Nivek Notrop's Point of View
Habang nagki-kwento si Nelihc sa akin ay pamaya-maya ang pagtayo ng mga balahibo ko sa katawan dahil pamaya-maya ay may umiihip na malamig na hangin sa may batok ko.
Tumatango-tango rin ako at nagsusulat ng mga importanteng detalye na sinasabi niya.
"Lalaki ba ang Naliorf na yan?"
I asked her after she ended the history of their band. Kasi ang sabi ng mga estudyante ay 'woman' in a white mask and a black coat.
"Oo."
Tipid na sagot niya.
"Pero paanong naging siya ang multo na nasa likod ng maskarang iyon samantalang ang sabi sa mga detalyeng meron ako ay babae raw ito."
Tanong ko ulit. At mariin naman siyang umiling.
"That's what people think. Akala nila ay babae ito dahil mahaba na ang buhok nito. As I've said, humaba na ang buhok ni Naliorf dahil ayaw niyang makita siya ng ibang tao. Ayaw niyang may makakilala sa kanya."
"Then why is he killing people?"
"Can't you see it? Can't you see the common denominator? He's only killing those who gets near us. Near me, Yram, Noiram, Enuj, and Yggir. Maybe he's still holding on to that blood oath that we had couple of years ago."
"Hmm."
Napa-isip ako. Pero...
"Pero diba, hindi naman nakakasakit ang mga multo? Hindi ba't dapat ay nagpaparamdam lamang ang mga multo at hindi nananakit? At lalong-lalong hindi nampapatay."
She nodded.
"Sumagi na rin yan sa isipan ko. And besides, nobody found his dead body yet. Ang alam ko lang ay bigla na lang nawala si Naliorf."
I looked at my notes.
"Didn't he cursed your other friends na hindi sila magkakaroon ng ibang kaibigan?" She nodded when I paused. So I continued. "What if he made some curse or agreement with a demon na kapag namatay na siya ay hinding-hindi magkakaroon ng ibang kaibigan ang mga kaibigan niyo."
"That's possible. Pero, I actually don't believe in curse. Well, part of me does. At tyaka, hindi pa rin naman confirmed kung patay na ba talaga siya."
"Well, do you think Naliorf killed himself and buried himself? Or did he show any sign na parang magpapakamatay na siya or something?"
"No. I mean, hindi ko alam. After niyang magpakita noon sa band room na may suot na black coat and white mask, hindi na siya nagpakita kahit kelan. Kahit kanino."
Hmmm. Pero hindi ba't hindi naman talaga kayang manakit ng tao ang multo?
"May mga naging kaaway ba kayo noon?"
Kumunot ang noo niya at mariing umiling.
"As far as I can remember, wala naman."
Then, I unconsciously looked at my wristwatch.
5:45
"Nelihc, I think we should go now. It's 5:45 now."
She looked pale.
"Tara na."
Then we walked fast palabas ng campus.
Habang nagha-half walk half jog kami ay nakita ko na yung ibang estudyante na nagsisitakbuhan na rin.
"Can't you walk faster than that?"
Nabalik ako sa tamang ulirat nang tawagin ni Nelihc ang atensiyon ko na nasa malayo na pala.
I jogged.
Sa wakas ay nakalabas na kami ng safe.
***
Nelihc Dilab's Point of View
I heaved a sigh of relief nang nakalabas kami bago pumatak ang alas sais.
I closed my eyes.
Pero agad ko itong ibinukas dahil nakita ko ang pangalan ni Yram doon.
This happened when Ecinahj and Acire was about to die. And I guess this is a kind of prediction. Tumayo ako at dali-daling bumalik sa loob ng paaralan.
"Hey Nelihc! Where are you going?"
Tanong sa akin ni Nivek habang hinahawakan ang kamay ko kaya napatigil ako sa pagtakbo.
"I'm going back to our school."
I shrugged my hands to free it from his grasp pero sobrang lakas niya.
"What? Are you trying to get yourself killed? It's already six o'clock. Malapit nang magparamdam ulit ang multong yun. Or worse, baka nagmumulto na yun. O baka handa na itong mampatay ng tao. Baka ikaw pa ang patayin nun."
"I'm going to save a life. Mas mabuti nang mamatay ako kesa makita kong marami pang ibang inosenteng tao ang namamatay nang dahil sa katarantaduhan namin noon."
He looked shocked. But his face became serious after a short while.
"I'm coming with you then."
"What? No! I can't let you come with me. Baka ikaw ang mamatay. I won't let that happen. Your family will mourn over you."
"What about you? Don't you have a family that will mourn over you?"
"I don't have a family anymore. Pinatay rin sila ng multo ni Naliorf."
His eyes widened in shock.
"Kaya wag ka nang sumama dahil ikaw, may mga kaibigan ka. May pamilya ka. Eh ako? Kapag nawala ako ay walang makaka-alala sa akin. Wala naman akong mga kaibigan at wala rin naman akong pamilya. Kaya I'm better off dead."
He was still too shocked to speak.
"No. I'm coming with you. We'll stop this curse."

BINABASA MO ANG
MASKARA
Mystery / ThrillerUsap-usapan sa unibersidad nila ang muling pagpapakita ang 'multo' ng isang babaeng naka-itim na cloak at puting maskara makalipas ang ilang taon nitong pananahimik. Samantala, ang bagong saltang propesor sa unibersidad nila ay naatasang mag-imbesti...