Pagkatapos naming magsimba nina nanay at Jana, lumabas kami.
“Umuwi ka ng maaga ha?” sabi saken ni nanay.
“Opo naman, nay.” Sagot ko sa kanya.
“Siguradohin mo lang bata ka, kung hindi, palo sa puwet ang makukuha mo,” tinuro nya ang aking mga mata.
“Kinse anyos na po ako, nay!” Sumigaw ako sa kanya.
“Halika nga dito,” hinila ako ni Jana.
“Eh, si nanay kasi eh!” naiinis ako.
“Saan mo gusto pupunta?” tinanong nya ako.
“Uhm…” umikot ang aking mga mata, “kahit saan! Basta mag-eenjoy ako,” ngumiti ako sa kanya.
“Ah! Alam ko na. Pupunta pala dito yung cousin ko, tinext nya ako kaninang umaga. Pinapapunta nya ako sa plaza,” lumakad kaming dalawa.
“Cousin? Ano pangalan nya?”
“Enrique Alvarez,” tumuloy si Jana sa paglakad.
Nagulat ako, “Ay, lalaki! Ayoko sa lalaki!” tumigil ako sa paglakad.
Tumawa si Jana, ‘Huwag ka ngang over. Sus!” hinila nya ulit ako.
