Chapter 20

2.4K 67 26
                                    

ARIA's POV

Tatlong araw na akong nakakulong dito sa bahay, take note nasa bahay pa din kami ng parents ko ngayon.

Sabi ni eomma huwag na muna daw akong lumabas at maglibot dahil tiyak daw na hindi na ako makakabalik dito ng buo. Sinunod ko nalang siya dahil takot din ako sa mga ARMY no. Ang dami pa naman nila.

Si Jungkook hindi na siya umuuwi dito dahil sobrang busy nila para sa comeback nila, which is sa Saturday na. At ipalalabas sa Youtube yung MV nila sa Saturday ng madaling araw.

Excited na din ako sa comeback nila, kahit alam ko na yung kanta nila at step ay excited parin ako para sa performance nila sa bagong kanta nila.

At dahil dun, naisipan kong tumakas sa Saturday hehe. Magdi-disguise nalang ako ehehe.

At tungkol sa issue? Ayun syempre kahit naman na nakita kami ng mga fans na lumabas ni Minhyuk sa dorm na BTS ay hindi parin sila panatag.

Lalo na at may nilabasang mga fans na  picture namin ni Taehyung ang magkaholding hands habang tumatakbo papalayo sa kanila. Haaay, ang bilis talaga ng mata nila, lalo na ang kamay nila sa pagpindot ng camera.

Dating rumors sabi nila. Pero hindi iyong pinansin or should I say hindi sinagot ng BigHit ang issue na yon.

3 days na din akong walang communication sa Bangtan. Sigurado ako na kinuha iyon pansamantala para makapag focus sila sa comeback.

Real talk everyone, gadgets are distractions.

I mean lahat ng kailangan na dapat tapusin at gawin ay hindi natatapos dahil sa gadgets. Kaka-spazz, kaka-facebook, twitter, wattpad etc.

So the whole three days, it's either kasama ko si Minhyuk sa bahay or ka-video call ko siya. Tapos minsan, mother and daughter talk kami ni eomma.

Pero sa ngayon, kasama ko ang napakagwapo (note the sarcasm) kong kaaway na walang iba kung hindi si Minhyuk!

"HOY! TULALA KA NANAMAN!" Nakaramdam ako na may bumatok sakin. Kumunot ang noo ko at tinignan siya ng masama. Punyemas na lalaking to! MAWAWALAN AKO NG ULO SA BATOK NIYA EH!

"ANO BA MASAKIT KAYA!" Hinampas ko siya sa braso sinakal. Makapagsabi ng sadista sakin akala mo siya hindi ah!

"KANINA KA PA! KUMOKOTA KA NA EH!" Nahulog kami sa kama at kasabay nito ay ang pagbukas ng pintuan ko.

"Huwag nga kayong magpatayan!" Bawal sa amin ni eomma at inilagapag ang meryenda namin sa study table ko.

"Magmeryenda nga muna kayo." Sabi niya sa amin at lumabas na ng kwarto.

Nagtinginin kami ni Minhyuk. Alam na.

Hana

Dul

Set

"AKIN LAHAT TO!"

"HINDE! AKO NAUNA!"

"AKO KAYA!"

"NABABALIW KA NA BA? AKO UNANG HUMAWAK!"

"TANGA AKO KAYA!"

"ANG TABA MO NA KAYA AKIN NA TO!"

"MAS MATABA KA KAYA! MAGDIET KANA!"

"GUSTO MONG IPAKITA KO YUNG ABS KO SA"

"MAGTIGIL NGA KAYONG DALAWA!" Biglang pigil sa amin ni eomma na pumasok pala ulit ng kwarto.

"Magshare kayo! Huwag kayong swapang sa pagkain!" Binatukan niya kaming dalawa.

Inirapan ko si Minhyuk na sinagutan naman niya ng belat.

"Oh eto na nga, share na tayo. Baka mangayayat ka eh." Binigay niya sakin yung isang tinapay.

"Sayo na din to." Binigay ko sakanya yung isang juice.

And we ate happily ever after

Chos hehe.

"Oh, Aria gusto ka daw nilang makilala." Hila sakin ni Minhyuk.

"H-ha? Baket?"

"Gusto daw nilang may makitang moments natin ulit." Inirapan ko siya at humarap sa camera at nagpakilala.

Inopen niya kase yung V app at naisipang mag live video dito sa kwarto ko. Ako nasa gilid lang niya, pinapanood siyang maging tanga habang kausap yung cellphone hahahaha

Ang kaso gusto daw akong makita nung mga fans kaya eto pati ako nakikiusap na din sa cellphone.

"Ganda mo daw." Basa ni Minhyuk sa comment about saken.

"Hindi naman hehe."

Parehas kaming nakadapa ni Minhyuk sa kamay habang nakaharap sa camera.

"Luh luh luh, pa-humble.." Pinalo ko siya sa braso.

"Manahimik ka nga, kausap ko mga anak ko." Humarap ulit ako sa camera at nagpacute dahil yun ang gusto nila.

"Anak mo lang? Anak natin yan!" Sabi niya at inakbayan ako. Binatukan ko siya habang nakangiti lang sa camera.

"Omg bully ako huhuhu" Iyak niya.

"Pwede ba Minhyuk? Umuwi ka na nga!"

"Ba. Ayoko nga! Pasalamat ka nga sinasamahan kita dito kesa sa mabaot ka ditong magisa." Nagmake face lang ako sakanya.

Kinurot niya yung pisngi ko at pinanggigilan pero ramdam kong may iba.

ANG DIIN! MASAKIT!

"ARAAAAAY!" Hinablot ko yung buhok niya at sinabunutan siya, AYAW NIYANG BITAWAN YUNG PISNGI KO!

"AISH! JINJJA! YAH!" Napabitaw kami ni Minhyuk nung marinig namin si Eomma.

"Naglalambingan lang kame eomma hehe." At nag-cling sa braso ni Minhyuk inakbayan naman niya ako at ginatungan ang palusot ko.

"Oo tita, ganito talaga kame maglambingan." Ngiti niya kay eomma. Habang pinipisil pisil ang braso ko. Bwisit to! Nakuha pang panggigilan ang braso ko!

"Okay, pero please lang huwag kayong maingay dahil nanonood ako ng drama." Sabi niya at lumabas na. Ang hilig niya talaga sa Drama ngayon. Nahawa na sakin ahehe

Agad ko namang tinulak si Minhyuk at binatukan.

"Ikaw kase eh!" Napatingin ako sa cellphone niya at doon ko lang narealize na nagfi-film pala kame. At napanood nilang lahat kung paano kami nagbangayan at pagalitan ni eomma.

"Hehe, Minhyuk-kie and Aria-ssi's show, is now done. Kamsahamnida~" Sabi ko at pinatay na agad ang filming.

"Hala nakita nila lahat yun!" Sabi ko kay Minhyuk na prenteng prenteng nakahiga sa kama ko.

"Ede maganda. Trending nanaman tayo niyan." Ngisi niya saken kaya pinalo ko siya sa hita.

Sana lang hindi pa binigay yung cellphone ng Bangtan para hindi nila makita yung trending!

"Oh diba! Sabi ko sayo trending na tayo eh!" Turo niya sa cellphone ko na hawak niya.

Sumilip naman ako at nakita kong trending nga kame. at hindi lang isa ang trending about sa amin. TATLO!

#MinhyukAndAria
#MiRiaLove&Hate
#MiRiaFrienship

Puro screen capture namin yun kanina. Waaaa! Huhuhuhu yung image ko sira na! Binatukan ko ang isang Idol at kalat na yun ngayon!

"Stop sulking, Aria." Tawa sakin ni Minhyuk.

"Oh may tumatawag." Abot niya sa phone ko. Nanlaki ang mata ko nung makita ko kung sinong tumatawag.

Ohmygod.

Loving Jeon Jungkook || (Loving Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon