ten

3 0 0
                                    

Ahtnamas Nanaig's Point of View

Kakapasok ko pa lamang sa paaralan at tahimik kong nilakbay ang napakahabang corridor ng building namin.

Pagkarating ko sa classroom namin ay nakita ko ulit yung babaeng muntikan nang ma-rape isang taon na ang nakalipas.

Yram.

Naging magkaibigan kami simula noong araw na iyon.

Kahit naman ngayon lalo na't nasa iisang klase na lamang kami.

Nang napatingin siya sa akin ay ngumiti siya at lumapit sa akin.

Niyakap niya ako at bumulong ng "Maraming salamat, Aht."

Araw-araw niya itong ginagawa magmula noong araw na yun. Hindi siya pumapalya. At tuwing may free time kami, palagi siyang lumalapit sa akin at nagke-kwento siya tungkol sa buhay niya pati na rin sa kung gaano kasaya ang banda nila. Pero hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang nawalan ng ganang mag-kwento tungkol sa banda nila.

Sa araw-araw na magkasama kami ay naging dependent na ako sa kanya. Hindi ako kumakain hangga't hindi ko siya kasabay. Hindi rin ako umuuwi hangga't hindi pa siya umuuwi. At sobrang saya ko naman dahil ginagawa niya rin ito sa akin.

Sa kalagitnaan ng taon, kumalat sa skwelahan namin ang kwento tungkol sa isang babae na naka-puting maskara at itim na coat. Sinasabing ito raw ay pumpatay ng mga estudyanteng napapadaan sa corridor ng JH Building.

Hindi ko na lamang ito pinansin at nagpatuloy na lamang sa aking buhay estudyante.

Dumating ang panahon na natapos na ang grade 9 at grade 10 na kami. Akala ko ay magiging maayos pa rin kami ni Yram kahit na magka-iba na kami ng klase pero nagkaroon na siya ng ibang mga kaklase. Nagkaroon na rin siya ng ibang mga kaibigan.

Noong una ay pinupuntahan niya pa ako sa classroom ko para sabay na kaming mag-lunch pero dumaan ang mga araw at hindi na siya nagkaroon pa ng oras para sa akin.

Naisip kong baka busy lamang siya kaya hinintay ko siya sa labas ng classroom nila.

Pero kung minamalas nga naman ako, ayun at ang mga bagong kaibigan niya ang lumabas.

Lumapit ako sa pinakamatangkad sa kanila at nagtanong kung nasaan si Yram.

"Wala siya dito. At tyaka, wag mo na siyang lapitan kasi masaya na siya na kasama kami. Lumayo ka na. Chupi!"

Sabi nito sa akin.

Papaalis na sana ako nang narinig ko si Yram.

Lumingon ako sa kanya at nakita ko siya na masayang nakikitawa sa kanila.

Matutuwa na sana ako para sa kanya kaso narinig ko ang huling sinabi nito, "Mabuti nga sa kanya." Sabay tawa.

Magmula noon ay kinamuhian ko na si Yram. Hindi lamang siya kundi pati na rin ang mga kaibigan niya. Palagi kong hinihiling na sana ay mamatay na silang lahat.

Hindi rin nila ako tinantanan, araw-araw ay palagi nila akong binu-bully. Malamang ay pakana ito ni Yram kaya lalong bumigat ang loob ko sa kanya.

Hanggang sa isang araw, habang naglalakad ako sa kalye, may lumapit sa akin.

Hindi ko siya kaagad na namukhaan pero nang tinitigan ko siya ay nakilala ko ito.

Si Naliorf Yaliba. Dating ka-banda ni Yram. Humaba na ang buhok nito.

Napagbalitaan noon na namatay na raw ito ngunit, sa nakikita ko ngayon ay buhay na buhay pa ito.

"Take this. Sa'yo na ang maskara at coat na ito. Alam kong gusto mong maghiganti kaya tinutulungan na kita. Iyan ang magtatago ng pagkatao mo."

Sabi niya sa akin at ibinigay ang isang itim na paper bag.

Tinitigan ko ito nang matagal bago ko ito kinuha.

Ngumiti siya at saka naglaho sa dilim.

A smirk formed in my face.

Kinahapunan ng sumunod na araw, tinimingan ko ang pag-uwi ng gabi ni Acire.

Dahil sa mga kwento-kwento patungkol sa mga multong naglalakabay sa JH Building, hindi na ako nahirapang takutin siya.

At hindi naman ako nabigo.

Pagkalingon niya ay tinusukan ko ka agad siya ng pampatigil ng tibok ng puso sa may bandang pulsuhan at sa leeg.

Nang tuluyan nang tumigil ang pagpintig ng puso niya ay saka ko siya dinala sa farmhouse nina Naliorf. Pinagamit niya rin ito sa akin.

Una ay gusto ko sanang iwan ang katawan nito doon sa lapag ngunit mas nangibabaw ang galit ko sa kanya.

Mas nangibabaw iyong galit ko dahil sa araw-araw na pambu-bully niya sa akin. Yung araw-araw na panti-trip niya sa akin sa corridor. Yung araw-araw na pante-threaten niya sa akin kapag dumadaan ako sa classroom nila.

Kaya in the end, napatay--- pinatay ko siya.

Ginilitan ko ang kanyang leeg at pinadanak ang kanyang dugo sa sahig ng farmhouse. Hindi na ito bago dahil dito rin pala dinadala ni Naliorf ang mga biktima niya.

Ang mga biktima niyang mga naging kaibigan ng mga naging ka-banda niya noon.

Mas marami na ang napatay niya which makes me think kung bakit hindi niya na sinagad pa sa mga kaibigan ni Yram.

Well, I think this is better. At least, sa sariling mga kamay ko sila mapapatay.

Noong una ay medyo nakokonsensya pa ako. Ngunit nang maramdaman ko ang saya na makapatay ng mga taong kinamumuhian ko ay nag-tuloy-tuloy na ako.

Isinunod ko na kaagad si Ecinahj Oipracilop.

Antanga-tanga niya dahil pumasok siya sa cr nang mag-isa. At dahil nakapikit siya ng mga panahong iyon ay kaagad kong naisakatuparan ang plano ko.

Medyo naging kumplikado pa pero nang nagaya ko ang boses ni Yram ay kumalma siya at saka siya nakatulog.

Natusukan ko na siya ng pampatigil ng puso pero narinig ko na may mga paparating na tao.

Malamang ay mga barkada niya ito kaya lumabas na muna ako sa cr gamit ang munting bintana sa taas.

Mabuti na lamang at payat ang katawan ko at nagkasya naman ako. Plan B talaga ito na kung sakaling may hindi kaaya-ayang mangyari, dito ako lalabas.

Narinig ko ang nakakarinding pag-iyak ng magbabarkada at naisipan na nilang dalhin si Ecinahj sa ospital. Ngunit alam kong huli na sila.

Limang minuto ang interval para tuluyan nang pumasok ang likidong iyon sa puso niya kaya alam kong hindi na nila maisasalba pa ang buhay ng walanghiya nilang kaibigan.

Nararapat lang iyon sa kanila. Napakasama nilang mga tao.

MASKARATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon