Chapter Five

18.5K 374 24
                                    

The Perfect Subject by LittleRedYasha

Chapter Five

Nang makarating kami sa sinasabing art gallery na pagdarausan ng art exhibit ni Travis Clarkson, madami na agad ang mga bisita. Lahat sila busy na sa pagtingin sa mga naggagandahang displays ng mga paintings.

"Just keep your eyes for Luis Alfred kung makikita mo man siya. When you get the chance, lapitan mo na agad siya, okay?" sabi sa akin ni Tita.

"Yes, Tita,"

Ayaw ding magsayang ng panahon ni Tita. Alam kong inaalala niya si Gwayne dahil sa desisyong ginawa ng pinsan ko. Dapat lang na hindi ko siya biguin.

Luis Alfred Alcaraz, nasaan ka na ba?

"Hannah," tawag sa 'kin ni Gwayne.

"Bakit?"

"There he is. Luis Alfred Alcaraz,"

May itinuro siya sa akin mula sa kanan ko. May dalawang lalaki in formal attire ang nag-uusap sa harap ng isang moonlight painting. Ang isa parang Foreign-looking, that must be Travis Clarkson. Ang isa naman familiar dahil nakita ko na siya sa TV at sa Google. Si Luis Alfred Alcaraz. But wait, bakit ngayong nakita ko na siya sa personal nakaramdam ako ng kakaiba?

Something funny like.. .attraction?

Oh, yes. He is undeniably attractive. Hindi ko masisisi sina Helga at Cheska kung bakit hinahangaan nila siya. His height, his built, and his aura na very intriguing.

"Gusto mo bang samahan kita kapag kinausap mo na siya?"

Saka lang naputol ang pag-iisip ko.

"Ahm, hindi na siguro, Gwayne. Sa tingin ko kaya ko na siyang kausapin mag-isa. Salamat na lang,"

"Ikaw ang bahala. Just be careful, Hannah,"

"Oo naman,"

Iniwan na din niya ako. Ako naman, nagmasid muna sa mga nakadisplay na artworks. Nakakamangha ang mga gawa ni Travis. All pleasing to the sight. Sa'n kaya niya hinuhugot ang galing niya?

At magkano naman kaya aabot bawat halaga ng mga painting na ito?

Naalala ko agad si Mama. She used to be very fond of any artworks. Sa bahay nga namin maraming nakasabit na paintings. Maluho si Mama pero pagdating sa art lang. Ang katwiran niya, may napupuntahan naman ang pera at iyon ay sa mga charities.

Ang pinakamamahal kong Mama. Hay naku, hindi magandang magdrama ako sa ganitong lugar. Nakakahiya.

Sinulyapan ko muli ang direksiyon nina Luis Alfred. Baka sakaling pwede na siyang kausapin. At pagtingin na pagtingin ko, nagtama ang mga paningin namin.

One thing I didn't expect, it had a strange effect on me that made my heart skipped a beat.

***

<Luis Alfred>

Nag-uusap kami ni Travis nang may nahuli ang tingin ko. Isang hindi ko kilalang babae, in skyblue dress, ang lumapit sa isang painting na siyang pina-reserved ko kay Travis for my Mom.

Bahagya akong napakunot-noo. I unconsciously examined her face. And what's weird is maraming pumasok sa isip ko habang tinititigan ko siya. Lakes and falls, the garden, forests and moonlight.

Who is she?

And how long have I been oggling at her innocent face?

This is the first time it has happened to me. This is just simply weird of me. Kung tutuusin, marami ang mas di hamak na maganda sa kanya sa gabing ito pero siya ang nakakuha ng pansin ko.

"LA, are you okay?" pansin ni Travis.

"Yeah, of course,"

"Pwede bang maiwan na muna kita? Nakita ko kasi ang Tita ko, eh,"

"Yeah, no problem,"

Nang iwan ako ni Travis, napalingon sa direksyon ko ang babae at whoa, nagtama ang mga paningin namin.

Agad akong nag-iwas ng tingin at akmang tatalikod nang may tumawag sa 'kin.

"Atty. Alcaraz?"

Napalingon ako. It was her.

***

<HANNAH>

Saglit lang na nagtama ang mga tingin namin. Tumalikod siya kaya mabilis akong lumapit sa direksyon niya. Tamang-tama dahil iniwan na siya ni Travis.

"Atty. Alcaraz?"

Lumingon naman siya. Gosh, mas gwapo siya sa malapitan.

"Yes?"

"My name is Hannah De Vera. Pwede ka bang makausap?"

"Tungkol saan naman, Miss De Vera?"

"I know this is not the right place to talk about cases pero kasi.. .kailangan namin ng tulong mo, Attorney,"

Natahimik siya sandali.

"Maybe we can talk outside," sabi niya.

"S-sure,"

Nilingon ko si Tita. She just smiled at me and mouthed a goodluck.

"What do you want to talk about, Miss De Vera?" tanong niya.

Doon kami sa garden at nakikita ko pa ang mga bisita sa glass wall ng art gallery.

"You can call me 'Hannah',"

"How are you related to Franco De Vera, by the way?"

Napalunok ako.

"H-he is my father,"

"Condolence, Hannah,"

"Thank you, Attorney,"

"Ano ba ang maipaglilingkod ko sa 'yo?"

"You see, Attorney, simula nang mamatay ang Papa namin, marami ang nagbago. Kinuha ng stepmother namin ang lahat ng ari-arian ng mga magulang namin. Pinalayas kami sa sarili naming bahay at 'yong kompanyang pinaghirapan nila ni Tita Thesa ibenenta niya sa mga Hernandez. Naniniwala kami na pineke din niya ang Last Will ng Papa namin. Attorney, naniniwala akong ikaw ang makakatulong sa amin para mabawi kung ano ang mga kinuha sa 'min. Pakiusap tulungan mo kami,"

He was just listening. At ako naman hindi ko maiwasang masaktan at magalit at the same time.

"I've heard about that news, yes. I'm so sorry about that pero bakit naman ako ang napili mong lapitan?"

"Ang sabi ni Tita Thesa magaling ka. Nagresearch din ako sa mga hinawakan mong kaso at lahat sila naipanalo mo. You have a good reputation, too, Attorney. Isang katulad mo ang kailangan namin,"

"That sounds like a complement, Hannah but you see hindi ako basta tumatanggap lang ng mga kaso. Mataas na ang bayad ko para lang mapapayag akong tanggapin ang isang kaso, if you can afford half a million, wala tayong problema,"

Nanlaki ang mga mata ko.

"W-what? Half a million? Attorney, mahihirapan kaming magproduce ng ganu'n kalaking halaga in an instant!"

"Well, Hannah, I don't think it's my problem anymore. You want my service, you want to win the case then kailangan niyo muna 'kong mapapayag,"

"Pero, Attorney--"

"Wala akong pakialam kung isipin mo man na hindi ako madaling kausap pero 'yon ang standards ko,"

Bagsak ang mga balikat ko at mariin akong napapikit.

No, no, hindi pwedeng hindi niya kami tulungan.

***

Your votes and comments please! Ano dapat gawin ni Hannah para pumayag si LA? -LRY

The Perfect Subject (Published Under Lifebooks)Where stories live. Discover now