The Perfect Subject by LittleRedYasha
Chapter One
"Hindi ko alam kung papaano'ng nagawa ito ni Sylvia sa inyo pero mabuti na lang at walang masamang nangyari sa inyo," naiyak si Tita Thesa nang nalaman niya ang nangyari.
Hindi kami binigo ni Tita dahil buong puso niya kaming tinanggap nang dumating kami sa kanila.
"Kahit kami po hindi namin inaasahan na noon pa man ay may balak na siyang kamkamin ang kayamanan ni Papa. Kahit kailan hindi namin siya pinag-isipan nang ganu'n, Tita. Hindi namin siya tinratong iba," sabi ko.
"Hannah, naniniwala akong may mali nga sa Last Will ng Papa niyo at kailangan nating gumawa ng paraan para mapatunayan yun,"
"Pero paano po? Wala akong alam sa mga proseso dahil hindi naman ako abogado,"
"Exactly, we need a lawyer. Yong magaling at hindi kayang bayaran ng madrasta niyo. Si Atty. Ferrer, noon pa man duda na ako sa reputasyon niya at hindi ang Papa niyo ang tipo ng taong magtitiwala sa kanya,"
Nakuyom ko ang kamao ko.
"Kung alam ko lang na mangyayari 'to, sana pinigilan ko ang kasal nila noon,"
"Ate.. ."
Nayakap ko si Helga. Sa kanya ako pinakanaaawa. Bata pa ang kapatid ko para dumanas ng ganitong trauma. Hindi dapat ito nangyari.
"Ma!"
Biglang pumasok sa pinto si Gwayne.
"Hijo, kamusta?"
Kahit old maid si Tita, may anak siya. He adopted Gwayne twenty-eight years ago at pinalaking parang tunay na anak at kami, parang tunay na pinsan na ang turing sa kanya.
"Ano'ng nangyari habang wala ako?"
"Look what have Sylvia done sa mga pinsan mo. Pinalayas sila sa sarili nilang pamamahay,"
"What?!" umuklo si Gwayne at ginagap ang mga palad namin ni Helga."Are you guys, okay?"
Tumango ako."Pero Gwayne, nag-aalala ako para kay Helga. Bata pa siya para makaranas ng ganito,"
"Alam ko, alam ko," at mariin siyang napapikit."And I'm sorry pero.. .ang kompanya, naibenta na rin niya. I got fired, Ma, Hannah,"
"No way!" protesta ni Tita at ako naman nanlaki ang mga mata ko.
"Actually, hindi pa nalilibing si Tito Franco nagkapirmahan na daw sila. Ang mga Hernandez ang nakabili,"
Hindi ako makapaniwala. Si Gwayne na siyang pinagkakatiwalaan at katuwang ni Papa sa lahat at mataas ang posisyon ay nakuha pang tanggalin ng madrasta namin kahit wala naman siyang karapatan doon!
"Demonyo siya, Tita, demonyo siya!" hindi napigilang sabi ko.
Hindi pa ako namuhi nang ganito sa isang tao buong buhay ko. Ngayon pa lang. Kay Tita Sylvia pa lang!
Narinig kong lalong lumakas ang hikbi ni Helga at lalo lang akong naawa sa kapatid ko.
"Wag kayong mag-alala, gagawin natin ang lahat para mabawi kung ano ang mga kinuha niya sa inyong magkapatid. Hindi tayo titigil," pang-a-assure sa amin ni Gwayne.
"Gusto ko siyang makulong, Gwayne, gusto ko siyang makulong!"
"Definitely, Hannah. Once mapatunayan natin na may mga nangyaring anomallies, makukulong talaga siya. Hindi rin imposible na may tingnang foul play sa pagkamatay ni Tito,"
Tama si Gwayne. Kaya nga siguro kahit ano'ng treatment kay Papa ay hindi siya gumagaling kasi may ginagawang kung ano ang madrasta namin.
Sinisigurado ko, magbabayad talaga siya.
***
"LA, nabasa mo na ba 'to?"
"Ang alin, Mom?"
Ibinaba ko ang paintbrush at inabot ang diyaryong hawak ng Mommy ko. The front page.
MIGUEL HERNANDEZ, THE NEW OWNER OF DE VERA CORPORATION.
According sa article, naibenta na sa mga Hernandez ang sikat na De Vera Corporation which is quite surprising to me kasi hindi naman ito nalulugi or whatsoever. Iyon nga lang pumanaw na kamakailan lang ang founder and CEO nu'n dahil sa malubhang sakit.
Napakunot-noo ako nang mabasa ko din na ang dahilan kung kaya nagkaroon ng bentahan ay dahil sa hindi na daw ito kayang pamahalaan ng second wife nitong si Sylvia Mendez- De Vera.
Huh, ang babaw naman. Kaya nga may tauhan dapat eh.
I happened to meet this Sylvia sa isang charity event. Mukha ngang wala sa itsura nito ang mamahala ng isang malaking kompanya dahil puro ito sosyalan.
Pero hindi ba may mga anak ang Franco De Vera na ito? Nasaan na sila at hinayaan nilang mangyari ito?
"Nasasayangan ako, hijo. Wala naman talagang malalim na dahilan para ibenta ito pero bakit kaya nagkaganoon, 'no?"
"For some ambitious reasons, maybe," sabi kong napakibit-balikat.
"LA! How could you say that?" gulat na react ni Mom.
"Kasi hindi naman ako businessman. You see, I'm a lawyer," ibinalik ko sa kanya ang diyaryo at hinarap uli ang canvass.
"Lawyer by profession but painter by heart," she corrected.
I just smiled. Dinampot ko na ang paintbrush at nagsimula ulit magpinta.
She's right. I have always wanted to be a painter but sabi ni Dad, wala daw akong mararating sa pagpipinta so he forced me to take up Law. Sinunod ko siya at naging hobby ko na lang ang pagpipinta. Hindi naman ako nagsisi na sinunod ko siya looking from where am I now.
Kapag hindi demanding ang lawyer duties ko, exhibits ko ang pinagkakaaabalahan ko. I sell my paintings there at ang kinikita ko ay sa charity napupunta.
And Mom is my number one fan. Well, yun ang sabi niya.
"And LA,"
"Yes, Mom?"
"When are you planning to get married?"
Nabitin ang paintbrush sa ere at hindi makapaniwalang tiningnan ko si Mommy.
"Seryoso ka diyan, Mom?"
"Oo, bakit? Nasa tamang edad ka na din naman at kaya mo nang magprovide para sa pamilya mo, hindi ba?"
Napailing ako.
"Ibang kaso na yan, Mom. Wala pa sa plano ko 'yan,"
"Then you should start dating at least!"
"Let's see, Mom," sabi ko na lang.
Mind you, makikipagtalo ako kahit kaninong abogado pero hindi sa mommy ko. Ganu'n ko siya kamahal at siya lang ang nag-iisang babae sa buhay ko.
***
Meet our new hero, Luis Alfred "LA" Alcaraz. Votes and Comments, ehem.
-LittleRedYasha
YOU ARE READING
The Perfect Subject (Published Under Lifebooks)
RomanceHannah used to live a perfect life, wala mang ina but she is blessed with a beautiful sister and a loving father with a stepmother to add on the picture. As if a nightmare, biglang nawala sa kanila ang lahat nang tuluyan silang maulila. At para maba...