Umuwi ako, at nang nakaabot sa bahay, umupo ako sa dining table.
“Kumain ka na, anak,” sabi ni nanay.
“Wala po akong gana,” yumuko ako.
“Isa!” nagagalit na si nanay.
“Ito na po. Kakain na po,” tumulo ang aking luha.
“Nanaman?” nalulungkot na si nanay.
“Eh, mahal ko po sya eh,” umiyak ako.
“Iwan muna kita dito para makapag-isip-isip ka naman,” at umalis si nanay.