Chapter 27

21.2K 489 12
                                    

Andrei

                Galit na galit siya. Hindi niya alam kung dahil sa katigasan ni Lia o dahil sa sarili. Sinabi niya sa sarili na aaksyunan niya na ang munting laro ni Lia pero isang iyak lang nito ay napapalambot siya nito. He hated himself more dahil nasasaktan niya ito. Pero hindi niya ito kayang pakawalan. Bakit ba masyadong complicated ang sitwasyon nila gayong ang kailangan lang gawin ni Lia ay magbigay? Wala siyang balak sumuko. At ipipilit niya ang sarili kay Lia kahit ayaw nito.

            Nakita niya sa harapan ng kanilang silid si Andrew na waring sadyang hinihintay siya. Nakadamit pantulog ito at nakapaskil sa bibig ang isang pilyong ngiti.

            “Hi dad!”masiglang bati nito. Hindi ito nangilag kahit nakita ang malaking kunot sa noo niya. Sumunod ito ng pumasok siya sa kwarto.

“I need to be alone.” Nabuburyong siya, ang maganda niyang mood kanina ay napalitan ng galit at kailangan niya ng time out para umayos ang pakiramdam niya.

            “I saw what you did to mom.”masayang sabi nito.

            Nakita niya rin itong nakasilip sa pinto kaya iniwan niya si Lia. Baka rated SPG lang ang masaksihan ng makulit na batang ito.

            Naupo siya sa rattan chair na nasa kwarto at nanatili namang nakamasid sa kanya si Andrew.

            “What? May gusto kang sabihin little buddy?”

            “Uhhhmm,”umpisa nito. Inilagay sa likuran ang magkabilang kamay. “na-provoke ko si Mom kagabi kaya ka niya inaway.”

            Pinagsalubong niya ang kilay. “And?”urging him to continue his confessions.

            “I’ve hired Miss Shane service to pretend as your loving girlfriend. Actually, idea ko lang iyon bago kami umuwi dito para pagselosin si mom tapos sinabi ko kay Uncle Jaco and he do all the transactions.”

            Natapik niya ang noo. Maging siya ay nagulat sa biglang pagsulpot ni Shane at ipakilala ang sarili na girlfriend niya sa harapan ni Lia. Aalma sana siya ngunit pinigilan siya ni Andrew at sinabing mag-e-explain ito sa kanya. “What do you think?”

            “Effective naman dahil mukhang selos na selos si Mom.”

            “How about sa intention ng Uncle Jaco mo?”hindi siya naniniwalang tinulungan nito si Andrew para magkalapit sila ni Lia. He knew Jaco had feelings for Lia. At nananatili itong mortal niyang karibal.

            “Inamin niya sa akin na mahal niya si Mom pero sabi niya mas gusto niyang kayo pa rin ni Mom ang magkatuluyan. At regalo niya daw ito sa iyo dad kaya dapat ka daw mag-exert ng effort kung hindi baka mahuli na ang lahat.”

            Hindi na lang siya nagkomento sa sinabi ni Andrew. Bagaman alam niyang may lihim na banta ang ipinaabot nitong mensahe. Banta na kapag hindi pa siya gumalaw ay aagawin nito sa kanya si Lia.

            “What is your plan dad?”

            “Plan?”balik-tanong niya kay Andrew.

            “Sa relationship ninyo ni mommy.”

            Ginulo niya ang buhok ni Andrew. Napangiti siya sa painosenteng tanong nito.

            “I’m a big boy now, huwag mo ng paabutin dad na teenager na ako ay nanunuyo ka pa rin kay mom.”

            “Of course hindi na.”pangako siya sabay pailalim na tumingin sa labas ng bintana kung saan abot tanaw niya ang karagatan. Wala siyang planong paalisin sa Pilipinas si Lia na hindi siya nito pinakakasalan. Nagawa na niya noon na mapilit itong pakasalan siya at bakit hindi muli ngayon. Isang ngiti ang naglaro sa labi niya. Humanda si Lia dahil hindi na siya basta lang manunuyo dito!

           

           

            

Marry Me again, Sweetheart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon