The Perfect Subject by LittleRedYasha
Chapter Four
May gaganaping exhibit ang art gallery ni Atty. Alcaraz sa katapusan ng buwan na ito. Iyon nga lang ang bibidang mga artworks ay mga obra ng kaibigan niya at sikat na painter abroad na si Travis Clarkson. For a charity cause daw kaya naman naimbitahan si Tita. Isasama daw niya ako dahil iyon na ang tamang panahon para makausap ko si Luis Alfred at mahingi ang tulong niya tungkol sa kaso namin.
Nakaramdam ako ng kaba. Sana naman hindi niya kami biguin. Handa kong gawin lahat para lang pumayag siya na tanggapin ang kaso namin at kapag nangyari iyon, napakalaki na ng tsansa namin na mabawi ang nararapat sa amin ng kapatid ko.
"Pupunta ka din ba?" tanong ko kay Gwayne kinagabihan.
"I guess so. Dadalo din kasi ang pamilya ni Mr. Hernandez. Pinag-iisipan na nila kung kailan ang engagement namin ni Miranda at ang mga detalye sa kasal,"
"Gwayne," nakaramdam ako ng simpatya sa pinsan ko.
Sa isang pagkakamali lang ni Tita Sylvia, marami ang naisaalang-alang.
"I'll be fine, Hannah,"
"You can back out, anytime. Hindi mo kailangang gawin ito,"
"Kaya ko 'to. Magtiwala ka lang sa 'kin. Hindi man ako makapagback out ngayon, meron namang anullment, di ba?"
Napangiti ako."Tama ka,"
"You have to be careful, Hannah. Hindi mo alam ang tumatakbo sa utak ng Atty. Alcaraz na 'yan. Kahit siya pa ang pinakamagaling sa lahat, hindi mo pa rin siya lubusang kilala,"
"Alam ko 'yon, Gwayne. Kaya ko ang sarili ko. Gagawin ko lang 'to para maibalik ang mga kinuha sa atin. Walang mangyayari sa akin,"
***
"Kailan na ang magiging next exhibit mo?" tanong ni Travis nang dalawin niya 'ko sa bahay namin.
Pag-uusapan namin ngayong araw ang mga finishing touches sa art exhibit niya.
"Hindi ako sigurado, Travis,"
"What do you mean? You're always sure of everything, ano'ng nangyari?"
"I ran out of subjects,"
"Yon lang ba ang problema mo? Bakit hindi mo na lang alukin ang unang magandang babaeng makasalubong mo para maging subject mo?"
I smirked at him.
"Para namang hindi ka artist, Travis. Basta yun na yun. Kapag nakikita ko ang subject ko basta na lang pumapasok ang idea sa utak ko. Ngayon kasi, parang hindi naman na sapat na maganda lang siya para makagawa ako ng bagong artwork,"
"Well, that's new. You must really need something that would inspire you bigtime, LA. Pero pa'no mo malalaman kung ano ang bagay na yun?"
"Hindi ko din alam. Ang alam ko lang, I have to make money and be richer than I was yesterday,"
"Maybe it's hightime that you should fall in love, mate,"
"Rubbish," pakli ko.
Pinag-uusapan ba nila 'ko ni Mom habang wala ako?
But seriously, how would I find the perfect subject for me? Who could she be?
***
"Ate, bakit hindi ako pwedeng sumama?" tanong sa akin ni Helga nang puntahan niya 'ko sa kwarto at nag-aayos na ako.
Sa gabing iyon na ang art exhibit ng kaibigan ni Luis Alfred Alcaraz na si Travis Clarkson.
"Kasi art exhibit lang naman yun at tsaka wala kang makikitang mga kaedad mo du'n. Pupunta lang naman ako du'n para makausap si Atty. Alcaraz na tulungan tayo,"
"Gusto ko siyang makita, Ate. You see, ang gwapo-gwapo niya at mukhang mysterious pa," nakangiting sabi pa ng kapatid ko.
Amused na napatingin ako sa kapatid ko.
"Seryoso ka diyan, Helga?"
"Oo naman, Ate. Marami nga akong pictures niya sa cellphone ko,eh,"
Itong kapatid ko talaga, naku.
"Helga, hindi naman siya celebrity, ah? Basta dito ka na lang at ipagdasal mo na sana matulungan niya tayo. Siya na lang ang pag-asa natin,"
"Ipagdadasal ko rin na sana maging boyfriend mo siya para naman may magtanggol din sa'yo,"
"Ikaw talagang bata ka," sabi ko na lang.
Papaano naman kaya kung may kasintahan na pala ang abogadong yon?
Ay, teka, bakit ko ba inisip yun?
"Magpapakabait ka dito habang wala kami, ha? Andito naman si Manang Trining. Sabihan mo lang siya kung may kailangan ka,"
"Oo, Ate. Pangako,"
"Good,"
Bago kami umalis, tinawagan ako ni Cheska.
"O ano, friend, nakarating na ba kayo sa venue?"
"Hindi pa. Hinihintay pa naming matapos si Tita Thesa,"
"Nagkasya ba sa'yo yung dress?"
"Oo naman. Saktong-sakto parang sinukat talaga,"
Pinasadahan ko ulit ang sarili ko sa salamin. Si Cheska ang nagpahiram sa akin ng damit na maisusuot. Isa iyong light skyblue dress na simple lang at hapit sa katawan ko.
"Good luck sa'yo, Friend. Pag hindi pa naakit sa'yo yung Atty. Alcaraz na yun, ewan ko na lang. Ahihi,"
"Cheska!" react ko."Alam mo namang pormal ang rason ko kaya ako dadalo sa exhibit na yun, ikaw talaga,"
"Joke lang, ikaw naman, Friend. Kapag nakipag-usap ka na sa kanya relax ka lang, ha? Kaya mo 'yan. Tapatan mo ang level ng formality niya. Pero wag naman yung intimidating, yong sakto lang,"
"Okay, Cheska. Hindi ko talaga kakalimutan yan,"
"Good luck ulit, Friend!"
"O sige, tatawagan na lang kita ulit,"
Ibinaba ko na ang cellphone at pinuntahan si Tita sa silid niya.
"Hannah, you look gorgeous!" bulalas ni Tita nang makita niya 'ko.
"Thanks, Tita. Kayo din po,"
"Seryoso, hija. For sure you willl capture everyone's eyes there. Sana isa na du'n si Luis Alfred, I heard na he's not dating anyone," kakaiba ang mga ngiti sa labi niya.
Napailing ako. Kay Helga, kay Cheska at ngayon pati ba naman si Tita?
"If he's not dating, anyone then dalawa lang ang ibig sabihin nu'n, either pihikan siya or bakla siya, Tita,"
"Ikaw talagang bata ka!" natawang sabi ni Tita.
"Tara na po at baka naghihintay na sa 'tin si Gwayne," sabi ko naman.
***
Your votes and comments about this chapter. Ahihi.
-LittleRedYasha
YOU ARE READING
The Perfect Subject (Published Under Lifebooks)
RomanceHannah used to live a perfect life, wala mang ina but she is blessed with a beautiful sister and a loving father with a stepmother to add on the picture. As if a nightmare, biglang nawala sa kanila ang lahat nang tuluyan silang maulila. At para maba...