Napaatras ako bigla nang makita s'ya. Lumabas ako para tingnan ang room number kung tama ba ang napasokan ko.
"Nasa maling building ba ako? " bulong ko sa sarili matapos konpirmahin na room number nga namin iyon.
Muli akong pumasok ng kwarto, dahan-dahan, yung waring isa akong magnanakaw sa sarili kong kwarto. Muli kong itinuon ang aking tanaw sa magandang nilalang sa aking harapan.
Putek, si Drew nga. Minasdan ko ang natutulog n'yang mukha, putek, ba't ba kasi nakabukas ang ilaw?! Mala-Song Jongki lang naman ang kaamuhan ng mukha n'ya, those sharp nose, those kissable lips ---ki-kissable lips?! Napalunok na lamang ako bigla, at muling ibinaba ang aking tingin sa mala-Michaelangelo n'yang katawan... and then I found myself staring on it only to realized nang muli kong ibalik ang aking tingin sa mukha n'ya ay nakatingin na lamang s'ya sa akin.
I blinked my eyes. The whole place is so silent, him staring at me, me staring back at him. And I hear my heart beating fast. Kung pede lang lamunin na ako ng lupa ngayon!
"Where's Trixie? " he broke the silence with his cold voice and monopolise tone.
"Bakit ka nandito?" ganti kong tanong sa kanya, trying to stay calm.
"Ba't di mo kasama si Trixie? " tanong nito nang makabangon sa pagkakahiga.
Aba aba'y s'ya pa ang mayganang mag interrogate ganung s'ya ang alien sa kwarto na'to.
"Pa'no ka nakapasok dito? " taas kilay kong tanong.
"Ano bang oras umuuwi si Trixie? "
"Sino ang nagpapasok sa'yo dito? "
"Saan ba s'ya ngayon? " Aba'y dinededma talaga ang mga tanong ko.
"Wala bang nakapagsabi sa'yo na bawal ang mga outsider dito? " taas kilay ko uling tanong sa kanya.
"Do you have Trixie's schedule there? " Tanong n'ya at dahan-dahang tumayo.
"Ano kaya ang magiging penalty mo pag nalaman nila na andito ka? "
"Can I have Trixie's sched? " and he went nearer to me.
"Kung isumbong kaya kita sa caretaker?" at dahan-dahan na lamang akong napaatras nang papalapit na s'ya sa akin.
"Pwede bang sabihin mo kay Trixie na dumaan ako dito? "
"Hindi mo ba alam na mali tong pagpasok mo dito? Pwede kitang isumbong ngayon din!"
"How's your training? "
"B-Bakit kas---. "at napatigil na lamang ako nang mag shrink in na sa akin ang tanong n'ya.
"O-Okay naman. "
"Kelan ang next game n'yo? " seryoso n'yang tanong without leaving his stare on me.
"This wednesday against UST. "
"Anong oras na ngayon? "
"Ha? " pagtataka ko. Di s'ya tumugon kaya tiningnan ko na lamang ang relos ko. "7pm. "
"Anong oras klase mo bukas? "
"10am pa. "
"Wanna come with me?. "
Is he inviting me for a date? Ito na ba? Nabighani na ba s'ya sa kagandahan ko? Will I say yes or magpapakipot muna ako?
"S-Sige."
Putek. Pumayag ulit ang lola n'yo. Napaka-easy to get mo talaga Kassey.
Pero ako pa ba itong tatanggi, isang Drew Reyes na ang nagyaya sa'yo, date na yan Kassey! Tatanggihan ko pa nga ba?
BINABASA MO ANG
That Game Called Love
Fiksi PenggemarWhile rookie Kassey Lopez is on the chase of her volleyball dreams, she met the snob yet charming basketball MVP Drew Reyes who made a big impact to motivate herself in spite of all failures. But that one sided admiration slowly turn to be Kassey's...