Chapter 17

2.2K 70 6
                                    

Dedicated to @_yannixx thank you! 😘

ARIA's POV

Nasa sasakyan kami ngayon ni Minhyuk at pauwi na. Ihahatid niya daw ako sa bahay, mahirap na daw baka irape daw ako ng mga bakla. Bwisit talaga siya!

Pero masaya ako ngayon sa 'Friendly Date' namin. Masaya kasama si Minhyuk, lagi nga lang akong inaasar.

Kanina nga nung nasa mall kami ay ang daming nagpapicture sakanya, at kapag meron ay lagi niya akong hinihila sa tabi niya kaya nakakasali din ako sa picture.

May nagsabi pa nga samin na..

"Oppa, bagay kayo."

"Unnie, secret lang to pero crush ka ni Oppa."

"Ang ganda mo sa personal unnie!"

"My ship is sailing!"

"Stay strong sa friendship niyo."

At madami pang iba. Puro ngiti lang ang ginawa namin sa mga comments nila. At laking pasasalamat ko nalang at walang haters na lumapit samen.

"Nag-enjoy ka ba?" Tanong sakin ni Minhyuk pagbaba namin ng sasakyan.

"Yes, thank you." Nginitian ko siya.

Ginulo niya yung buhok ko tsaka ako nginitian.

"You're always welcome Ria."

Ria..

Ang tagal na din niya akong hindi tinawag na Ria. At siya lang ang tumatawag sakin non. Noong mga bata pa kame Ria ang tawag niya saken.

"Minmin.." Banggit ko sa palayaw niya na ako ang gumawa. Yan din ang tawag ko sakanya nang mga bata pa kame dahil nabubulol ako pag sinasabi ko ang 'Hyuk'

"I missed the old times." He whispered on my ear.

Bakit ang bilis ng pangyayare? Paano niya ako nayakap ng ganon kabilis?

I was shocked, hindi ako nakagalaw sa bilis ng pangyayare, ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Minhyuk-ah.."

"Enough." Nabigla ako nung may humila sa kamay ko paharap sakanya at nilayo ako kay Minhyuk.

"Naihatid mo na, pwede ka ng umalis." Napatingala ako.

Shet jungkook ish dat u???

"Sino ka ba?" Napalingon ako kay Minhyuk nung sinabi niya yan pero hindi pa man ako nakakaharap ay pinigilan na ni Jungkook ang ulo ko at iniharap sa dibdib niya.

Nako! Ang sarap lang amuyin ng dibdib niya ngayon pero hindi ito ang oras para lumandi dahil feeling ko ay may tensyon sa dalawang lalakeng to.

"Wala ka ng pakialam don."

Humarap na ako sa kanilang dalawa.

"A-ah, Minhyuk pwede ka ng umalis. Salamat sa paghatid." Pagkatapos ay hinila ko na si Jungkook papasok sa loob.

Inis niyang inalis yung mask niya sa mukha. Oo may mask siya kanina nung lumabas siya kaya hindi siya nakilala ni Minhyuk.

"G-galit ka ba?" Tanong ko, cause I'm sure na nakita niyang niyakap ako ni Minhyuk.

"Palagay mo?"

"Sabi ko nga galit ka." Inalis ko yung heels ko at naglakad papunta sa kwarto.

"At saan ka pupunta?" Tanong niya kaya humarap ako sakanya.

"Sa kwarto. Magbibihis. Sama ka?" Pagsusungit ko sakanya.

Akala niya nakalimutan ko na yung pagtatanggi niya saken kanina? PWES HINDI!

"Bakit sakin ang sungit mo? Bakit diyan sa bestfriend mo na yan ang bait bait mo?" Ayoko yung tono ng pananalita niya kaya nagsimula ng maginit ang dugo ko.

Tsaka anong masungit? Nagsusungit lang naman ako dahil sa ugali na pinapakita niya sa akin! Tsaka ako? Mabait kay Minhyuk? Mygod! Kelan pa ako nakipag sunduan kay Minhyuk? At isa pa, ngayon lang naman ako nagsungit sakanya ah! Lagi naman akong mabait sakanya!

Hindi ko na siya maintindihan! ANO BANG GUSTO NIYA?

"So anong pinapalabas mo? Na unfair ako sayo, ganon?!"

"Hinde. Ang sinasabi ko bias ka!"

"Bias, unfair, parehas lang yon! Tsaka bakit ba ang sama mo kay Minhyuk kanina ha? Hinatid niya lang naman ako ah!"

Bumaba ako ng hagdan at medyo lumapit sa kinaroroonan niya.

"Hinatid pero may payakap yakap pa." He looked so annoyed, well so am I! Sumosobra na siya!

"You've done the same to Olivia right?" I smirked at him. Kinu-notan niya ako ng noo.

"So, this is all about revenge huh?" Pinagsasabi neto? Revenge? Para sakanyan? Nah, I don't do shit.

"Revenge? Nah, I'm doing the same but I'm not taking revenge. And there's a big difference between them."

Napatingin ako sa couch nung may namataan ako.

"So, it was you all along," Nilipat ko sakanya yung tingin ko nabigla naman siya.

"I'm starting to think that you're beginning to like me. If you're not feeling that way please stop making actions that are making me think you are." Tinalikuran ko na siya.

Just this time, ako muna ang tatalikod sakanya.

"Huwag mo akong pinapaasa Jungkook"

"Nag-aaway ba kayo?" Napatingin ako sa taas.

"Eomma.."

Loving Jeon Jungkook || (Loving Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon