Nivek Notrop's Point of View
"Sir! Sir! Narinig niyo na po ba yung balita?"
Bungad sa akin ng isa sa mga estudyanteng miyembro ng club na ito.
"Ano yun Mr. Ortsac?"
Tanong ko sa kanya.
Alam na ng mga miyembro ng club na ito na pumapasok ako sa isang klase sa high school upang suyuin si Nelihc pati na rin ang mga faculty at admin. Alam kasi nila na sobrang importante ng kasong ito kaya pati ako ay kaya nilang i-risk.
Ilang araw na ang lumipas mula noong insidente na may nararamdaman akong kakaiba sa JH Building kasama siya pero hindi ko pa rin siya tinitigilan. Alam kong medyo naiirita na siya sa akin pero wala siyang magagawa dahil kailangan ko talaga ng mga kasagutan sa mga tanong ko.
I never told anyone that I myself saw the ghost. Ayokong may ibang maka-alam. I don't know why but I just don't feel like telling anyone.
"May namatay nanaman raw ho sir."
Sagot niya sa akin.
It shocked me.
Ilang araw pa lamang ang nakakalipas ngunit may sumunod nanaman.
"What's the name?"
Tanong ko to no one in particular.
"Ecinahj Oipracilop, sir."
Sagot ni Ahtnamas na isa sa mga officer ko.
"Give me the data about the student who died. Pati na rin ang family background niya."
Tumango ang estudyante at lumabas na.
Malapit na palang mag-alas otso.
Papasok pa ako.
***
Nelihc Dilab's Point of View
Tahimik akong naka-upo sa aking upuan na nasa may bandang likuran nang biglang pumasok ang magbabarkadang sina Aifos (ey-fos), Yram (ay-ram), Evad, Acin (ey-sin), Elleinad (i-ley-nad), Cerim (se-rim), at Jab.
T-teka... bakit... bakit wala si Ecinahj (e-si-naj)?
Tss. Bakit ba ako nangingialam sa buhay nila?
Agad kong iniiwas ang tingin ko sa kanila nang biglang napalingon sa akin si Yram.
Yram Aroon.
We both know what's happening in this school pero hindi ko alam kung bakit wala siyang ginagawa para matigil na ito. Lalo pa at dalawa na sa kanilang mga kaibigan ang nawala.
Come to think of it. Siyam sila dati. At pito na lang sila ngayon, pero parang wala lang sa kanila na may namamatay silang kaibigan. They're actually happy when Acire died. Pero ngayon, Ecinahj was gone. I don't know what they're gonna do.
And I don't care. I shouldn't care.
Natigil ang pagmumuni-muni ko nang biglang tumabi nanaman sa akin ang lalaking 'to.
"Good morning."
Bati niya sa akin.
He always does that.
Nasasanay na ako sa kanya but I have to distance myself from him dahil ayokong masali pa siya sa mundo ko.
I don't want other people get hurt because of me. I don't want other people die because of me.
At lalong ayokong mandamay ng isang taong hindi ko naman kilala.
"Hi."
Tipid na bati ko sa kanya.
Tatayo sana ako para umalis but he caught me by the hand.
"Saan ka pupunta?"
Tanong niya sa akin.
"Sa cr, bakit? Sasama ka?"
That shut him up.
Tumayo na ako. Buti naman at hindi siya sumunod.
Hindi naman talaga ako magsi-cr. I just want to be alone.
Ayokong makipag-usap sa ibang tao. Dahil alam kong kapag sumama ako sa iba ay malalagay sila sa panganib.
Ever since that accident happened, I never get close to anyone. I never befriended anyone. It's because I might get them killed. Killed by a ghost.
I know that Yram knows this too kaya nagtataka ako kung bakit hindi pa rin niya hinihiwalayan ang mga kaibigan niya. Dalawa na ang namatay kaya I think she'll distance herself from them.
Naglakad-lakad muna ako nang may nahagip ang mga mata ko.
Akala ko ay ilusyon ko lang iyon but it's really him.
"Yggir (i-gir)."
I whispered to myself.
He's wearing a different school uniform and I am wondering why he's here. He's already safe when he decided to transfer to another school pero ano ang ginagawa niya rito? Why does he have to go back?
Babalik na sana ako sa classroom namin nang tinawag niya ako.
I faced him.
Nag-jog siya palapit sa akin at naka-ngiti siya.
I flashed him a serious face.
Pagkalapit niya sa akin ay tinanong ko ka agad siya.
"Bakit bumalik ka pa?"
The smile that was on his face faded away.
"Forget the past, Nelihc. Titigil rin siya."
Malumanay na sabi niya sa akin.
"Anong titigil? Nagpaparamdam na siya ulit. At alam mo kung ano pa ang malala? Pumapatay na rin siya. The ghost is killing people already."
Napa-awang ang bibig niya habang nag-igiting naman ang mga panga ko.
Napa-iwas ako ng tingin.
"I came here because I was about to meet someone. Pinatawag ako ng principal natin from my school."
Sabi niya makalipas ang ilang minutong katahimikan.
"Why would the principal asked you to come back?"
Tanong ko sa kanya.
"I don't know. Basta ang alam ko lang ay may mga itatanong lang raw siya sa akin."
"About what?"
"About it."
"What?! At pumunta ka naman? You should've said no. Hindi ka na dapat bumalik. At ano naman ang isasagot mo sa mga itatanong nila sa'yo?"
"I'll tell them the truth."
"And what will you get from that, huh? Will that set you free? Did it ever occurred to you na posibleng ikaw na ang tirahin ng multo niya?"
Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
His face was calm. Just like before. He never gets irritated. Hindi rin siya mabilis mawalan ng pasensya. Pero gusto niya ng hustisya. Ayaw niyang may nalalamangan na ibang tao ang isang tao.
Kagaya niya...
"I guess... after this, my conscience won't haunt me anymore. The past won't haunt me every night anymore. That's why I've decided to tell them."
He said.
Hindi ako makapaniwalang nasasabi niya ang lahat ng ito.
He really thinks na makakawala siya sa lahat ng mga nangyari noon?
"Well then, good luck na lang sa'yo."
Then I walked away. Pero bago pa man ako makalayo sa kanya ay may sinabi pa siya sa akin.
Set yourself free, Nelihc.

BINABASA MO ANG
MASKARA
Mystery / ThrillerUsap-usapan sa unibersidad nila ang muling pagpapakita ang 'multo' ng isang babaeng naka-itim na cloak at puting maskara makalipas ang ilang taon nitong pananahimik. Samantala, ang bagong saltang propesor sa unibersidad nila ay naatasang mag-imbesti...