Chapter Six

18.3K 350 13
                                    

Dedicated to @mgracee_ o, heto na, ha. Nagkita na sila, nagkausap pa. Haha

***

The Perfect Subject by LittleRedYasha

Chapter Six

"Hindi na ba pwedeng magbago ang isip mo, Attorney?"

"I don't usually change my mind when I decide on something,"

"I understand. Thank you for your time, Attorney Alacaraz,"

"Don't mention it,"

"Have a great evening," at matamlay akong ngumiti.

"Likewise,"

Tinalikuran ko na siya at bumalik sa loob. Agad kong hinanap si Tita at si Gwayne.

"Tita,"

"Hannah, kamusta?" excited niyang tanong.

"Gusto ko na pong umuwi, Tita. Maaga pa po ako dapat bukas,"

Parang nakuha naman niya agad ang inasal ko.

"Sure, sure, hija. Wait, I'll call Gwayne,"

I'm sure disappointed din siya and I felt sorry. Wala man lang akong nagawa para makatulong sa kanila. I'm so disappointed of myself at the same time.

***

"Have a great evening,"

"Likewise,"

Sinundan ko siya ng tingin nang tinalikuran na niya 'ko at bumalik sa loob.

So she was the older daughter of the great De Vera. Kaya naman pala walang statement na nakuha sa kanila nang ibenta ni Sylvia, dahil pati ang nararapat sa kanila ay kinuha din nito.

I was surprised to such case na ganito. Hindi na 'ko nagulat kung bakit hindi niya ma-afford ang kalahating milyon. They are left with nothing. Pati ang kompanya nila naibenta na din.

Hindi dapat ibenta ng Sylvia Mendez na iyon ang kompanya kung hindi naman iyon sa kanya unless may patunay siya doon. Something fishy must be really happening. Kailangan kong malaman kung sino ang abogado na kinuntsaba niya.

Poor Hannah.

I lied to her. Hindi ganu'n kalaki ang halaga na kailangan ko para mapapayag akong tanggapin ang isang kaso.

Kaya nga may mga kliyente akong mahihirap na magsasaka dahil binibigyan ko sila ng consideration at pinag-aaralan kong mabuti ang kaso nila.

But in Hannah's case, it's different.

I just wanted to make an impression. Of course, she doesn't deserved it. Kahit naman na sino. Dapat mabawi niya ang mga kinuha sa kanila.

Now, susuko na ba siya dahil lang sa tinanggihan ko siya sa una?

***

"Hannah, tell us what happened," sabi ni Tita nang lulan na kami ng kotse.

"He was asking for half a million para lang tanggapin ang kaso natin, Tita,"

"Half a million? What?! Paano naman tayo magpapalabas ng kalahating milyon nang ganu'n lang kadali?!"

"Hindi ko din alam, Tita. Parang gusto ko nang mawalan ng pag-asa,"

"If that's the case, pwede tayong mangutang sa bangko," sabi naman ni Gwayne."Siguraduhin lang ng Attorney Alcaraz na 'yon na ipapanalo nga niya ang kaso,"

"Hindi, Gwayne, hindi natin kailangang mangutang. Kung ayaw tanggapin ni Attorney Alcaraz ang kaso, kukuha tayo ng ibang abogado, 'yong mas mura ang bayad sa serbisyo pero magaling," sabi ko naman.

"Pero malakas talaga ang paniniwala ko na isang katulad ni Luis Alfred ang makakatulong sa atin pero kung ayaw niya tayong tulungan, then, maghanap tayo ng iba," sabi naman ni Tita Thesa.

Nalulungkot ako. Ngayong kailangan naming mabawi ang mga kinuha sa amin, bakit ngayon pa naging mailap ang tulong?

***

"Ano, friend? Napapayag mo ba si Luis Alfred Alcaraz na tanggapin 'yong kaso niyo?" tanong sa akin ni Cheska sumunod na araw.

Malungkot akong ngumiti.

"Hindi, Friend,eh. Hindi namin kaya ang halagang hinihingi niya. He wanted half a million para lang tanggapin 'yong kaso,"

"Ano??!" gulat na react ni Cheska."As in five hundred thousand talaga? Grabe naman 'yon??"

"Wala akong magagawa kung mataas siyang maningil at kung ganoon na lamang ang standards niya sa pagtanggap ng mga kaso. After all, naipapanalo naman niya ang mga kasong mahahawakan niya,"

"Ano na ang plano niyo kung ganu'n?"

"Malamang maghanap kami ng abogado na hindi ganu'n kataas ang singil,"

"Naku, sana naman magaling,"

"Sana nga,"

Sinimulan ko nang ayusin ang mga gamit ko dahil may susunod pa 'kong klase.

Kahit mag-overtime pa 'ko sa mga klase ko at gumawa ng madaming manuscripts, hindi pa rin ako makakabuo ng kalahating milyon nang madalian.

Kailangan ba bawat kilos ng tao pera agad? Parang gusto ko nang maniwala na pera nga ang nagpapaikot sa mundo. Iyon din kasi ang pangunahing rason ni Tita Sylvia kung bakit ginagawa niya sa amin 'to.

Kung hindi siguro namatay si Papa hindi mangyayari sa amin ang ganito.

***

Ang sabi ni Tita, sila na daw ang bahalang maghanap ng pamalit na abogado. Nagdadasal ako na sana makahanap sila ng kasing galing ni Attorney Alcaraz.

Nasi-stress na 'ko. Hindi ko na alam kung paano iha-handle ang mga pangyayari nitong mga nakaraang araw.

Isa pa 'yong ibinalita sa 'kin ni Gwayne. Nakita daw niya sa isang birthday ng senator si Tita Sylvia na nagmamayabang sa mga yaman nito na obviously ay hindi naman niya pinaghirapan.

"Ate,"

Nadatnan ako ni Helga sa kwarto ko na nakatunganga sa harap ng laptop ko. Tinatapos ko na ang manuscript na isa-submit ko sa editor ng publishing company para dagdag income para naman may panggastos kami ni Helga.

"O, Helga. Bakit gising ka pa?"

"Gising ka pa nga rin,eh. Dinalhan lang kita ng gatas, Ate, para makatulog ka agad," at nilapag niya ang baso sa tabi ng laptop ko.

"Aba, ang sweet naman ng kapatid ko. Thanks, Helga,"

"You're welcome, Ate. Goodnight,"

"Goodnight din. Matulog ka agad, ha?"

"Ikaw din, Ate,"

That was so sweet of my sister. Siya ang dahilan kung bakit kahit nahihirapan na 'ko, hindi pa rin ako sumusuko. Siya ang dahilan kung bakit gayon na lamang ang kagustuhan kong lumaban.

S-in-ave ko na ang ginagawa ko at isinara ang laptop ko. Napagod ako ngayong araw kaya kailangan ko ding bumawi ng lakas. Panibagong hamon na naman ang maghihintay sa 'kin sa mga susunod na araw.

***

Your votes and comments, keep it coming. Mwah!

-LRY

The Perfect Subject (Published Under Lifebooks)Where stories live. Discover now