ko siya ngayon sa pag-alis ay wala naman akong magagawa. Naghihimagsik ang loob ko dahil sa kanya. Bakit kailangan niya pang alagaan ako kunwari kung may ibang babae naman siyang dapat alagaan?
“Lia-
“Aalis ka pa rin kahit pigilan kita, hindi ba?”sabi ko. Our eyes met. Malamlam ang mga mata niya habang ako naman ay natuto ng magtago ng saloobin.
“She needs me.”dahilan niya.
“At ako, hindi kita kailangan. At ang anak natin hindi ka rin niya kailangan.”puno ng sarcasm ang tinig ko. “Oh, nalimutan ko umaamot lang kami sa atensyon at oras mo.”asik ko sa kanya.
“Parang hindi mo naging kaibigan si Chloe.”panunumbat niya sa akin.
“Wala akong kaibigang ahas na tulad niya!”sigaw ko. Sa tuwing naaalala ko ang paimbabaw na pakikipagkaibigan sa akin ni Chloe ay nananaig ang kagustuhan kong magalit sa kanya. Siya ang bestfriend ko pero kahit kailan pala ay hindi siya naging totoo sa akin.
“Chloe is s-
“Huwag ka ng magbigay ng dahilan. Just leave.”mariing utos ko.
“Parang hindi na kita kilala, Lia.”puno ng panghihinayang na sabi niya.
Ikaw ang may gawa kung bakit ako ganito. Kung bakit may bagong Lia na mapag-imbot, sakim at galit.
“Baka talagang hindi mo lang ako kilala dahil hindi mo ako binigyan ng chance na mapabilang sa buhay mo.”sumbat ko sa kanya. Halatang nayanig siya. “Gusto ko ng magpahinga.”sabi ko pagkatapos niyang manahimik. Waring iniinda niya ang sinabi ko.
“Babalik ako.”paalam niya. Hahalikan niya sana ako sa noo pero inawat ko siya. Laglag ang balikat niya ng lumabas ng room ko.
Pareho lang kaming dalawa na nagmamahal. Ako sa kanya, siya sa iba….
BINABASA MO ANG
Marry Me again, Sweetheart (Completed)
RomanceNasaktan man si Lia sa pakikipaghiwalay sa kanya ni Andrei ay tinanggap niyang bumalik sa dating estado niya sa buhay nito bilang: KAIBIGAN, kahangalan mang isipin. Now, single and much available and annuled bakit may nadagdag na naman sa status niy...