A Minor Stepback for a Major Comeback

336 8 1
                                    

"Lumina University wins their 3rd Women's Volleyball  Championship after beating  Augusta University in 4-sets."

Hindi ko alam kung mga ilang minuto na akong nakatayo dito sa harapan ng bulletin board namin na naka-paskil-paskil ang front page ng isang local newspaper. Paulit-ulit kong binabasa ang mga headlines ng newspaper ngunit di ko pa rin magawa-gawang i-digest ang mabilis na pangyayari.

"Fab 5 of Augusta University bids their final goodbyes as they carry their school to second place of UCCP Women's Volleyball."

At huminto ang aking tingin sa pangalawang headline and stared intently at the picture of the Fab 5 while shedding tears nang yakapin ng mga kalaban. I felt my heart broken at mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa aking mga crutches upon remembering that Championship day.

Nakaupo lang ako sa may audience area habang pinapanood ang kasalukuyang laro ng team ko laban ang LU. It's game 2 of the championship round, last chance ng team namin to force a game 3 against LU na nakuha ang game 1 in only 3 sets. Napahawak ako sa crutches ko upang suportaan ang aking sarili  para tumayo, isang puntos na lang at makukuha na ng LU ang korona. And they did, Arya and her crosscourt hit brought them to their championship point.

"Recover fast, bawian mo kami." naluluha yet nakangiting bulong sa akin ni Faye nang makalapit ako sa kanila sa loob ng court matapos ang laro.

Hindi ko mapigilang maluha sa harap ni Faye sa oras na yun. I felt guilty dahil wala man lang akong naitulong para makuha nila ang tropeyo sa last playing year nila sa UCCP.

Muli kong tiningnan ang nakabalot kong kaliwang paa. I just had my right knee surgery two days ago, an ACL tear nang matumba ako nung larong yun. Everything disappeared in just a blink of an eye. Lahat ng mga pagod at efforts ko to be where I am disappear just like that. Who could have thought that simple "You need to restraint from any physical activities for a month," could actually broke your heart into pieces? I was officially out of the competition after that diagnosis from the doctor, at wala na akong nagawa pa kung di kaibiganin ang ibinigay nilang crutches.

"Si Trixie nakita mo?" biglang tanong sa akin ni Drew na bigla na lamang sumulpot sa tabi ko.

"Ba't mo ba palaging hinahanap sa akin ang kakambal mo?" balik kong tanong sa kanya.

"Dahil kayo ang laging magkasama." tugon nito. "And what's with that high pitched tone Lopez?"

Bigla na lamang umurong ang dila ko after I realized what I just responded, nakakainis lang kasi dahil parang ginagawa na akong 'lost and found' nang isang to. Hindi ba pwedeng 'kamusta ka na?' o 'kamusta na ang recovery mo?'

"W-Wala." tangi kong naitugon.

Hindi na rin s'ya tumugon at itinuon ang pansin sa bulletin board sa harap namin. Tiningnan ko s'ya habang binabasa n'ya ang newspaper. He was there for me the moment I had my injury, sila ng kakambal n'ya. We had no enough money for the treatment and rehabilitation but the twins took care it for me, utang daw para hindi ko na tanggihan.  I was at my lowest at that point but the two of them showed sincere effort that I chose to hide my cries. Kung may mga tao man akong pinakakautangan ng loob, ang pamilya nilang iyon.

Bigla na lamang s'yang tumingin sa akin at naabutan n'ya akong nakatitig sa kanya, at dali-dali ko na lamang ibinalik ang aking tingin sa harapan, putek talaga.

"Saan ka ngayong bakasyon?" tanong n'ya.

Hindi ako agad nakatugon. Magbabakasyon na nga, the doctor advised me to stay here for a while for my rehabilitation kaya't ganun na lang ang ikinalungkot ko dahil di ko makakasama ang pamilya ko sa bakasyon. Himala pa nga at naipasa ko ang freshmen year na 'to sa pag aakalang pati schoolarship ko ay mapupunta lang din sa wala.

That Game Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon