Acire (a-ki-re) Eplane's Point of View
Tahimik akong naglalakad dito sa corridor ng JH Building nang napalingon ako sa likod ko.
Wala naman akong nakitang nakasunod sa akin pero nararamdaman kong may nakatingin sa akin.
Kinilabutan bigla ako.
Peste kasi yang teacher namin sa MAPEH eh. Akalain mong sa akin ipagawa yung report card ng klase niya.
Tss. Ayan tuloy inabot na ako ng alas otso.
Andami pa namang ghost stories na ikinekwento sa amin yung kaklase naming may third eye daw.
Who cares? Duh! To see is to believe nga eh 'di ba?
Sabi kasi nung classmate ko, there was once this girl daw na loka-loka. That woman always wore her black coat on na natatakpan ang buo niyang katawan and a white mask on her face.
And it was said that the woman died in this building because of murder.
Dahil dito, nagmumulto raw ito. Pumapatay raw ito ng bawat taong mata-timing-an nito sa building na ito.
Kadalasan raw ay alas sais pataas kaya wala ni isang estudyante ang naglakas loob na dumaan dito.
Ngunit isang araw, may isang transferee na naligaw raw dito at nakita na lamang ang katawan nito sa mismong corridor na walang dugo. Drained daw lahat.
That's why---
Jeez. Biglang nagsitayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang may nakita akong shadow na dumaan sa tabi ko.
Don't tell me minumulto ako? Duh! Ghosts do not exist.
Pangungumbinsi ko sa sarili ko.
Dali-dali akong naglakad pababa ng building ngunit pag-step ko pa lang ng isa ay kaagad na may dumampi sa aking batok.
Sht! This is not happening! I wiped the sweat away from me that are running down my forehead.
Jeez.
Kinikilabutan ako.
Hindi ako nakagalaw.
May nakatingin talaga sa akin mula sa likod.
Mas lalo akong kinilabutan nang kumurap ang ilaw na naririto sa tapat ko.
Nakadagdag pa rito ang biglang pag-ihip ng malamig na hangin.
Hell! This is not happening! No!
Napapikit ako nang mariin.
Nang medyo nawala na ang kaba ko ay saka ko ito binuksan.
Ngunit mas lalo akong napako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang isang bagay na nakatayo sa harapan ko.
A woman wearing a black coat and a white mask.
"Waaaaaahhhhhhh!"
***
Ahtnamas Nanaig's Point of View
Naglalakad ako sa corridor ng grade 10 papunta sa classroom namin nang may narinig akong mag-salita.
"Ano ba yan! May namatay nanaman."
Sabi nung babae sa kaibigan niya.
"What? Nagsisimula nanaman ba yung sinasabi nilang woman in black coat and white mask?"
"Jeez! Sinabi ko na nga ba! Dapat talaga hindi na lang ako lumipat sa school na 'to. I should've agreed to what my parents want for me."
"Wait up! Have you girls seen Acire around? Parang wala pa siya."
Biglang may nagsalita naman na galing sa kabilang grupo.
"She never gets late remember?"
Biglang alala naman ng isa.
"W-wait! Wait! Girls! Have you heard the rumor?"
May biglang dumating na isang babae sa grupo nila.
"Hey Aifos (ey-fos)! Spill it now."
Demand ng isa sa mga kabarkada niya.
"S-someone d-died."
Utal at hingal na sabi Aifos. Ang babaeng dumating kanina.
Napasinghap ang grupo ng mga babaeng naroroon.
"W-wait... don't tell me..."
Mahinang tanong ng isa sa mga naroroon.
"It's Acire."
I expected for them to cry over their dead friend but instead, they all laughed and smiled.
Nakangising pan-demonyo ang mga ito.
All of them should die.
Umiling na lamang ako at nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa aming silid.
Acire Eplane
Starter ng taon.
Well, she deserves it.
Napakaarte niya. Napakataray niya.
She deserves it.
I should thank the one who did that to her.
Palagi niya kasi akong pinagti-trip-an.
At sa kung sino man ang pumatay sa kanya, ubusin mo na silang lahat.
Patayin mo na rin pati ang mga demonyo nyang mga kaibigan.
BINABASA MO ANG
MASKARA
Mystery / ThrillerUsap-usapan sa unibersidad nila ang muling pagpapakita ang 'multo' ng isang babaeng naka-itim na cloak at puting maskara makalipas ang ilang taon nitong pananahimik. Samantala, ang bagong saltang propesor sa unibersidad nila ay naatasang mag-imbesti...