Chapter Ten

19.1K 382 18
                                    

The Perfect Subject by LittleRedYasha

Chapter Ten

"Friend, kamusta 'yong lakad mo kahapon? Hindi mo na 'ko binalitaan pagkatapos,ah? Successful ba?"

Sinalubong agad ako ng mga tanong ni Cheska nang magkita kami sa eskwelahan sumunod na araw.

"Pasensiya ka na. Ang dami kasing nangyari nang tumuntong na 'ko sa teritoryo ni LA. Pero napapayag ko na rin siyang tanggapin ang kaso namin kahit hindi kami nakapagbayad nang buo,"

"Talaga? Buti naman! Ano'ng ginawa mo?"

"Ayon, lumuhod ako sa harap niya,"

Nanlaki ang mga mata ni Cheska.

"Lumuhod ka?! As in, luhod talaga?"

"Desperada na kasi ako,eh. Alam mo namang wala kaming dapat sayangin na panahon. Worth naman, eh. At least napabago ko ang isip niya,"

"'Yon na nga ang nakakabilib do'n,eh. Napabago mo ang isip niya. Alam mo bang sabi ni Uncle kilala daw 'yang Attorney Alcaraz na hindi nagbabago ang isip kapag gumawa ng desisyon?"

"Talaga?"

"Oo. Halimbawa na lang, kapag tinanggihan niya ang isang kaso, kahit gaano pa kalaki ang ibayad ng kliyente sa kanya ayaw talaga niya,"

"T-talaga? Kung ganun maswerte pala kami," sabi ko na lang.

Kung alam lang ni Cheska ang totoo. Pero hindi, hindi ko sasabihin sa kanya. Baka mag-alala lang sila ni Tita kapag nalaman nila.

Siguro naman kapag naipanalo ni Luis Alfred ang kaso matatapos na din 'to.

***

PAKIRAMDAM ko namamalik-mata lang ako. Palabas na ako ng campus nang may mamataan akong pamilyar na kotse na nakaparada sa labas.

Nakompirma kong kotse nga iyon ni LA nang bumaba ang windshield niyon at nakita ko siya sa driver seat.

"Hi, girlfriend,"

"LA," anas ko."Ano'ng ginagawa mo dito?"

"Sinusundo ka. Pauwi ka na, 'di ba? Wag ka nang magcommute. Sakay na,"

What is he up to this time? Sumakay ako sa tabi ng driver seat at ilang sandali pa palayo na kami ng campus.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Sa bahay. May gagawin kang pabor sa 'kin. Ipinagpaalam na kita sa Tita mo kaya hindi na siya mag-aalala,"

"Tinawagan mo siya?"

"Kinausap ko siya nang personal. Pinuntahan ko siya sa flowershop niya para pag-usapan ang filing of complaint. Guess what, we're almost there,"

"Mabuti kung ganun,"

"Are you hungry?"

"No, I'm fine,"

"Sa bahay na lang tayo kakain kung ganun,"

Ilang sandali pa ay nakarating na din kami sa bahay nila. Hinawakan niya ang kamay ko. Walang tao sa sala. Ang hirap talagang tumira ang iilang tao sa napakalaking bahay dahil mahirap para sa kanila ang magkita-kita.

"LA, nasaan ang Mom mo?" tanong ko.

"Nag-out of town. May edad na din kasi siya kaya madalas siyang makipagbonding sa mga kaibigan niya. Let's go upstairs,"

Pumasok kami sa kwarto niya. Sa sobrang lapad, it looked like an apartment at may sarili siyang kitchen. Ano ang gagawin namin dito?

"May inihanda akong mga damit para sa'yo. Go and take a shower," sabi niya.

Natigilan ako.

"Sandali, ano'ng ibig mong sabihin? Bakit kailangan kong magshower? Hindi ba pwedeng pagdating ko na lang sa bahay?"

"Hannah, why don't you obey first before you complain? There's the shower, just make it quick at lalabas muna ako,"

Hindi na ako nakapaghirit ng panibagong tanong dahil mabilis niya 'kong tinalikuran at tuloy-tuloy na lumabas.

"Okay, fine!"

Napalunok ako nang makita ko ang damit na gusto niyang ipasuot sa 'kin. It was not just white but see-through! Three-fourth ang sleeve niyon at hanggang itaas lang yata ng tuhod ko. Buttoned pa ito.

Akala ko ba labas ang sexual matters sa kasunduan naming dalawa? Bakit napaka-daring naman yata nito?

"When you dress up, don't wear your bra," narinig kong sabi niya. Nakabalik na siya kung ganun.

Ay, teka! See-through na nga itong pinasuot niya tapos hindi pa ako magba-bra?

"Luis Alfred, do you really expect me to wear this?! Damit ba ng desenteng babaeng 'to?" reklamo ko na naman.

"Why don't you just obey first before you complain? Uulitin ko na naman ba?" sabi niyang iritado na yata.

Kung hindi lang para sa pamilya ko, hinding-hindi ko talaga gagawin ito. Pikit-mata kong isinuot ang damit. Inisip ko na lang na maliit na sakripisyo lang ito para tulungan niya kami.

Luis Alfred Alcaraz, pagsisisihan mo 'to!

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Isinara kong mabuti ang damit at kung pwede lang sanang hilahin ko ang damit pababa para lang hindi ma-expose ang mga hita ko pero baka mapunit lang sa sobrang nipis ng tela.

Bagay naman sa akin sabi ng salamin pero mali,eh. Hindi naman ako 'to. Hindi ako ganito manamit. Kaysa magsuot nito sa harap ng maraming tao, magpapalamon na lang ako sa lupa nang buhay.

Lumabas na ako ng banyo bago pa niya ako masabon nang bongga. Nakaupo siya sa tabi ng piano habang nakakrus ang mga braso. Kung may piano siya sa kwarto niya, ibig sabihin ba nun marunong din siyang tumugtog?

Nailang ako nang tumayo ako sa harap niya. Nakita kong natigilan siya at napako ang tingin niya sa akin. Kumabog ang dibdib ko. Nakakapanghina ang klase ng titig niya at hindi ko malaman kung ano ang tumatakbo sa isip niya nang mga sandaling 'yon.

Bakit hindi na lang niya sabihin agad ang sunod kong gagawin para matapos na 'to?

Napatikhim siya.

"Buti naman nagkasya sa'yo," sabi niya at humakbang palapit sa 'kin."In the piano,"

"Ha?"

"Pumwesto ka sa piano," at hinila niya 'ko.

"A-ano'ng gagawin mo?"

"Sumunod ka na lang kasi,"

Oh, no, please! Wag 'yong ganun. I'm already twenty-five pero hindi pa 'ko handa sa ganito. Gagawin ko lang 'yon kasama ang lawfully-wedded husband ko!

Luis Alfred, attracted lang ako sa'yo but that doesn't mean na ibibigay ko sa'yo ang sarili ko! Magkakamatayan muna tayo! Hindi mo makukuha sa 'kin 'to!

***

Your votes and comments naman diyan. Hehe.

-LittleRedYasha

The Perfect Subject (Published Under Lifebooks)Where stories live. Discover now