Chapter 10

2.4K 75 11
                                    

ARIA's POV

Weeks passed. Busy ang Bangtan sa promotions at busy din ako sa trabaho ko. Oo may trabaho na ako. Naisipan kong mag apply sa isang coffee shop na malapit lang sa BigHit. Dahil narin siguro sa pagkainip ko at para na rin makaipon ako.

Ilang weeks ko ng hindi nakikita ang Bangtan. Dahil puro practice sila ngayon at hindi ko sila mapuntahan sa BigHit dahil ang shift ko ay 9:00am-6:00pm.

So pag dumadating ako sa bahay, it's either wala si Jungkook o kaya tulog. Pag gising ko naman, laging wala na si Jungkook.

Si Jungkook ayun bumalik ang trato saken. Yung dinadaan daanan lang ako at kinakausap pag may kailangan. John Michael siya, nanJOHN lang pag MICHAELangan.

Bago ako umalis ng bahay ay sinigurado ko munang nakasara ang lahat. Pagkatapos kong icheck lahat ng bintana at pinto ay umalis na ako.

"Annyeonghaseyo halmeoni."

Si halmeoni ang may ari ng coffee shop na to. Apat lang kameng nagtatrabaho dito. Si halmeoni, ako, si Irene at si Jaeyong.

"Oh nandito kana pala." Tinulungan ko siyang magayos ng mga table at magbukas ng mga bintana.

Maaga talaga akong umalis ng bahay para makatulong kay halmeoni.

Maaga pa at maya maya palang ang bukas namin ng shop. Nakaupo kame ni halmeoni sa labas ng coffee shop at umiinom ng kape.

"Kamusta kayo ng asawa mo?" Pagtatanong niya. Oo, alam niya ang samin ni Jungkook. Sakanya ako naglalabas ng hinanakit at sama ng loob kay Jungkook.

"Ganun parin po halmeoni eh." Nakatungong sagot ko.

Noong una akong beses naglabas ng sama ng loob sakanya ay napagdesisyunan kong makipag divorce na kay Jungkook. Pero pinigilan niya ako at sinabing..

"It takes time Aria. Just let him take that time."

Hindi ko nagets ang sinabi niya at hanggang ngayon ay hindi ko parin iyong magets.

"Eh sila ng kasintahan niya?" Tanong niya.

"Hindi ko po alam halmeoni eh. Hindi narin po kasi ako nakakabisita sa BigHit dahil sa busy ako sa trabaho."

"Kung ganon ay pinapayagan kitang lumarga ngayon." Napatingin ako sakanya, nanlalaki ang mata. Mali ata ang narinig ko.

"Po?" Ngumiti siya saken.

"Sige na, bisitahin mo na ang mga kaibigan at ang asawa mo. Alam kong miss na miss mo na ang mga iyon." Ngumiti siya sakin at hinagod ang buhok ko.

Nasa elevator ako at hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil makikita ko na ulit sila. Sobrang excited na akong makita ulit ang mga mukha nila kaya nagluto ako ng lunch para sakanila.

Bumukas ang elevator at lumabas na ako. Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pinto.

Pagbukas ay agad kong narinig ang isa sa mga kanta nila na gusto ko. Danger.

Hinintay ko munang matapos sila sa pagsasayaw bago ako pumasok, pagkatapos ng ilang segundo ay natapos din sila kaya pumasok na ako. Nakahiga silang lahat sa sahig at hinahabol ang hininga nila.

Kaya proud ako sakanila eh, kahit practice palang todo bigay na sila at sinisigurado nilang perfect ang sayaw nila para sa mga fans.

"HI!" Maingay kong bati sa kanila. Nagmadali naman sila tumayo at lumapit saken.

"NAMISS KITA!" Yakap saken ni Taehyung.

"Namiss ko din kayo!" Nginitian ko sila at yinakap pabalik si Taehyung. Bakit ganon? Pawis na siya't lahat ang bango padin? Ginagawa niya sigurong panligo ang pabango.

Nakisali din yung iba kaya ayun naging group hug na. At syempre hindi kasali si Jungkook doon, andyan girlfriend eh. Feeling ko nga siya ang pumalit sakin sa pansamantalang wala ako.

"Pinagluto ko kayo ng lunch." Sabi ko sakanila at inayos ang mga ito. Pinalibutan nila ako at isa isa silang kumuha pag binubuksan ko ang bawat takip ng mga tupper wear.

Napangiti nalang ako, no doubt. Miss ko talaga ang mga mokong na 'to.

"Bakit hindi ka bumibisita sa amin?!" Sabi ni Jimin.

"Oo nga! 'Yan tuloy may bwisitang pumalit sayo!" Bulong ni Taehyung. Kahit kelan talaga sakin kampi 'to eh. Kaya mahal na mahal ko 'yang abnormal na yan eh.

"Alam mo bang iritang irita kame sakanya?" Nakakunot na noong sabi ni Jin oppa.

"Feeling Aria siya. Oras oras, oppa ng oppa. Nakakarindi." Irap ni Suga oppa.

"Parang lintang makadikit kay maknae." Sabi ni Hoseok oppa.

"Ah basta! Hindi kana ulit aabsent sa pagbisita dito!" Naka cross arms na sabi naman ni Taehyung.

Natawa naman ako sakanila. Nakaupo ako sa sofa tapos sila nasa lapag at nakaharap saken. Para tuloy silang bata na binabasahan ng story. Sila Jungkook? Ewan. Basta alam ko lumabas sila.

"Wag nga kayong ganyan. Be thankful nalang na may pumalit sakin dito pansamantala." Ngiti ko sakanila.

"Mapagkumbaba as ever." Irap ni Suga oppa saken. Nagsusungit pa, alam ko namang miss ako niyan.

"Group hug nga ulit! Namiss ko kayo masyado!" Sabi ko at yinakap si Taehyung na nasa harap ko at dinumog na kame nung iba.

Napahiga kase si Taehyung nung niyakap ko siya ayun, dinaganan kame.

"MABIGAT HOY!" Palo ko sa kung sino mang nasa likod ko.

"Hoy out kana! Ako naman!" Agaw ko ng cellphone ko Jimin. Naglalaro kase kame ng color switch sa phone niya.

Simula nung dumating ako hindi na ulit sila nagpractice, naabutan pa nga sila ng manager nila na pinagpapasahan ako eh.

Alam niyo yung binuhat kang bridal style pagkatapos ay pinasa ka sa iba, at pinasa ulit sa iba.

GINAWA AKONG BOLA NG MGA HINAYUPAK! ALAM KONG MAGAAN AKO PERO HUWAG NAMAN AKONG ABUSUHIN DIBA?

Sabi nila sa manager nila namiss nila ako masyado kaya pagbigyan na daw sila. Medyo close din kase ako sa mga manager nila kaya ayun pinagbigyan nga sila.

"Oh sayo na, bwiset na yan." Asar na binalik ko kay Jimin yung phone niya, nakakaasar naman yong larong 'yon!

Biglang bumukas yung pinto at nilabas non si Jungkook na galit. Kumunot ang noo ko at kinabahan. Nakatingin siya saken ng matalim.

B-bakit saken?

Automatic na napahawak ako ng mahigpit sa laylayan ng tshirt ni Jimin. Siya lang naman ang kasama ko dito.

Ewan ko kung bakit, pero kinakabahan ako sa mangyayari. Lalo na at galit na galit ang ekspresyon ni Jungkook habang nakatingin saken.

Mabilis siyang nakalapit saken at hinawakan ang braso ko.

"Ayan! Dahil sa kalandian mo! Tignan mo!" Pinakita niya saken ang isang article na ako ang laman pati narin si Minhyuk.

P-pano nila nalaman to?

Loving Jeon Jungkook || (Loving Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon