Chapter 6

2.5K 79 16
                                    

ARIA's POV

"Ano ba Taehyung, lumayo ka nga saken." Nakakairita naman 'tong abnormal na to. Kanina pa siya nakadantay saken! Hindi naman ako kama!

Pero pag kay Jungkook okay lang..

Pagkatapos ng yakapan namin ni Jungkook ay hindi na kami nagpansinan ulit. Awkward.

Pero seryoso nakakairita si Taehyung. Hanggang ngayon kase meron pa 'ko. Actually pangatlong araw ko na 'to. Malakas pa kaya sigurado akong aabot ng isang linggo to. Ayan, siya napagbuntungan ko ng irita.

"Ang sungit sungit mo!" Sabi niya saken at mabilis na umalis sa tabi ko.

Nandito kase ako ngayon sa BigHit. Actually halos araw araw naman akong nandito. Bukod kase sa araw araw kong pinagdadala ng pagkain si Jungkook (na napupunta din kina Taehyung) ay personal assistant niya rin ako.

Tapos na ako sa pagaaral. Actually sabay lang kame nag graduate ni Jungkook pero sa magkaibang school lang. Nang mag eighteen kami pareho ay pinag-planuhan na ang kasal.

Lumabas nalang muna ako ng Entertainment dahil sa totoo lang nakakaboring na doon. Wala akong ginawa kung hindi ang humilata lang sa sofa doon at panoorin sila.

Nakakasawa din ang mukha nila 'no. I want to see new faces hehe

Naglakad lakad lang ako sa labas ng Entertainment.

"Joesonghabnida" Sabi ko sa lalaking nakabangga ko. Nakahawak siya sa braso ko na parang inaalalayan ako.

Naka mask siya at naka cap, artista to panigurado. Nagbow lang ako ng konti at akmang paalis na nang tinawag niya ko.

"Aria." Nanlaki ang mata ko.

Bakit kilala niya ko? Bukod sa Bangtan wala na kong ibang kaclose na ibang lalaki. Well, sila lang naman ang kaibigan ko.

"W-waeyo?" Imbes na sagutin ako ay hinila niya lang ako.

"A-ah, nuguseyo?" Tanong ko habang hinihila niya ko. Kinakabahan ako sa lalaking to. Hindi ko naman siya kilala pero bakit kilala niya ko?

Omo! Baka kidnapper 'to! Naputol ang pagpapanic ko nang pitikin niya yung noo ko at hinila ako ulit.

Isa lang naman ang gumagawa sakin non.

"Minhyuk-ah! Aish!" Ginulo ko ang buhok ko dahil sa inis.

Pinitik nanaman niya ang noo ko! Hindi naman malambot ang kamay niya para hindi ako masaktan no! Nakakainis talaga siya! Buti pa siya may forever.

Forever bully!

"Bleee!" Bumelat siya saken at tumakbo na ulit.

Nakakainis talaga siya! Sa school bully na siya, pati ba naman dito sa bahay! Ugh! Bakit ba siya nandito?!

Lee Minhyuk. The bully. Lagi nalang ako yung pinagtitripan niya! Nagsorry na nga ako nung accidentally kong nabato ng bola yung ano niya!

Oo yung ano niya! Ngayon binubully na niya ko. Kainis. Lagi pa niyang pinagtitripan yung noo ko.

"Eomma! Bakit may asungot dito?!" Sigaw ko mula sa kwarto ko habang pababa ako ng hagdan.

"Ah. Si Minhyuk ba? High school bestfriend ko ang mama niya kaya nandito sila."

Nakita ko namang bumebelat sa likod ng nanay niya si Minhyuk. Kaya mabilis na hinabol ko siya.

"BAKIT BA PALAGI MO NALANG AKONG PINAGTITRIPAN?!"

"KASE GUSTO KO!"

"ANONG GUSTO?! JUGEULLAE?!" Naghabulan kame sa buong bahay palabas.

Naramdaman ko ang pagod kaya tumigil ako. Pinatong ko ang dalawang kamay ko sa tuhod ko at naghabol ng hininga.

Naramdaman ko nanamang sumakit ang noo ko kaya mabilis ko siyang hinablot.

"KANINA KA PA!" Nanggagalaiti kong sabi at pinagsasabunutan ko siya.

"Aray! Aray! Masakit!" Angal niya.

Pinagpapalo ko din siya at pinagsisipa.

"Nakakainis ka!" Sabi ko nang tigilan ko na siya. Hinihingal pa ko dahil sa ginawa ko sakanya.

"I really like it when you're getting annoyed." Sabi niya at nginitian ako. Napasimangot ako lalo sa sinabi niya.

"Nan niga silheo." [I hate you.]

"You jerk." Bulong ko.

Nakarating kame sa isang eskinita. Medyo malayo layo sa maraming tao. Wait. Don't tell me--

"Do you treat other idols like that too?"

Napanganga ako. A-ang gwapo.

"Yah!" Nagising ako bigla nang pitikin nanaman niya ko.

"Minhyuk!" Ngumiti naman siya. Hindi ko maiwasang hindi mapamura. Pakshet halo siya ng gwapo at cute!

Pero naalala ko yung mga ginawa niya sakin noon. Sinimangutan ko siya at tumalikod na.

Naalala ko pa noong araw na iniwan niya ako. Noong araw na ipinagdiriwang namin ang friendship namin, iniwan niya ako. He left me dumbfounded.. Just looking at him walking away from me.

Friendship break ups are worst than relationship break ups.

Palayo na ako ngunit napatigil din at nanlaki ang mata dahil sa ginawa niya.

"Bogoshippeo."

Loving Jeon Jungkook || (Loving Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon