Chapter 46

1.5K 43 29
                                    

Baka hanggang 50 chapters nalang 'to hehehe, tapusin ko na siya tapos focus na ako sa hu u :) Support niyo din yon guyseuu~ ∩__∩

ARIA's POV

"Eto pa, kainin mo 'to." Nilagay niya sa plato ko ang isang meat kaya kinain ko yon kasama ng bigay niya din saking kanin.

Kanina pa niya ako pinapa-kain dito. Naudlot tuloy ang practice nila. Pagkatapos ng iyakan session namin kanina ay kanya kanyang yakap sakin ang ibang members. Lalo na si Taehyung, halos ayaw ako bitawan, kundi lang dahil kay Jeon baka di na talaga niya ako binitawan. Syempre nakatanggap din ako ng tatlong batok galing kay Jimin. Sinermon niya lang naman ako. Siya, kasama si Jin oppa. Nagtanguan kami ni Yoongi oppa at pinagsabihan ako ni Namjoon at Hoseok oppa na magpaalam sa susunod.

Napansin ni Jin oppa yung pagka-payat ko bigla kaya eto, mabilis na nakapag-order si Jeon ng mga pagkain. Sobrang dami na napakain niya na pati ang members at ang managers nila.

"Ano bang ginawa mo at namayat ka ng ganyan ha? Alam mong ayokong nagbabawas ka sa mga kinakain mo. Nawala ka ng isang taon naging ganyan na ang katawan mo. I need your explanations right now!" Sabi ni Jeon habang sinusubuan ako. Kita niyo, kabibigay niya lang sakin ng ulam sinusubuan niya na nga ako.

Binatukan siya ni Yoongi oppa, "Pano makakapag-explain eh pinuno mo yung bibig ng pagkain?" Aniya kaya napakamot ng ulo si Jungkook.

"Hyung kase, tignan mo naman yung katawan niya! Kumpara noong huli nating kita sa kanya! Kumpara sa huli kong kita sa kanya sa video call!" Sabi niya at tinuro pa ako. Nginuya ko lang ang nasa bibig ko at pinanuod silang magpalitan ng salita.

"Alam ko! Pero paano nga makakapagsalita eh pinasakan mo nga ng maraming pagkain sa bibig?"

"Kahit ayaw niyang pumayat ay papayat at papayat siya dahil sa sakit niya." Sabi ni Yoongi oppa na nagpa-ubo sakin. Inabutan niya ako ng inumin kaya agad ko iyong ininom.

"Anong-- Anong sakit?" Tumingin sakin si Jungkook.

"Takotsubo cardiomyopathy. I got it because of too much heart breaks.. Sounds, impossible, yeah, but I had it. Dumaan ako sa maraming therapy para maiwasan kong maramdaman iyon, kaya ako umalis. Dahil kung hindi ako umalis ay baka wala na ako dito ngayon. I'm sorry.." Yumuko ako. Nakikinig silang lahat sa sinabi ko.

"Hindi ko naman alam na ganon pala katagal iyon kaya hindi ko rin expect. Hindi ko naman sinasadya na magpatagal don at ang hindi ka itext pero binawalan nila ako. I had to distance myself from you Jungkook. I hate to admit it, but you are the reason of my pain. But don't blame yourself, ako ang may kasalanan dito, ako ang nago-over react. Masyado kong dina-damdam ang lahat," Tinignan ko sila isa-isa pero umiling si Taehyung. Hindi sang-ayon sa sinabi ko.

"Masyado kang nag-over react? Masyado mong dinamdam? Aria, tanga ka ba?" Napayuko ako sa sinabi niya. Alam kong galit siya sakin. Alam niya ang bawat sakit na dinamdam ko noon. Alam niya ang pagtitiis na ginawa ko noon, alam niya kung gaano ako katagal umiyak non dahil sa ka-miyembro niya.

"Tae.." Pigil sakanya ni Namjoon oppa.

"No, oppa, hayaan mo siya." Pigil ko din kay Namjoon oppa. Gusto kong marinig. Alam kong masakit ang loob niya sakin. Alam kong nasaktan ko din siya, alam kong nasasaktan ko siya.

"Hindi ka inu-uwian gabi-gabi kase nasa kabit niya? OA ka? Hindi ka sinipot sa dinner date niyo kase may ka-date niya yung isa? OA ka? Pinagsa-sabihan ka ng mga masasakit na salita kase alam niyang asawa ka lang sa papel, OA ka?" Napakagat ako sa ibabang labi ko at nabitawan ko ang chopstick na hawak ko. Tinignan ko din ang kamay ni Jungkook na unti-unting sumasara na para bang handa ng manuntok.

"Hindi ka sinundo sa trabaho kase nakikipagtalik sa kabit niya. OA ka?" Napapikit ako sa binanggit ni Taehyung.

Masakit man aminin pero sa tuwing kasama ko si Jungkook ay ang ungol nilang dalawa ang naririnig ko sa magkabilang tenga ko. Hindi madaling magpanggap, pero gabi-gabi ay iniinda ko iyon. Gabi-gabi ay dinadalaw ako nung ala-alang iyon. Sa mga oras na ginawa namin ni Taehyung iyon ay iyon ang naa-alala ko. Hindi ko lang pinapakita na nasasaktan parin ako hanggang ngayon, pero hindi madali ang makalimutan yon.

Sobrang sakit parin.

"Putangina, Aria. Alam mong mahal kita.." Tumulo ang luha ko sa sinabi niya.

Alam ko. Tae, alam ko..

"Alam mong kaya kitang agawin sakanya.." Napahawak ako sa kamay ni Jungkook nang makitang patayo na siya. Tumingin siya sakin pero umiling lang ako sakanya. Pahiwatig na huwag niyang ituloy ang binabalak niyang gawin.

"Pero malaki ang respeto ko sayo.." Lumambot ang expression ng mata ko.

"Malaki ang respeto ko sayo, sainyo. Ayokong ipagsiksikan ang sarili ko sayo, pero pwede bang respetuhin mo din yung sarili mo? Naturingan akong abnormal sa grupo na 'to pero nakakaramdam din ako. Putangina, mahalin mo naman yung sarili mo." Umangat ang tingin ko kay Taehyung na naka-tayo na.

Ang kanina na yumakap sakin at nakangiti sakin habang nakatingin sakin na naluluha ay nawala na. Galit at sakit ang nakikita ko sa mata niya ngayon.

"Sa palagay ko ay hindi mo na ako kailangan. Ano ba ko dito? Tagapag-punas ng luha mo, diba?" Namuo ang luha sa mata niya at ngumisi sakin.

Nasasaktan ko siya. Dahil don, iniiwan niya na ako ngayon. Ang taong walang ibang ginawa kung hindi pasayahin ako sa tuwing sinasaktan ako ng mahal ko. Ang taong nandyan para punasan ang mga luha ko at palitan ito ng mga ngiti. Ang taong alam kong mahal na mahal ako. Ang taong alam kong hindi ako iiwan.

"Tae, hindi.." Umiling ako sakanya habang tumutulo ang mga luha ko. Umiling din siya sakin.

"Punasan mo ang luha mo, dahil hinding hindi ko na pupunasan pa yan." And he left.

Napahigpit ang kapit ko sa kamay ni Jungkook. Hinawakan niya din ang kamay ko na nakahawak sakanya gamit ang kabilang kamay niya. Pinisil niya ito at tinignan ako ng may lungkot sa kanyang mukha.

Hahayaan ko muna siya. Hindi ko na muna siya susundan. Taehyung needed this. He needed to let his feelings go. Alam kong matagal na niyang tinatago iyon sa loob niya, and I never confronted him about how he feels. Palaging ako. Palaging ako ang tinatanong niya. At doon ako nagkamali bilang kaibigan niya. Doon ako nagkulang.

"Hayaan mo na muna, kakausapin ko nalang mamaya sa dorm." Sabi sakin ni Jimin. Tumango-tango ako habang pinupunasan ang luhang walang tigil sa pagpatak.

Binitawan niya ako. Ang taong inaasahan kong hindi ako iiwan ay nawala na. Iniwan na niya ako.

Taehyung, I'm sorry.

--

A/N: Okay, alam kong sabi ko na wala ng drama ang suaunod na chapters, pero kailangan. I can't leave taehyung like that. He deserves a closure right? Kailangan niya iyon. Hehehe ayon lang.

Pero masakit talaga diba? Yung mabitawan ka ng kaibigan mo? Kaya habang sinusulat ko 'to feel ko yung sakit hahaha ewan ko ba, di naman ako iniiwan ng mga kaibigan ko pero ramdam ko yung nararamdaman ni tae hahahaha basta

Loving Jeon Jungkook || (Loving Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon