Chapter 28

2K 54 12
                                    

Lame update :( I'm sorry. I tried huhuhu 

Aria's POV

Minulat ko ang mata ko at agad ding pumikit. Tumama sa mukha ko ang araw, binuksan kong muli ang mata ko at umupo. Napahawak ako kaagad sa ulo ko nang biglang itong kumirot at medyo nandilim ang paningin ko.

Tumingin ako sa paligid. Holyshit.. BAKIT AKO NANDITO? WHAT HAPPENED YESTERDAY?

I started recalling and the last thing I remembered was when somebody hugged me. It's him, isn't it? Huminga ako ng malalim at hinilot ang sentido ko. Napa-sobra yata ang inom ko kagabi.

Why do I always faint when crying really hard? Even my body can't handle the pain now? Ano na naman ba ang balak niya sa akin? Bakit niya na naman ako binalik sa bahay na 'to?

Tumayo ako at pumunta ng cr upang linisin ang sarili ko. I stink, I smell like beer and vomit.
Sumilip muna ako sa pinto bago ako lumabas. Tatakas ako. Ayoko dito. Sana lang ay tulog pa siya.

Dahan dahan akong bumaba sa hagdan at sumilip ulit sa kusina at sa sala kung nandon siya. Wala. Tumakbo ako palabas at hinanap ang kotse ko. Wala.

"Shit.." Bulong ko sa sarili ko at napailing. I need to run. Huminga ako ng malalim at tumakbo, pero bago pa ako makatakbo ay may pumalupot na kamay sa bewang ko at binuhat ako papasok sa bahay.

I didn't dare to speak. Ayoko siyang kausapin, tapos na ang paguusap namin. We already broke up!

Wow, broke up.. Aria naging kayo ba? Boba!

"No, you're not going away again." Sabi niya nang ibaba niya ako sa sofa. Tinignan niya ako sa mata. Nakaluhod siya sa harap ko ngayon at kinukulong nanaman ako sa pagitan ng mga kamay niya.

Isang malakas na sampal ang nakuha niyang sagot sa akin. Pagkatapos ay isa pa. At isa pa. Napapikit siya sa mga sampal ko, mahapdi din ang kamay ko dahil sa lakas ng sampal na binigay ko sakanya. 

"Sampalin mo pa ako Aria. Until you feel satisfied. Let me feel the pain you've been through all this time." Tumulo ang luha sa mata ko at sinampal siya ng paulit ulit. Tumigil lang ako nang makita ko ang bakas ng kamay ko sa pisngi niya. I felt guilty, I just hurt him. 

Wait,  why do you feel guilty Aria? You're the one who's hurt here. You're so much hurt than him. 

Humarap  siya sa akin and I can see the pain in his eyes, not because of my slaps but because of what he has done. 

Niyakap  niya ang bewang ko at pauli-ulit na binibitawan  ang salitang 'sorry'. Jungkook, tell me. How do I forgive you if I've already reached my peak?

"Mianhe.." Tinulak ko siya palayo pero hindi siya nagpapa-dala. Hinihigpitan niya pa lalo ang yaka sakin. "Mianhe, mianhe, mianhe, jagiya.." Nanlambot ang kamay ko at nahirapan akong huminga. 

"Jagiya? Jungkook, I'm not your jagiya." Dahan-dahang sambit ko habang humihikbi. 

"I will never be.." Sambit ko at buong pwersa na tinulak siya. Tumayo ako at bago pa man niya ako mahawakang muli ay dinampot ko ang susi ng kotse niya sa mesa at agad na tumakbo palabas. 

Pinaandar ko kaagad ang sasakyan niya at pinaharurot ito palayo, nakita ko siya sa side mirror na hinahabol ako hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko. I can't stand the pain. Hindi ko siya kayang patawarin ng ganon na lang. Ayoko. It's not worth it. He's not worth it. Nadala na ako sakanya. He will say sorry not because he meant it, but because he got caught, and I fucking hate it. 

Loving Jeon Jungkook || (Loving Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon