[Krishna's P.O.V.]
Hi! Ako nga pala si Krishna Mandy Guivarra :) Ang unique ng name ko no? Chos. Hahahah! Kinse anyos na ako at wala akong boyprend. Di naman ako binabawalan ni nanay na mag-boyprend, pero bakit wala may nagkakagusto sakin? Ang cute ko naman ah! Hahahah. De joke lang.
Isang araw, maaga akong nagising.
“Hay!” bumangon ako at nag-stretching. Kumatok si nanay Susan sa pinto at binuksan ito. “Anak, mag-ayos ka na at aalis tayo,” sabi nya sabay ayos ng kama ko.
“Eh, nay! Saan naman tayo pupunta?” tanong ko habang kinakamot yung ulo ko.
“Aba! Edi saan? Kinse anyos ka na, dapat matuto ka nang mag-ayos ng sarili. Kaya pa lang walang nagkakagusto sa’yo dahil ganyan ka!” pinagalitan ako ni nanay.
“Hay nako! Tumahimik ka nga. An aga-aga pa, putak ka ng putak. Nakahanda na ba ang almusal ko?” chinange topic ko.
“Eh, loko ka pala eh!”, hinampas ni nanay yung ulo ko.
“Aray! Alam mo nay, gutom na ako eh,” nilambing ko sya.
“Eh, doon ka nalang kumain sa kalenderya ng tita mo," kumuha sya ng damit ko sa cabinet.
“Eh, ang tagal pa nun ah!” dabog ko.
“Sana may manligaw na sa’yo para kahit konti man lang ay magbago ka na,” sabi saken ni nanay binigay nya saken ang damit ko.
“Bahala na si Mr. Kupido,” sagot ko sabay kuha.
"Oh, anak. Alis na ako ha?" lumabas si nanay ng kwarto.
"Opo, nay! Hintayin mo lang ako doon!" sigaw ko at tumungo na ako ng banyo.
![](https://img.wattpad.com/cover/7376343-288-k567204.jpg)