Chapter 14

4 0 0
                                    

Dali akong umalis at binasa ko ang sulat, at pumunta sa bahay ni Jana.

Binuksan ni Jana ang pinto, “Oh, Krishna? Anong problema?”

Di ako sumagot, umiyak lang ako.

“Halika nga dito,” niyakap ako ni Jana.

“Wala na si Enrique,” umiyak pa rin ako.

“Tama na, please? “ inaliw ako ni Jana.

“Gusto ko sya, Jana. Gustong-gusto,” umupo ako sa gilid.

“Eh, bakit mo ginanun?” tumabi si Jana sakin.

“Eh, ayoko kasing masaktan tulad ni Nanay,” yumuko ako.

“Eh, parte naman ng pagmamahalan ang masaktan,” sagot sakin ni Jana.

“Sayang talaga,” umiyak ako ng malakas.

“Tama na, oh. Ano yan ang hawak mo?” tinuro ni Jana ang kamay ko.

“Sulat at bracelet na ibinigay ni Enrique para sakin,” pinahiran ko ang aking luha.

“Mahal ka talaga ng cousin ko,” ngumiti si Jana.

“Nagsisi ako,” tumayo ako.

 “Yan kasi. Ay nako. Umuwi ka na, friend, baka hinahanap ka na ni nanay mo,” pinauwi ako ni Jana.

Mr. KupidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon