Chapter 32
Debbie's POV
Hanggang ngayon. Hindi ko pa rin alam kung tama ba ang disiyon kong pagpayag na sumama kay archie. Paano nga kaya kung magkita kami ni xander sa pagtitipon na iyon? Marahil ako na lang ang gagawa ng paraan upang hindi kami magkita. Hindi ko naman siguro kailangan mangamba.
Sinipat ko muli ang sarili sa salamin. Ilang sandali na lang at darating na si archie para sunduin ako.
Talagang sinisigurado niyang sasama ako. Lalo na't siya pa ang bumili ng damit para sa akin. Mabait si archie ngunit hindi ko sigurado kung maibibigay ko nga ba sa kaniya ang hinihiling niya sa akin.
Naguguluhan ako. Hangga't maaari kasi ay ayoko na munang sumobok uli.
Huminga ako ng malalim. sandali pang tumitig sa salamin bago ko naisipang tumayo na. Pero naagaw ang aking atensyon ng mapansin ko sa repleksyon ng salamin ang suot suot kong kwintas. Bahagya akong napakunot ng noo, tila ba kasi may maliit na bagay ang nakaipit duon.
Agad kong niyuko ang kwintas ko at tinitigan kung ano man iyon. Sa pagitan siya ng kwintas nakaipit. Dahan dahan ko siyang kinuha at tinitigan. Mas lalo lang lumalim ang pagkakakunot ng aking noo nang malamang isa iyong maliit na micro sd.
"Paano napunta ang bagay na to dito?" tinitigan ko sa suot suot kong kwintas na galing pa sa mga magulang ko. Wala naman akong natatandaang inilagay ko ang bagay na ito duon. Hindi kaya si joshua? pero imposibleng galing ito sa kapatid ko. Wala rin namang kahit sinong humawak ng kwintas ko.
Napapaisip parin ako kung saan nanggaling ang micro sd na iyon nang makarinig ako ng sunod sunod na pagkatok. Marahil ay si archie na ang dumating. Muli kong binalik ang micro sd sa loob ng kwintas at inayos ang sarili. Saka ko nalang aalamin ang laman ng micro sd. Baka napakaimportante nun kung itatapon ko.
Lumapit ako sa pinto at binuksan iyon. Ang nakangiting si archie ang bumungad sa akin. "Nakapag ayos ka na pala. Shall we go?"
"Uh-um." Inalalayan niya ako sa paglabas hanggang sa pagsakay sa kotse. Ilang sandali pa ay bumibyahe na kami.
habang nasa byahe kaming dalawa, nagsimulang magtanong ng kung ano ano sa akin si archie.
"Tell me about yourself, debbie. Para naman mas lubos pa tayong maging magkakilala. Then i will tell you about myself too." Aniya habang nakatuon sa kalsada ang paningin, na Kung minsay ay sumusulyap siya sa akin.
"Uhm, Ano namang ang gusto mong malaman tungkol sa akin?"
"Hmm. . . anything. About you, your friends. . . or your family." Aniya. Sumulyap ako sa kaniya. Lumingon din siya sa akin at ngumiti. "Wait. If i remember, you told me that You have a brother, right? Kumusta na nga pala siya? is he ok now?"
"Err. . . uhm. . . ano kasi, archie. w-wala na siya. Pumanaw na ang kapatid ko, ilang buwan na ang nakakaraan." Pagkasabi ko nun, unti unting nawala yung ngiti niya sa labi.
"I'm. . . sorry. Hindi na dapat ako nagtanong."
"Ok lang. Natanggap ko na rin naman. at least, hindi ko na makikitang nahihirapan ang kapatid ko."
Parang gusto kong umiyak ng mga oras na yun. Naalala ko nanaman si joshua. Pakiramdam ko, wala akong nagawa para sa kaniya. Hindi ko na tupad ang pangako ko sa puntod ng mga magulang ko na aalagaan ko siya.
Humarap ako sa labas ng bintana at tumanaw duon. Hinilig ko rin ang aking ulo at pinipilit pigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. Tuwing naiisip ko ang pamilya ko, pumapasok din sa utak ko na, nagiisa na lang pala ako. Wala pamilyang masasabihan ng mga problema ko. Napaka unfair ng kapalaran sa akin.
BINABASA MO ANG
🔞 I'm His Private Property [UNDER EDITING]
General FictionGuwapo pero tila may tinatago sa pagkatao nito si xander. Ngunit sa kabila niyon ay ibinigay parin ni debbie ng buong buo kay xander ang lahat ng meron siya. Even her heart. She willing to do everything for his love. Ngunit paano kung kabiguan at h...