The Rookie Setter and the Nervous Spiker

345 13 0
                                    

"Ano kayang kasalanan natin?" bulong sa akin ni Trixie habang nakatayo kaming dalawa sa gitna ng court, hinihintay ang papalapit naming coach.

Napaisip na lamang ako bigla. Pilit inaalala kung may nagawa ba akong di kanais-nais. Lagot na, di pa rin ba nakakalimutan ni coach ang mga errors ko? Pa'no ako magiging first six nito?

"Coach, i'm so sorry po talaga!" agad na sabi ko kay coach nang makalapit s'ya sa amin. Baka naman tanggalin na n'ya ako sa team? Hindi to maaari.

Hindi agad tumugon si coach, tiningnan si Trixie at nagtatakang ibinalik ang tingin sa akin. "Bakit? Ano na naman yan Lopez?"

"Hinding-hindi ko na po talaga uulitin ang mga errors na yun. Sana bigyan n'yo pa ako ng chance." tugon ko sabay yuko.

Katahimikan ang muling itinugon ni coach. Dahan-dahan kong inakyat ang aking ulo upang tingnan s'ya, nakapa-meywang na s'ya sa harapan ko at ako'y masamang tiningnan. Minasid ko si Trixie sa aking tabi ngunit palihim itong tumatawa.

"You are starting to waste my time again Lopez."

"Ha?" nalilito kong tugon sa kanya.

"Eh coach bat ba kasi kami andito? Ba't kami lang? Asan yung iba?" tanong ni Trixie.

"I want to train you personally.."

Ano raw?

"..in the next two days, the team will be facing Lumina University. You know how they play right?" seryosong tanong ni coach.

"Best blocking team." komento ni Trixie.

"Exactly."

"And?" interesanteng tanong ni Trixie. Ako din ay nagtataka kung bakit sinasabi ni coach sa amin 'to.

"I know very well how they play, what their game plan would look like at.. kabisadong-kabisado na sila ng mga senior teammates n'yo..."

"So maganda coach, may laban ang team natin as long as Fab5 is there." natutuwang pahayag ni Trixie. Oo nga naman at may point s'ya.

Napangiti na lamang si coach. "The thing is, kabisadong-kabisado na din nila ang galaw ng sinasabi n'yong fab5 and we were defeated again and again because they mastered our plays."

And that statement gave me a deeper thought, during those past years Fab5 are popular because of their strong hits and powerful plays ngunit pag kalaban na nila ang LU, hindi na nakikita ang pagiging malakas nila. Tama si coach, LU mastered our plays.

"Their coach know our aces very well, he discovered their weaknesses and I can't seem to erase that weaknesses at all."

"So if that's the case coach, then why are we here?" tanong ni Trixie.

Hindi agad tumugon si coach. "You are two of my four rookies, one rookie setter and one ...," tiningnan ako ni coach, "..one nervous open spiker,"

I can hear Trixie giggling beside me. "Coach naman!" tugon ko.

"I saw how you two played during your high school days, you were not actually that worst.."si coach while eyeing me.

Muling tumawa si Trixie and then instantly compose herself. "So ano ba talaga ang point mo coach?"

Hindi tumugon si coach, kumuha muna s'ya ng bola sa malapit na lalagyan, dribbled it infront of us and then strongly throwed it at me. Mabuti naman at agad ko itong nasalo.

"Let's surprise them." he smirked.

                                                                             -------------

"The next game is the last match for the first round..." ani ng commentator habang pinapanood namin sila sa TV screen ng locker room namin, katatapos lamang ang unang laro at kami na ang kasunod. "...and guess who's playing ?  The  greatest school rivalry, Augusta University and Lumina University..."

Marining ko lang ang salitang rivalry, kinakalibutan na ako. Pinapanood ko lang dati sa TV and dalawang school na'to, me imagining kung ano kaya ang feeling kung kasama ako sa match up na yun. And who could have thought, here I am...starting to experience it.

"Looking at the rankings, we can see LU at the top and AU on the second. Augusta University with a loss while Lumina  remain unscratched. This is quite an exciting game, will LU  continue to enjoy their view at top or AU will finally dethrone them? Game will officially start after the break so please tune in."

Aba putik. Mas lalo akong kinabahan doon ah. Hinawakan ko ang aking dibdib, aba'y tugudug ng tugudug. Hindi pa nga nagsisimula ang laro parang kinakain na ako ng kaba ko.

"Hoy bakla, saan ka pupunta?" tanong ni Oliver nang ako'y tumayo.

"CR lang ako bakla. Naiihi na ako."

"Ulit? Hai naku nag-nenervous breakdown ka na naman."

"Eh anong magagawa ko?" at dali-dali akong lumabas ng locker para maihi. Itong pantog ko nga naman, di na mapigilan. Ba't ba kasi ganito na lang ako kung kabahan eh hindi naman ako ganito dati? Dahil ba gustong gusto ko na may patunayan? Or I just want that certain person to be proud of me?

"So ano ang magiging game plan natin dito coach?" The courtside reporter interviewing LU's coach on the tv screen ang nadatnan ko nang makabalik ako ng locker room matapos mag CR. "Same lang naman, tibayan lang namin ang depensa namin. Malalakas pumalo yung kalaban kaya't mas pinaiigi namin ang blockings namin." tugon nito.

Muli akong bumalik sa kinauupoan ko, napabuntong hininga at pilit na kinakalma ang sarili. Binuksan ko ang aking bag para kunin ang mga sapatos ko ngunit laking gulat ko na lamang nang may laman na itong ipod at nakakabit na headset. Nang baliktarin ko ito, may nakadikit na maliit na note saying ,"listen to the songs, it will help you relax." Nilinga-linga ko ang aking sarili para alamin kung sino man ang naglagay nito at nakita ko si Trixie sa isang banda na ngumiti sa akin. Tinugunan ko s'ya ng ngiti at dahan-dahang sinuot ang headset and played the first song.

At napangiti na lamang ako.

"So let the match begin!!!" opisyal na pahayag ng announcer ng laro.

Tumugon ng napakalakas na hiyaw ang audience na halos pinuno ang buong venue na halos nakasuot ng kanyang-kanya designated t-shirt school color ng sinusuportaan nila. Red for LU and Blue for AU. Kanya-kanya ng cheer ang bawat estudyante at dinig na dinig sa buong venue ang tunog ng mga drums ng kanya-kanyang pep squad, final feels nga eka nila. Sa mga iba't ibang banda naman ay hawak-hawak ng iilang audience ang mga players na sinusuportaan nila, pinaka-marami yata ang fab5 at ang ace player ng LU na si Arya, open spiker din star player na on her 2nd year even on her rookie year. Rookie of the year lang naman s'ya at naging co-MVP pa nang mag champion ang team nila last year. Heavy diba?

"Priiiiiiitttttttttttttt!!" pagpito ng first referee and with that, the game officially starts.



<a/n: and I will try my hardest not to abandon this story. hehe. slow updates huh? mianhe...>

<p.s. kiefly is official right? :) >

That Game Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon