Chapter 7

2.4K 72 12
                                    

ARIA's POV

"Minhyuk-ssi--"

"Minhyuk oppa." He corrected me. Napairap nalang ako.

We have this rule, I call him oppa then he'll stop hitting my forehead and if I don't call him oppa, he won't hit my forehead instead, he'll kiss it. Para paraan din 'tong isang to eh.

"Fine. Minhyuk OPPA, what does your group called?"

"Monsta X." Napatango nalang ako. Naglalakad kami papunta sa bubble tea shop.

Kanina binack hug niya ko, ewan ko ba, nailang ako sakanya. Tapos agad din akong kumalas kase naalala ko yung galit na mukha ni Jungkook, feeling ko tuloy pinagtataksilan ko siya.

Naka mask parin siya at naka-cap. Kaya pinagtitinginan siya. Syempre, normal na dito yang mga ganyan, sino pa bang magdi-disguise na ganyan? Syempre mga idols at artista.

Ako nakamask din, binili niya ko, para kung sakaling mabisto daw kung sino siya, hindi nila ako makuhanan ng picture since ako ang kasama niya at babae pa.

"Anong ginagawa mo sa BigHit?" Tanong niya saken.

"I saw you coming out from that building." Dagdag niya.

"A-ah, wala bumisita lang." Tumingin siya saken at magpatuloy sa paglalakad.

"Bumisita? Sinong binisita mo?" Hindi ako makahanap ng excuse kaya tinarayan ko nalang siya.

"Bakit ba ang daming mong tanong? Wala kana don." Inirapan ko siya. Pinitik naman niya yung noo ko.

"Aray!" Daing ko at napahawak sa noo ko. Hinampas ko siya at inunahan siyang maglakad.

Bigla niyang hinila yung damit ko kaya napabalik ako sakanya.

"Ano ba?!" Iritang sabi ko sakanya. Inakbayan niya lang ako at naglakad na.

HINDI MAGAAN ANG KAMAY NIYA NO!

Asar na naglakad nalang ako habang naka cross arms. Nakarating din kami sa bubble tea shop.

Ako nalang yung nagorder ng bubble tea, may nakasabay ako na lalakeng matangkad. Hindi naman siya payat, okay lang. Nakamask siya. Maputi din ang balat niya, makinis.

Pagkakuha niya ng order tumalikod siya at ayun nga nabangga niya ko. Sa liit ko ba namang to, sino nga ba namang makakakita saken? Plus the fact that he's tall.

"Joesonghabnida." Nagbow siya saken at umalis na. Nagkibit balikat nalang ako at nagorder na, habang hinihintay ko yung order ay nagmuni muni muna ako dito sa pila ko.

Napatingin ako sa paa ko nang may natapakan akong something na malambot. Dinampot ko ito, handkerchief. Simpleng kulay puti lang siya, walang design, just plain white.

Hinanap ng mata ko yung lalaking nasa harapan ko kanina, wala na siya.

"Miss eto na yung order mo." Kinuha ko na yung order ko at nagbalik na kay Minhyuk.

"Oh." Inabot ko sa kanya yung bubble tea niya.

"Number mo?" Nilabas niya yung phone niya at binigay saken. Nilagay ko nalang yung number ko.

Syempre ako na dakilang mahilig magselfie ayun nagselfie pa ako sa cellphone niya ng ilang beses bago ibalik yung phone niya hehe.

"Isend mo saken ah." Sabi ko pa sakanya at uminom ng bubble tea. Tumango nalang siya.

Nagkwentuhan lang kami about sa past and yeah, he even confessed that he used to like me before that's why he's always teasing me.

"Annyeong oppa! Send me a message on kakao, arraseo?" I waved my hand. He did the same and we parted ways.

Free day pala nila ngayon kaya naglibot libot siya. To be honest, I am so glad that I met him again. Kahit na inaasar niya lang ako lagi dati, thankful padin ako don, kase kung wala siya non, I bet my grade school days will be boring as hell.

Pagpasok ko ng building ay lukot na mukha ni Jungkook ang bumungad saken.

"Saan ka galing?" Kunot noo niyang tanong.

"Ah, sa bubble tea shop."

"Sinong kasama mo?"

"Si Minhyuk oppa." I answered him honestly, wala namang kailangan itago diba?

"Why do you call everyone oppa?" Nagtaka ako sa sinabi niya. Nagseselos ba siya? No. Stop imagining things that are impossible to happen, Aria.

"Ha? Hindi naman ah. Si Taehyung at Jimin hindi ko naman tinatawag na oppa."

Tsaka kung tawagin ko man silang oppa, wala namang meaning sakin yon.

"Tss."

"Bakit?" Tanong ko pero hindi siya sumagot.

Okaaay.

Papasok na sana ako pero pinigilan niya ako, tinignan ko siya at yung kamay niyang nakahawak saken.

"I'll try." Kumunot ang noo ko.

"Try what?"

"I'll try loving you." My heart skipped a beat.

"What if she comes back?"

"She won't"

"That's why I asked, what if." Humarap ako sakanya.

"Then why did she left me on the first place? Kung babalik siya, sana hindi nalang niya ako iniwan."

He doesn't get my point. I'll go straight forward then.

"Pano nga kung bumalik? Who will you choose?"

Ayokong maiwan bandang huli. Ayokong umasa sa mga bagay na imposibleng mangyari.

"I'll choose you," Napailing ako sa sagot niya, ofcourse he will say that, pero kung bumalik siya, alam ko namang siya ang pipiliin hindi ako.

Pumasok na ako practice room at naabutan ko silang kanya kanyang nakahilata sa sahig.

"Oh, saan mo siya nakita?" Bungad samin ni Hoseok oppa. Pumasok na din si Jungkook.

"Akala ko hindi mo mahahanap yang asawa mo eh." Dagdag pa ni Yoongi oppa.

Ha? Mahahanap? Ako? Hinanap niya? May sakit na siya o ano?

"Hinanap mo ko?" Tanong ko sa katabi ko. Tinignan niya lang ako. I'll take that glance as a yes.

"Oo hinanap ka niya 'no! Nagpanic pa nga yan nang mapansin niyang wala ka dito." Sabi ni Namjoon oppa.

Nagpanic? Really? Baka nagalala lang, kase pag hinanap ako nina eomma sakanya at wala siya naiharap malamang ay malalagot siya. Right. Don't assume things, Aria.

"Ahh." Simpleng sagot ko at umupo nalang sa sofa.

Biglang nagmessage sakin Minhyuk oppa, he sent my pictures. ㅋㅋㅋㅋ~

'Let's meet again next time.' Dagdag niya pa. Nagsent lang ako ng sticker na nagsisign ng okay tapos nagexit na sa kakao.

"Jungkook-ah." Napatingin kaming lahat sa pinto.

They just broke up, hindi man lang niya pinatagal? Hindi makatiis? Tss.

You'll choose me? Let's see.

"I missed you."

Loving Jeon Jungkook || (Loving Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon