Chapter 48

1.6K 42 14
                                    

ARIA's POV

"Punyeta ka Jeon, pag may naka-kita na naman satin niyan." Sabi ko habang inaalis ang pagkahawak ng kamay niya sakin.

"Wala naman eh." Sabi niya sa malungkot na tono.

"Mamaya na kasi, alam mo naman na mainit ang mata sayo ng dispatch." Ani ko at tumingin sa paligid.

"Oo na," Tipid niyang sagot at nauna ng naglakad papuntang van nila. Papunta kasi kami sa airport ngayon. Pupuntang Japan, may ipo-promote kasi silang kanta don.

Sumakay na sila sa van nila at ako kasama sina manager oppa sa isa pang van. Hindi kami pwedeng sumakay ni Jeon sa iisang van. Pagka-kamalan na talaga kami. Kaya eto, sumasama ako sa mga managers and staffs.

Nang makarating kami sa airport ay tilian ang una kong narinig at puro flash ng mga camera ng fansites nila ang naaaninag ng mata ko. Nagsuot ako ng mask at salamin at bumaba ng van ng nakayuko.

Sa dami ng fans nila dito ngayon ay hindi kami makagalaw sa kinata-tayuan namin. May mga bodyguards naman pero hindi sila sapat para protektahan kami sa mga fans. Masyado silang madami. Masyado silang mapwersa.

"GET OUT OF THE WAY!" Biglang sabi ng isang guard at tinulak ang mga fans na sobrang kulit.

Nakita ko kung paano nila hatakin ang damit at braso ng bangtan. Hindi din nakaligtas sa paningin ko yung babaeng muntik ng maka-kalmot kay Jungkook. Unti-unti na kameng umuusad kaya mas lalong naging agresibo ang mga fans.

"Holyshit." Rinig kong sabi ni Yoongo oppa na nasa harapan ko lang. Nakalmot kasi siya ng isang fan sa kamay.

"Aww." Biglang daing ko ng muntik na akong matumba dahil sa pagtutulak ng fans. Inakbayan ako ni Yoongi oppa at pinrotektahan ako na kinagulat ko.

"Oppa.." Bulong ko sakanya pero tumango lang siya sakin habang pilit na tinatabig ang mga kamay na huma-harang samin. Nakita kong lumingon si Jungkook sakin at medyo nanlaki ang mata.

"ARAY!" Bigla akong napasigaw ng may humatak sakin. Specifically, sa damit ko.

"Miss, calm down." Sabi ko at pilit na inaalis ang kamay niya sa damit ko. Hindi niya ako pinanpansin at patuloy lang sa paghatak sa damit ko.

PUTANGINA LUMILITAW NA YUNG BRA KO TEH ANONA?!?

"Miss, yung damit ko!" Sabi ko at inalis yung kamay niya. Inayos ko yung damit ko at naglakad na ulit.

Napapamura nalang talaga ako sa mga fans eh, pwede naman nilang hawakan ang idols nila, pero huwag kasing harasin. Puta sumo-sobra na din eh. Kaya ganito kahigpit ang mga bodyguards pagdating sa mga fans na tulad nila eh.

Nang makalayo na kami sakanila ay nakahinga kami ng maluwag. Inayos ko ulit yung damit ko na biglang lumuwang dahil sa hatak kanina. Napadaing ako nang may mahawakan akong mahapdi. Kinuha ko ang cellphone ko at nanalamin.

Nagkasugat ako sa may bandang balikat! Medyo mahaba ito at medyo dumu-dugo.

"Okay ka lang ba?" Biglang lapit sakin ni Jeon. Nakatago na din naman kami sa mga fans kaya pwede na niya akong lapitan.

"Nagalusan ako nung isang fan niyo." Sabi ko at pinakita ang sugat ko. Hinawakan niya ito kaya napadaing ulit ako.

"MASAKIT NGA EH! HINAWAKAN MO PA!" Sigaw ko sakanya at hinipan ang sugat ko.

"Sorry.." Sabi niya bigla kaya napatingin ako sakanya. Nakayuko siya. Okay Aria, ang tanga mo na naman. Bat mo sinigawan kasi?!

"S-sorry, di ko sinasadyang masigawanㅡ"

Loving Jeon Jungkook || (Loving Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon