The Perfect Subject by LittleRedYasha
Prologue
"Ngayong wala na ang papa niyo, wala na rin kayong karapatang tumira sa bahay na ito dahil lahat-lahat ng ari-arian niya sa akin niya ipinamana at wala man lang itinira sa inyo!"
Hindi kami makapaniwala ng kapatid kong si Helga sa sinabi ng madrasta naming si Tita Sylvia.
"A-ano'ng sinasabi mo, Tita? Ano'ng ibig mong sabihing wala na kaming karapatang tumira sa bahay na 'to? Sa amin 'to, mahalaga sa amin ang bahay na 'to. Wala kayong karapatang kunin sa amin ito!" pagmamatigas ko.
Dati ko pang alam na hindi naman talaga kami gusto ni Tita Sylvia nang magsama sila ni Papa. Na lahat ng ipinapakita niya sa amin ng kapatid ko ay pakitang tao lang. Pero hindi namin ini-expect na may ilalala pa pala siya.
Namatay si Mama nang ipanganak niya si Helga. Sampung taong gulang na ako nu'n at alam kong labis iyong ikinalungkot ni Papa dahil mahal na mahal niya ang ina namin.
Nakita ko ang paghihirap niya. Sa loob ng mga panahong iyon hindi niya kami napagtuonan ng pansin ng kapatid ko. Lagi na lang siyang umiinom, umuuwi ng madaling araw at kung sinu-sino ang mga babaeng dinala niya sa bahay.
Halos napabayaan na din niya ang negosyo namin pero mabuti na lang at matiyaga iyong inaasikaso ng kapatid niyang si Tita Thesa. Old maid si Tita kaya siya na ang tumayo naming pangalawang ina. Napakabait niya sa amin ni Helga at tunay na anak ang trato niya sa aming magkapatid. Kapag kailangan namin ng tulong, sa kanya kami lagi tumatakbo.
Hanggang sa isang araw, nagbago si Papa. Hindi na siya ang dati na palaging malungkot, nag-iisa, nagmumukmok, naglalasing at pabaya sa sarili. Nakikita na namin ni Helga na bumabalik na ang sigla sa mga mata niya katulad na lang noong hindi pa namamatay si Mama.
Masaya kaming magkapatid sa napansin namin. Hanggang sa may dinala siyang babae sa bahay at ipinakilala sa amin. Si Tita Sylvia. Papa is in love with her, alam namin iyon. Ang sabi ni Papa magkakaroon na raw kami ng bagong ina kasi magpapakasal na sila ni Tita Sylvia sa lalong madaling panahon.
Natuwa kami ni Helga kasi bukod sa nagbalik na ang dating sigla ni Papa, magkakaroon na nga kami ng bagong ina at magkakaroon na ulit ng kompletong pamilya. We did our best to be nice to Tita Sylvia pero may pakiramdam talaga kami na ayaw niya sa amin. Inilalayo niya ang sarili niya at nakikipaglapit lang sa amin kapag nasa paligid si Papa.
Maluho si Tita Sylvia. Marami siyang hinihiling na mga mamahaling materyal kay Papa na nakukuha din naman niya. Hindi namin siya maiwasang ikumpara kay Mama lalo na ako. Napakasimpleng babae lang ng ina namin at napakadaling i-please pero alam kong mali ang ikumpara ko sila.
Naisip ko, hindi naman importante yon as long as napapasaya niya si Papa. At hanggang sa ikinasal na nga sila. Walang nagbago. Hindi pa rin maganda ang trato niya sa amin.
Isang araw, nagkasakit nang malubha si Papa. Limang taon na silang nagsasama ni Tita Sylvia nu'n at ako naman ay may stable nang trabaho bilang college instructor at may sideline pa bilang romance writer sa isang kilalang publishing company sa bansa. Si Helga naman nasa high school pa lang.
Masyado kaming naapektuhan at nag-alala dahil kahit magagaling na doktor na ang kinuha namin, parang hindi naman gumagaling si Papa at lumalala pa nga ang sakit niya. Ayoko sanag mag-isip ng masama noon pero para kasing wala man lang kay Tita Sylvia ang kalagayan ni Papa at nakukuha pa nga niyang um-attend ng mga parties.
Hanggang sa binawian na nga ng buhay si Papa at may isang linggo pa lang na naililibing. Doon na lumabas ang tunay na kulay ng madrasta namin.
"Ayaw niyong maniwala? Heto ang katibayan!" at ipinakita niya sa amin ang last will and testament ni Papa.
Binasa ko ang laman at hindi ako makapaniwalang wala man lang iniwan si Papa sa amin kahit ni singkong duling!
"Hindi totoo 'to, Tita! May mali sa last will ni Papa!"
Galing ako kina Tita Thesa at nagulat na lang ako nang madatnan kong umiiyak si Helga habang nilalabas ng mga katulong ang mga gamit naming magkapatid.
"Hindi yan pwedeng magkamali dahil si Atty. Ferrer mismo ang nag-ayos niyan bago pa mamatay ang Papa niyo! At hindi ko na kasalanan kung mas binigyan ako ng importansya ng Papa niyo kaysa sa inyo!"
"Hindi yan pwedeng magkatotoo! Hindi magagawa sa amin ni Papa 'to. Wag niyo pong gawin sa'min, 'to, Tita, nakikiusap ako," sabi kong naiyak na katulad ni Helga.
"Wala na kayong rason manatili dito dahil akin na ang pamamahay na ito at wala na kayong pakinabang sa 'kin! Kaya ang mabuti pa, damputin niyo na ang mga gamit niyo bago pa 'ko magpatawag ng pulis at ipadampot ko kayo!"
"Sinasabi ko na nga ba, umpisa pa lang kayamanan lang ni Papa ang dahilan kung bakit niyo siya pinakasalan!"
"Sabihin niyo na ang gusto niyong sabihin basta bilisan niyo na ang pag-alis kung ayaw niyong makaladkad!"
"Tita!"
Tinalikuran na niya kami at umakyat sa itaas ng mansiyon.
"Ate.. ." yumakap sa akin si Helga."Ate, papano na tayo ngayon? Ano na'ng gagawin natin?"
"Hindi ko din alam, Helga. Wala na tayong mga magulang, wala na rin sa atin ang lahat. Hindi ako makapaniwalang mangyayari sa atin ang ganito.. ."
Pinapanood lang kami ng mga katulong na matagal na ring nanilbihan sa pamilya namin. Nakikita ko ang awa nila sa kinahinatnan naming magkapatid pero wala naman silang magawa dahil sumusunod lang sila sa utos.
"Ma'am Hannah, pasensiya na po talaga sa nangyari. Kung may magagawa lang sana kami," si Manang Diday, ang mayordoma.
"Okay lang po 'yon, Manang. Gagawa naman ho ako ng paraan para mabawi namin ang dapat na para sa amin ipinapangako ko,"
"Sa'n na ho kayo pupunta niyan?"
"Hihingi po kami ng tulong kay Tita Thesa baka pwede niya kaming patuluyin,"
"Mag-iingat kayo ni Helga, Ma'am,"
"Kayo din po, Manang," at binalingan ko si Helga."Tahan na, Helga. Kailangan na nating umalis sa ngayon. Pero wag kang mag-alala, mababawi din natin kung ano ang para sa atin,"
Tinulungan kami ni Manang Diday at ng iba pang mga katulong na ilabas ang mga gamit namin. Pumara kami ng taxi sa labas at saka ipinasok ang mga gamit namin. I can't believe na mapapalayas kami sa sarili pa naming bahay.
Nilingon ko pa sa huling pagkakataon ang mansiyon kung saan na kami halos lumaki at nagkamuwang.
"Mababawi ko din kung ano ang para sa 'min ni Helga. Maghintay ka lang, Tita Sylvia."
***
Guys, I need you to tell me how do you find this first chapter of the story. Votes and comments please. Believe me they're important. Hehe.
-LittleRedYasha
YOU ARE READING
The Perfect Subject (Published Under Lifebooks)
RomanceHannah used to live a perfect life, wala mang ina but she is blessed with a beautiful sister and a loving father with a stepmother to add on the picture. As if a nightmare, biglang nawala sa kanila ang lahat nang tuluyan silang maulila. At para maba...