Nang nakarating ako ng bahay, umiyak agad ako.
Linapitan ako ni nanay, “Oh? Anyare, anak?”
“Nanay,” niyakap ko sya.
“Bakit? Ano ang problema?” hinipo nya ang mukha ko.
“Niligawan ako ni Enrique,” umiiyak pa rin ako.
“Ayan na ang sinasabi ko eh. Sinagot mo ba?” tanong nya skin.
“Hindi po. Ano po ba ang gagawin ko?” pinahiran ko ang aking luha.
“Ayan! Mr. Kupido ka dyan, tapos hindi mo mapanindigan. Mahal mo ba?” parang iiyak din si nanay.
“Alam mo nay, nang una ko syang nakita, na love at first sight ako sa kanya,” tumigil ako sa pag iyak.
“Eh, ang tanga mo rin eh! Anyan na nga sa harapan mo, pinakawanlan mo pa. So paano na?” nasasayangan si nanay.
“Hindi ko alam. Siguro, hihingi ako ng sorry sa kanya tapos bibigyan ko ng chance,” umupo ako at nag isip.
“Kelan mo gagawin?”
“Bukas ng umaga po, nay. Sana mapatawad nya ako. Napahiya ko po kasi sya eh,” tumayo ako.
“Alam mo anak, sinabi nya saken na gusto ka nya at nagpaalam nga sya saken eh,” lumapit sakin si nanay.
“Alam mo, nay? Pero hindi mo sinabi saken!? Ano ba nay? Para na ring pinagkakaisahan nyo ako,” umiyak ulit ako.
“Tahan na! Eh kasalanan mo din naman eh kasi ang tanga mo anak. Pasalamat ka at pinapayagan kitang mag boyfriend,” niyakap ako ni nanay.
“Mauna na akong matulog,” tumungo ako ng kwarto.