Nelihc Dilab's Point of View
"A-anong nangyari doon?"
Nauutal na tanong niya sa akin.
I can't explain this to anyone.
Lalong lalo na sa lalaking kasama ko ngayon.
Hindi ko kayang ipagkatiwala sa kanya ang lahat ng impormasyon na nalalaman ko patungkol sa mga kababalaghan sa paaralan.
"I can't tell you."
Tanging sagot ko na lamang sa kanya.
"Why? Why wouldn't you tell me? Why didn't you answered my survey? Why don't you want to talk about this stuff?"
Tangjnang bakit yan!
"Dahil ayoko."
Sagot ko sa kanya at pinuntahan ko na yung motor ko na nasa labas lang ng gate namin.
"Nelihc, you know you can trust me with this issue."
Napatingin ako sa kanya.
Disbelief is written in my face.
"I barely know you. Hindi kita kilala at hindi mo ako kilala and now you're telling me that I could trust you? Oh please. Wala akong sasabihin sa'yo dahil wala akong alam."
I grabbed my keys from my pocket and inserted it through the hole of my bike.
Pagkabira ko ng isa ay kaagad na nabuhay ang motor ko.
I was about to pull off nang naramdaman kong sumakay sa likod ko ang lalaking iniiwasan ko.
"Nivek, bumaba ka."
I warned him.
"Tell me why first saka ako bababa."
Nakakairita na siya.
"Ikaw ang bababa o ako?"
Nanatiling matahimik ang paligid nila.
"Fine. May bukas pa naman."
Sabi ni Nevik at saka bumaba ng motor ko.
Tss.
Kaagad kong pinaandar ang motor ko at dumiretso na sa bahay ko.
Pagkahiga ko sa kama ko ay may nag-flash na pangalan sa likod ng mga mata ko.
Ecinahj Oipracilop
The name flashed behind my eyelids.
Siya ba ang susunod? O ang sumunod?
***
Ecinahj Oipracilop's Point of View
"Uy Aifos! Bilisan niyo na anong oras na oh. Di ba't nagsisimula na raw ulit yung multo na babae dito?"
Nagsitayuan ang lahat ng mga balahibo ko sa katawan ko nang narinig ko iyon.
"Jeez. Oo nga pala. T-tara na."
Sabi ni Aifos.
Well, wala pa naman talaga kaming balak na umuwi pero dahil diyan sa pesteng multo raw na yan ay kailangan na naming umuwi.
Tiningnan ko ang relo ko at lalong nagsitayuan ang mga balahibo ko.
"Alas sais na guys."
Pagkasabing-pagkasabi nun ni Cirem ay kaagad na dumagundong ang bell ng paaralang ito.
Kinabahan ako. I mean, kinilabutan, rather.
Naramdaman kong kinabahan rin ang mga kasamahan ko pero imbis na magpahalata ng takot ay tumawa na lamang sila.

BINABASA MO ANG
MASKARA
Mystery / ThrillerUsap-usapan sa unibersidad nila ang muling pagpapakita ang 'multo' ng isang babaeng naka-itim na cloak at puting maskara makalipas ang ilang taon nitong pananahimik. Samantala, ang bagong saltang propesor sa unibersidad nila ay naatasang mag-imbesti...