three

5 0 0
                                    

Nivek Notrop's Point of View

Mabilis kong natapos ang pag-survey sa mga estudyanteng nasa unahan ng aking listahan dahil dalawa na lang pala silang nandito dahil ang iba ay nag-transfer na pala sa kalagitnaan ng school year.

Inaayos ko na yung survey forms nang mapansin kong may isa pa pala na nakahiwalay.

Dilab, Nelihc

Kaagad akong pumunta sa library nang nalaman kong naroroon ang huling estudyante na aking pasasagutin sa survey na ginawa ko tungkol sa babaeng naka-itim na coat at naka-puting maskara.

Pagkapasok ko doon ay kaagad akong na-upo sa tabi niya.

Walang ekspresyon itong tumingin ng diretso sa mga mata ko.

I grabbed the opportunity na nasa akin pa ang atensyon niya kaya kina-usap ko na siya.

I had to lie about my investigation. Sinabi kong research paper ko ito and gladly ay pumayag naman ang babae.

Hindi ko alam kung ano ang nakita ng babae sa survey ko dahil kaagad niya itong ibinalik sa akin at sinabing, "Sorry, I can't help you with this."

Napako ako sa kinauupuan ko.

There was something in her eyes when she told me those words.

Hindi ko alam kung ano yung nasa mata niya basta ang alam ko lang ay may kakaiba akong nakita doon.

It's like... it sparked. Parang may lumiwanag ng kaunti.

Pero kakaibang liwanag ang nakita ko...

Or maybe it was darkness.

Siguro ay biglang nandilim yung paningin niya.

Pero bakit?

Tss. Napa-paranoid na yata ako dahil sa kasong hina-handle ko.

Well, kailangan ko siyang makumbinsi.

Maybe she has the answers to my questions.

Now, I have to pretend like a student.

***

Nelihc Dilab's Point of View

"Good morning class!"

Maligayang bati sa amin ng aming guro.

"Good morning maam!"

Sagot naman ng mga kaklase ko.

"Be seated class. We are going to have a newbie in our class. Welcome him. Mr. Nivek Notrop."

At may pumasok kaagad na lalaki.

That was the guy who has a research paper about the woman in black coat and white mask.

Pero ano ang ginagawa niya rito?

Kasi kung may RP na siya, ibig sabihin, may dati na siyang classroom.

But---

Natigil ako sa pag-iisip ko nang tumabi sa akin ang lalaki.

"Hi."

Bati niya sa akin.

I looked at him with my piercing and questioning eyes.

"Bakit nandito ka?"

***

Nivek Notrop's Point of View

"Bakit nandito ka?"

She asked me.

There goes her eyes again.

MASKARATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon