One

40 3 1
                                    

“Badtrip.”

Napakagandang first-word sa napakaganda kong istorya. Hay. Paano ba naman kasi, napagtripan nanaman ako sa school! Lagi nalang nangyayari to sakin.

Tuwing walang magawa yung mga “queen-bees” ng school namin eh hinahanap nila ako at pinagtitripan.

Last week,  habang kumakain ako sa canteen, lumapit sila tapos binuhos yung binili kong orange juice sa ulo ko. Wala na nga akong naimon, nag-amoy prutas pa ako!

Two days ago, pinatid nila ako habang naglalakad sa gitna ng hallway, sa harap pa ng crush ko! Ugh. Nakakahiya talaga. Buti nalang nakatalikod na si L, kung hindi baka nagpakain na ako sa lupa sa kahihiyan. (Louie yung pangalan nung uber-na-hot na crush ko, pero trip nyang L ang tawag sa kanya, ewan ko ba, may pagk-pa-mysterious kasi yun eh)

Kahapon, habang nagpapalit ako ng damit after ng P.E namin, kinuha nila yung damit na susuotin ko, kaya ayun, hindi ako nakalabas ng girl’s locker room hanggang uwian. Buti nalang pumasok yung janitress at narinig akong umiiyak kaya dinalhan nya ako ng ibang damit.

At kanina… Ugh! Itlog naman ang naisip nilang ibato sa akin!

“Nakakainis na talagaaaaa!”

Palabas na ako ng school kanina nung bigla nila ako pinagbabato ng itlog mula sa bintana ng kotse nila. Nagtawanan pa bago umalis yung kotse. Mga mukhang anghel na ugaling demonyo.

“Mga impakta talaga.” Bulong ko habang naglalakad. Iniisa-isa ko yung pagtanggal ng mga balat ng itlog na nakadikit padin sa uniform ko, hindi na ako nagpalit since pauwi na din naman ako, saying sa uniform, mahirap pa naman maglaba. Amoy itlog tuloy ako, kadiri!

Kung tinatanong niyo kung bakit ko tinitiis yung mga pinaggagawa nila sa akin, yun ay dahil hamak na scholar lang ako sa school namin.

Hindi ako pwedeng magka-record sa discipline office kasi mawawala agad-agad yung scholarship ko, at kapag gumanti ako sa mga impakta na yun, siguradong matatanggal ako sa school.  At bakit? Dahil yung reyna ng school naming na si A.M (Ann Marie name nya, pero gusto nya A.M tawag sa kanya, arte lang ng mga tao sa school namin) eh anak ng discipline head ng school namin.

“Isang taon nalang naman ehhh… Erin magtiis ka na… para din to sa pangarap moooo…”

Magiging magaling na architect ako balang araw, at para mangyari yun, kailangan kong tiisin muna lahat ng paghihirap, bida-ng-teleserye-style. Balang araw--

*blag!*

“Ay anak ng tokwa!”

Napatalon ako. Shete! Ano yun?!

Lumingon-lingon ako sa paligid, mukhang wala namang nangyari, pero ano yung parang bumagsak?

*Blag! Blag!*

He's an Alien?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon