Nelihc (ne-lik) Dilab's Point of View
Nakaupo ako sa loob ng library nang biglang may pumasok dito.
Hindi ko sana ito papansinin kung hindi lang ito tumabi sa akin.
Isang lalaki na mukhang dalawa o tatlong taon ang tanda sa akin.
"Hey miss. Can you help me?"
Tanong sa akin nung lalaking pumasok sa library at tumabi sa akin.
"Saan?"
Matipid na tanong ko.
"Sa project ko. This is a research paper. And I thought you could help me out."
Paliwanag niya sa akin.
"Okay."
Sagot ko.
Inayos niya yung mga papel na dala niya. Kumuha siya ng isang papel doon at ibinigay sa akin.
Nang nakita ko yung mga tanong ay kaagad ko itong ibinalik sa kanya.
"Sorry. I can't help you with this."
Sabi ko sabay alis.
Buti naman at hindi na siya nagpumilit.
Kung bakit hindi ko sinagutan? Simply because the questions are about the woman in black coat and a white mask.
At pinaka-ayaw kong napag-uusapan yun.
***
Nivek (nai-vek) Notrop's Point of View
I was the only one left in our club room.
Hindi ito club where there is a loud music, dancing people, alcohols, etc. but this is a club for our organization in this school.
Our club is known for solving a lot of cases since it was established.
Ako ang bagong adviser ng club na ito kaya ako lang ang nandito dahil nasa klase na ang mga members at officers ng club na ito.
Bago lang ako sa paaralang ito kaya hindi ko pa masyadong kabisado ang pasikot-sikot. Hindi rin naman ako pinag-handle ng kahit na anong subject. Pero pagkapasok ko pa lamang sa club na ito ay kaagad na ibinigay sa akin nung dating adviser ang isang itim na folder at pinabasa sa akin.
Keep and investigate this.
Yun ang sabi niya sa akin pagkabigay niya nung folder.
Hindi ko alam kung ano ang intensyon nung dating adviser nitong club. I mean, ayos lang naman sana na ako ang mag-handle ng kaso kasi marami naman akong time at hindi pa naman ako masyadong kilala sa school kaya medyo madali ko itong magagawa, pero... bakit ako? Tyaka bakit kaagad akong na-assign as the adviser of this club?
Hayst. Bakit ba bigla na lang na sumagi sa isip ko ang mga tanong na iyan?
Well, hindi naman karamihan ang nasa club na ito. Sampu nga lang ang members eh. Plus ako, edi eleven kami lahat.
I was very busy looking at the files na nakapatong sa table ko dahil iniimbestigahan ng club namin ang tungkol sa misteryo na bumabalot sa babaeng naka-itim at may puting maskara.
Ilang taon na raw itong kaso dito sa paaralang ito ngunit wala pa rin ni isa ang nakaka-find out kung sino nga ba talaga ang nasa likod ng maskarang iyon.
Ang sabi ng karamihan ay multo raw ito ng isang loka-lokang babae na namatay dito sa paaralang ito. Narinig ko rin sa kapwa ko faculty members na ang mga tinitira lamang raw nito ay piliado. Kumbaga, na-filter na at naka-pokus na lamang sa mga babaeng malalandi at walang respeto.
So I decided to conduct a survey sa mga estudyante dito na mula pa lamang Grade 7 ay nandito na.
Pero sa kasamaang palad ay kakaunti na lamang ang mga estudyanteng mula Grade 7 ay nandito pa rin nag-aaral. Marahil ay natakot na ang ibang mga estudyante nang nalaman nila ang tungkol sa mga kababalaghang nangyayari sa paaralang ito kaya lumipat na sa ibang eskwelahan.
Since this incident of draining blood from students started the last four years, alam kong alam ng mga Grade 10 students ang mga occurence ng sinasabing Woman in Black Coat and a White Mask.
Naghahanap rin ako ng mga posibleng suspect dahil maaaring estudyante lamang ang gumagawa ng mga karahasang ito.
Pero parang napaka-imposible naman na estudyante na high school ang may gawa nito. Sobrang malala kasi ang krimen na ginagawa ng suspek. Ito ay ang ubusin ang dugo sa katawan ng biktima.
Alangan naman na bampira ang may gawa nito. Natawa na lang ako sa naisip ko. Bampira? Na naka-maskara? Nakakatawa.
Pero ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit puro babae ang tinitira ng suspek.
At base sa mga detalyeng naririto sa papeles na hawak ko ay lahat raw ng mga ito ay may masasamang records. Kung hindi malandi ay mayaman.
Maybe the person behind the mask wants justice.
Napailing ako sa ideyang yun.
Napakabata pa ng mga high school students upang magkaroon ng ganitong kaisipan.
Sa edad ng mga high school students ngayon, alam kong kapag gusto nila ng hustisya ay didiretso sila sa Guidance Office o kaya ay sa Assistant Principal for Student Affairs and Discipline para isumbong ang mga kahalayan ng ibang estudyante. Pero ibang klase ang taong ito. Talagang may galit ito sa mga estudyanteng pinapatay nito dahil inuubos nito ang dugo sa katawan.
Naparami na yata ang kwento ko.
Teka... sino ba ang pwedeng unahin dito sa mga estudyanteng naririto sa listahan?
Aroon, Yram
Nipac, Enuj
Ozalp, Noiram
Señap, YggirInisa-isa ko ang pangalan ng mga estudyante na nanatili dito sa paaralang ito magmula nang unang nagparamdam ang babaeng nakamaskara.
Maybe I should do the alphabetical order para huwag na akong malito sa pasunod-sunod.

BINABASA MO ANG
MASKARA
Mystery / ThrillerUsap-usapan sa unibersidad nila ang muling pagpapakita ang 'multo' ng isang babaeng naka-itim na cloak at puting maskara makalipas ang ilang taon nitong pananahimik. Samantala, ang bagong saltang propesor sa unibersidad nila ay naatasang mag-imbesti...