Chapter 8

9 0 0
                                    

Chapter Eight

Date?

Nagising ako sa sinag ng araw na pumapasok sa kwarto ko dahil sa pagbukas ng bintana. Sabado ngayon, walang pasok pero bakit...

"Baby, Good morning! Sakto nagising kana!" si Lola pala

"Oh lola, bakit po?" umupo ako sa kama tska nagstretch ng onti. ang hirap imulat ng mga mata ko, panigurado namaga to kakaiyak ko.

"Ah, wala lang naman. May tumawag kasi dito kanina, Tinatanong ka." sabi niya at tinabihan ako sa kama.

"Sino daw po?"

"Ah eh. Di ko alam baby girl eh. Basta sabi niya, magbihis ka daw mamayang mga after lunch." Ha?! Teka sino naman yun?

"Bakit di niyo tinanong yung pangalan?!" sabi ko tska humiga ulit sa kama.

"Si manang kasi nakausap kanina, umalis ako. Binilhan kita ng favorite mo, gatas ng kalabaw!" masayang sabi ni Lola, sakto namang tumunog ang tiyan ko sa gutom.

"Oh ipapaakyat ko na yung pagkain ha?" sabi niya tska iniwan nako sa kwarto.

Tinignan ko yung wall clock, shit! 10:42 na pala ng umaga!

Umakyat na si Manang para ibigay yung pagkain.

"Ah.. Manang ano.. kasi..." uhm, pano ba to?

"Opo, umalis na po sila Sila Ma'am Myran." sabi niya at ngumiti sakin tapos tuluyan ng lumabas ng kwarto.

Kinain ko na yung brown rice na may gatas ng kalabaw na may asin. Ganito lang okay na ko.. Pag katapos kong kumain natulog ulit ako, feeling ko talaga kulang na kulang pa ko sa tulog...

"Ma'am.. gising na po.." naramdaman kong may yumugyog ng balikat ko..

"Ano ba?! Diba sabi kong wag niyo kong ginigising pag natutulog ako?!" Kairita! Nagtakip ako ng comforter at matutulog na ulit..

"Athena, may bisita ka sa labas." rinig kong sabi ni Tita Merleen. Agad naman akong napabangon. Teka.. Bisita?!

Tumayo nako tska naligo. Baka si Ashina yun, may atraso pa pala ako sakanila.. pagkatapos kong maligo nagbihis na ako ng pang alis, Simpleng white loose shirt tapos tinali ko sa dulo, tska ripped jeans, kasi sabi ni Lola kanina aalis daw pala kami ng tumawag. Malamang sa malamang si Ashina yun. Bumaba ako sa hagdan at literal na nanigas sa nakikita ko ngayon..

Bakit siya nandito?!

"Mmm, probably because inindian moko sa lakad natin kahapon. Remember?" nakangisi niyang sabi, shet napalakas ata yung pag iisip ko..

"Uh--Uhmm.. Ano.." shit, bat ba ganito ako? Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.. Maroon polo, sweat shorts, at saka black and white na superstar. Shet!

"Sige mamaya, ipapadevelop kita ng picture ko. Pwede ding magdownload sa internet. Para maka-alis na tayo kesa tinitignan moko.. ay wait tinititigan pala." mayabang niyang sabi habang prenteng tumayo mula sa pagkaka upo niya sa sofa.

"Wow ha! Ang hangin naman dito." inis kong sabi, grabe okay na sana tapos.. ugh! anong okay?! bakit ba nandito yang kupal na yan?!

"Teka nga! Bakit ka ba nandito? Pano ka nakapasok?! Bakit alam mo yung bahay namin? Tska anong saan tayo pupunta? Close ba tayo? Hindi naman diba? So bakit ka nga nandito?!" singhal ko, ay grabe hangin please! nawalan ata ako ng hininga pagkatapos kong sabihin yan.

"Oh, Oh! Easy lang! Isa isa lang, mahina ang kalaban." natatawang sabi niya. Aba! may gana pang tumawa! Pigilan niyo ko, pigilan niyo ko, susupalpalin ko ito!

One Heartless BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon