Nivek Notrop's Point of View
"Good morning sir. Nandito na raw ho si Mr. Sañep?"
Tanong ko sa principal at itinuro naman nito sa akin kung nasaan ang bata.
"Thank you sir."
Kaagad akong pumasok sa kwartong kinalalagyan ng bata.
"Hi Mr. Sañep."
Bati ko sa kanya.
Agad siyang napabaling sa akin at tumayo.
"Good morning sir."
"So, let's get this started."
Tumango siya.
Kaagad ko namang ibinigay sa kanya ang papel na naglalaman ng survey ko na pinasagutan ko na rin sa ibang nauna.
Tahimik niya itong sinagutan at makalipas ang halos sampung minuto ay natapos niya na kaagad ito.
Kinuha ko ito at nagpasalamat sa kanya.
"Sir."
Tawag niya sa akin.
"Yes?"
Tanong ko sa kanya.
"Ms. Nelihc Dilab has the right to answer some more questions about the incident and about the ghost. I suggest that you ask her. Siya ang nakakaalam ng mga bagay-bagay patungkol sa sinasabi ninyong multo na naka-puting maskara at itim na coat. You should ask her and you'll know everything. I'm going now sir. Thank you."
Sabi ng bata at saka siya umalis.
So, Nelihc is really something.
She really has a thing in this matter.
And I really have to have her answers about this.
***
"Nelihc."
Sabi ko sa kanya pagka-dismiss sa amin nung huling subject teacher namin.
"Ano nanaman ba?"
Iritadong tanong niya sa akin.
I have to tell her the truth. Baka sakaling sagutin niya ang mga katanungan ko kapag sinabi ko sa kanya ang katotohanan sa aking pagkatao.
"I wanted to tell you something."
I saw her jaw clenched.
Naiirita na pala talaga siya sa akin. But that's okay. Baka kapag sinabi ko sa kanya kung sino ba talaga ako ay magbago na ang tingin niya sa akin.
"What? Could you please tell me now? Ayokong abutan ako ng alas sais dito."
Pagkatapos niyang magsalita ay hinila ko na siya papalayo sa school.
"W-wait. Where the hell are we going Nivek?"
Pagkalabas namin sa school ay na-upo kami sa bench ng park na nasa harap lang ng paaralan namin.
"We need to talk here. At least, wala tayo sa loob."
Matigas na sabi ko sa kanya.
I have to show authority in my voice. Hindi kasi gumagana sa kanya ang maamong tupa na ipinapakita ko sa kanya kaya baka sa paraang ito ay sagutin niya na ang mga tanong ko.
"What are we going to talk about? If that's about the ghost behind the mask and the black coat, stop this nonsense dahil wala akong sasabihin sa'yo. And stop messing with my life. Stop being near me. Go away."
I was shocked when she suddenly lost her temper. She's really unpredictable. Hindi ko alam kung ano ang nasa utak niya ngayon basta ang alam ko lang ay kailangan ko na ng mga sagot.
"You don't tell me what to do, Ms. Dilab."
"And why is that Nivek? And will you drop that authoritative voice that you have?"
"Why should I? You're the one who should stop raising your voice on me."
Tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Because I am one of your professors and I am in charge of the incident that is happening in our school and to the incident that happened to your friend, Naliorf (nal-yorf) Yaliba."
***
Nelihc Dilab's Point of View
Nabigla ako.
H-how did he became a professor? Mukha siyang isa lang sa mga college students na pumapasok sa paaralang ito kaya... p-paano? At... paano niya nalaman ang tungkol sa kaibigan namin? P-paano niya nalaman ang tungkol kay Naliorf?
So, after all this time, niloloko niya lang ako? I don't know why but, nakaramdam ako ng sakit.
Naloko ako. I almost trusted him. I was about to tell him the truth. But... because of this, I felt so betrayed. Buti na lang pala at hindi ako nagtiwala sa kanya. Buti na lang at tinago ko pa rin ang misteryo sa likod ng mga kababalaghan na nangyayari sa paaralang ito.
I felt so betrayed that I wanted to cry.
But instead of showing him any emotions, I just looked at him, expressionless.
"Who the hell is that? I mean, with all due respect Sir Nivek, I don't know any guy named Naliorf."
He stared in my eyes. He locked his eyes with me. So I took the challenge, pareho kaming nagsusukatan ng tingin. Until, finally, he broke the silence.
"Mr. Sañep told me that you are the only one who can answer the things that is happening in our school."
"Si Yggir?"
Suddenly, it all became clear to me.
Yung survey, that was a part of his investigation about the incident. Yung pangungulit niya. Yung special treatment sa kanya ng mga prof. Yung pag-punta ni Yggir. It was all part of his investigation.
I looked back to Nivek.
He nodded.
Set yourself free, Nelihc.
The words that Yggir told me before he left echoed in my mind once again.
How can I set myself free from a ghost that came back from the dead? Makakalaya pa ba ako kung sa bawat sulok ng buhay ko ay nararamdaman kong nasa paligid ko lang siya? Makakalaya ba ako sa kanya kung sasabihin ko ang tungkol sa kanya sa mga investigator? Makakalaya pa ba ako sa nakaraan?
I shrugged. Ayoko nang isipin si Naliorf. Ayoko nang mabuhay sa takot. Gusto ko nang mabuhay ng matahimik. Gusto ko nang makatulog ng mahimbibg.
Gusto ko nang maging kagaya ni Yggir na malaya nang namumuhay sa iba niyang paaralan. Masaya na siya sa buhay niya. Masaya na siya dahil kinalimutan niya na ang nakaraan.
Maybe this is the moment. My moment. Ito na ang huling araw na iisipin ko si Naliorf.

BINABASA MO ANG
MASKARA
Mystery / ThrillerUsap-usapan sa unibersidad nila ang muling pagpapakita ang 'multo' ng isang babaeng naka-itim na cloak at puting maskara makalipas ang ilang taon nitong pananahimik. Samantala, ang bagong saltang propesor sa unibersidad nila ay naatasang mag-imbesti...