Chapter 2

16 0 0
                                    

Naligo ako, bumihis, umayos ng sarili at lumabas ng bahay.

“Sana mayroon ding magkakagusto sakin,” bulong ko sa sarili habang lumalakad papuntang simbahan.

“Hoy, bruha!” may gumulat saken.

At ako naman ay nagulat, “Ay, puwet ng pating!” tumalikod ako, at nakita ko si Jana.

Si Jana ay kaibigan ko since Grade 6, mahilig sya sa love samatala ako naman ay hindi.

“Ano ka ba, Jana?” sabi ko sa kanya.

Inagbayan nya ako, “Ano ginagawa mo dito?”

“Eh, si nanay kasi. Magsisimba daw kami,” sagot ko sa kanya habang lumalakad kaming dalawa.

Tumigil sya sa paglakad, “Alam mo, friendship? Ang saya siguro kapag may boyfriend ka na,” sabi nya saken na seryoso ang kanyang mukha.

Tumigil din ako, “At bakit naman?” tanong ko sa kanya sabay lagay na aking kamay sa bewang.

“Para magbago ka na at para gumanda ka rin!” ngumiti sya sa akin.

“Eh, yun nga eh! Siguro may tampo sakin si Kupido,” tumuloy ako sa paglakad.

“Kupido-kupido ka dyan. Hindi na uso yan,” tinulak nya ako.

“Ano ka ba? Ang sakit nun ha!" Hinabol ko si Jana.

Mr. KupidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon