[Narrator’s P.O.V.]
Pagkaumaga,
“Hoy, anak! Gumising ka na nga,” kinuha ni Aling Susan ang kumot ni Krishna.
“Ano ba nay? Lumabas ka nga. Ang ingay ng bunganga mo!” sagot ni Krishna sa kanya at tumulog ulit.
Di alam ni Krishna na biglang tinawagan ni Aling Susan si Jana, at tinawag naman ni Jana si Enrique na pumunta sa kanilang bahay.
“Ahm, iho! Ikaw na ang bahalang gumising diyan ha?” sabi ni Aling Susan kay Enrique.
Mahimbing na natutulog si Krishna.
“You’re so beautiful,” sabi ni Enrique kay Krishna.
Nag second voice naman si Aling Susan, “Oh, anak! Beautiful ka raw.”
Sa panaginip ni Krishna ay narinig nya ang boses ni Enrique
“Nay? Nay?” nagising si Krishna at tumayo.
“Kanina ka pa ginising ng nanay mo,” ngumiti sa kanya si Enrique.
Nagulat si Krishna sa kanyang narinig, “Ay, pugad ng lawin!”
“Busy ka ba ngayon?” tanong ni Enrique.
“Talagang busy. Ano bang ginagawa mo dito?” sinuklayan ni Krishna ang kanyang buhok.
“Anak, ang sungit mo naman,” sabi ni nanay nya sa kanya.
“Nay, pwede ba?” nagagalit na talaga si Krishna.
“Oh, sige. Maghahanda lang ako ng makakain,” umalis si Aling Susan ng kwarto.