Try-outs

1.1K 15 0
                                    

"...Alam mo yung pinakamasakit na parte ng paglalaro ng volleyball? When you gave it all out, you spike hard only to find out that you'll get blocked and the ball bounce back harder on you.

Parang pag-ibig, yung tipong halos ibinigay mo na ang lahat ngunit ang kapalit ay ang sakit ng konseptong umasa sa wala.

If I'm one of the players of this game, maybe I won't win this at all."

Her

I-set mo naman sa akin. C'mon, ibigay mo sa akin ang bola. Palihim na paghiling ko sa supladang setter na 'to. Kanina pa ako dito sa open zone at ni isa ay di ako binibigyan ng bola ng setter na 'to. Nilingon ko si coach, ayay, parang hindi gusto ang performance ko. Lagot na! Pa'no na ang scholarship ko nito?!

"Kassey!!!" biglang sigaw ng kasamahan ko na nasa kabilang net. Nilingon ko s'ya and then bang! Isang paparating na bola galing sa isang malakas na spike ang sumalubong sa akin. And it hitted me on my head and I landed hard on the ground.

"Sapul! Facial!!" sigaw ng isang player mula sa men's volleyball team na sinabayan pa ng tawanan ng mga kasamahan niya. Tiningnan ko ang ibang players and they started laughing, I turned my sight on the coaching staff and they started shaking their head.

"Hey, hey, ok ka lang?" pag-aalalang tanong ng sub setter ng team.

I forced a smile. "O-Ok lang." at tinulungan niya akong tumayo.

"Zero focus." Komento ni coach na lumapit na sa amin.

"Di-di na po mauulit yun." I answered.

He shook his head and turned his back on me. "Ok, next drill!!!"

Napabuntong hininga na lamang ako.

Andito ako ngayon sa blue eagle gym ng Augusta University, hoping and praying matanggap ako sa try out nato. Last chance ko na'to, kung baga sa isang laro, last life ko na. Kung matalo, sira na ang pangarap ko.

"Let's have a spiking drill. Yung mga recruits, fall in line." Ani ni coach, "12, 6, 16 and 9."

"9 daw." Bulong sa akin ng katabi ko.

"Hah?" clueless kong tanong sa kanya.

"Eh ano bang jersey number mo?"

Putek. Pati ba naman jersey number ko, nakalimutan ko pa? Ba't ba parang tinatalo ako ng kaba ko ngayon?

I fall in line with the rest of the other 3 spikers at andun sa pinakaunahan ang veteran setter ng team, Faye ata ang pangalan nun. Yung player na madamot mag bigay sa akin ng bola.Kakainis talaga.

The drill started with me spiking all the ball on the net, outside the line and even na free-free ball ko pa dahil bitin ang mga talon ko. Deim. These nerves are beating the best of me. Hindi naman ako ganito mag-laro ah.

"Seriously?" natatawa na may halong insulto na pahayag ni Faye sa akin. Oo, seriously. Ayosin mo nga ang trabaho mo. "Ano bang set na gusto mo?" parang naiinis na nitong tanong sa akin matapos kong I free ball ang set n'ya.

"Masyadong mababa eh." Hinihingal kong tugon.

"Eh mag adjust ka, hindi ka naman ganun katangkaran para itaas ko."

Nang insulto pa. Pag ako hindi nakapag tiis, sa kanya ko talaga iispike ang bola. Hindi ko na lamang s'ya tinugunan kasi daw nga cardinal sin ang pagpatol ng isang freshman student sa kanyang senior.

"Saang highschool ka ba galing, is coach not kidding nang sabihin n'ya na star player ka daw ng team n'yo?" hirit n'yang pang-aasar.

Mga bathala ng hangin, pigilan n'yo ako at baka ipalamun ko sa lupa ang isang 'to. Isa pa at papatulan ko na 'to.

That Game Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon