Chapter Eight

18.6K 423 30
                                    

The Perfect Subject by LittleRedYasha

Chapter Eight

<Luis Alfred>

"You really are desperate, aren't you?" I told her.

But in my mind I'm rejoicing. Things are going the way I wanted it to be. Kaunti na lang.

"Tell me, ano ba ang dapat kong gawin para tanggapin mo lang ang kaso namin? Hindi kami pwedeng magsayang ng oras. Kailangan naming mabawi ang mga kinuha sa amin bago pa niya malustay ang pinaghirapan ng mga magulang namin. Attorney, please,"

I saw a tear fell from her eye and damn it, wala naman sa plano ko ito. May kung ano'ng kumurot sa 'kin at hindi ko maintindihan kung bakit parang bigla ko na lang siyang gustong sunggaban, yakapin at patahanin siya.

No way, kailangang hindi magbago ang plano ko.

"Tumayo ka, Hannah, it's so inappropriate," malamig kong sabi. "Do you really think na mababago mo ang isip ko?"

"I hope so, Attorney. I told you, gagawin ko ang lahat," and she carelessly wiped the tears from her beautiful face.

Mariin akong napapikit. I can't bear to see any woman crying, not even my mom, not even this lady in front of me.

"Stand up, Hannah. Pahihirapan mo lang ang sarili mo,"

"Handa akong mahirapan para lang mabawi lahat,"

"Willing kang gawin kahit lagpas sa limits mo?"

"Wala akong pakialam kahit magsakripisiyo pa 'ko. Mas mahalaga sa akin ang pinaghirapan ng mga magulang ko,"

Nilapitan ko siya at umuklo sa harap niya. I nudged her chin and caught her eyes.

"Be sure to mean what you say, Hannah. Wala kang aatrasan at paninindigan mo ang sasabihin mo,"

She swallowed.

"Kahit ano, tulungan mo lang kami,"

"Alright. Tutulungan kita, hahawakan ko ang kaso mo, ipapanalo ko pero 'yon ay kung ibibigay mong kapalit ang sarili mo,"

Natigilan siya.

"What?"

"Hindi ka makakapagbayad ng hinihingi kong halaga kaya ikaw na lang ang hihingin kong kabayaran,"

Her lips parted. Darn it, I could kiss those lips forever!

***

<Hannah>

Ako, bilang kabayaran sa pagtanggap niya ng kaso namin? Ano'ng gusto niyang mangyari? Hindi, dangal na lang ang meron ako!

"Don't get me wrong, Hannah. Mali ang iniisip mo. I don't mean any sexual matters when I said ikaw ang hihingin kong kabayaran. You're far from the desirable type," sabi pa niya nang hindi agad ako nakasagot.

Namula ako pero somehow nakahinga ako nang maluwag. Mali ang iniisip ko, mabuti na lang. Iyon nga lang nainsulto ako sa huli niyang sinabi.

I'm not the desirable type daw.

Palaging sinasabi nina Mama at Papa na maganda daw ako at maswerte ang lalaking mamahalin ko. Kung ganu'n nagsisinungaling lang ba sila?

Mas gusto ko pa rin silang paniwalaan. Mas importante naman daw na mabuti ang kalooban kaysa panlabas na kagandahan.

"K-kung ganu'n ano ang gusto mong mangyari?"

"Bakit, pumapayag ka na?"

"Gusto kong malaman, Attorney,"

"Tumayo ka at sasabihin ko sa'yo,"

Hinawakan niya ang mga kamay ko at inalalayan akong tumayo. The touch of his hands brought strange feeling to me.

"'Wag mo na ulit gagawin 'yon, una sa lahat. Maupo ka nga,"

Hinawakan niya pa rin ako kahit sa pag-upo.

"Let's have a deal, then. Tatanggapin ko ang kaso niyo and in return, gagawin mo lahat ng gusto kong ipagawa sa'yo at hindi ka mag-aalinlangang sundin ako. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"S-sa paanong paraan?"

"You'll find out in the next coming days. Iyon ay kung gusto mo talagang mabawi ang mga kinuha sa inyo ng madrasta niyo,"

"I don't have a choice, do I?"

"So?"

Sabi ko naman gagawin ko ang lahat kaya bahala na.

Napahugot ako ng hangin.

"Pumapayag na 'ko, Attorney, kung maipapangako mong mababawi namin ang mga kinuha sa amin ng madrasta namin,"

"You're one exceptional woman, Hannah. Napabago mo ang isip ko. Nice one,"

Hindi ko alam kung compliment ba 'yon, o ano. Ang alam ko lang, mababawi na din namin ang mga kinuha sa amin ni Tita Sylvia.

"M-maraming salamat, Attorney,"

"Hintayin mo 'ko dito, ihahatid na kita sa inyo para makausap ko ang Tita Thesa mo,"

"O-okay,"

Sinundan ko siya ng tingin habang paakyat siya sa grand staircase ng bahay.

Ano ba ang meron sa lalaking 'yon at na-attract ako sa kanya?

***

"You should remember that what we had talked about ay mananatili lang between the two of us. Hindi pwedeng malaman ng Tita mo, ng kapatid mo o kahit na sino. Let them think na I'm doing this as a part of my job. Do I made myself clear, Hannah?" sabi pa niya habang nasa biyahe na kami.

"But what if magtanong siya kung papaanong tinanggap mo ang kaso namin?"

"Ako na ang bahala du'n. Magtiwala ka lang sa 'kin, Hannah,"

Magtiwala ako sa kanya? Dapat nga ba?

Luis Alfred Alcaraz is definitely a dangerously attractive lawyer. Hindi siya ang tipo na madali kong pagkatiwalaan.

***

"Tita," bungad ko kay Tita Thesa nang makita kong naghahanda na sila ni Helga ng hapunan.

"Hannah, bakit ngayon ka lang? Tamang-tama kakain na,"

"Tita, may kasama po ako,"

"Talaga, sino?"

Nagulat si Tita nang lumitaw si Luis Alfred sa likuran ko.

"Attorney Alcaraz, this is a surprise!"

"Good evening, Miss De Vera,"

"Halika, come join us for dinner, Attorney,"

Tumuloy na kami sa dinning area.

"You can just call me LA, Miss De Vera. Nagmumukha tuloy akong matanda,"

"Well, LA, then. Bakit ka nga pala napadalaw?"

"It's about your case Hannah told me,"

"Wow, really? I can't believe it. Let's talk about it over dinner, then,"

Nginitian ako ni Tita at ni Helga. Alam kong nabuhayan din sila ng pag-asa kagaya ko.

"Halika na," sabi ko sa kanya.

"Sure,"

Naghila ako ng silya pero inagaw sa 'kin ni Luis Alfred iyon.

"Ako na," sabi pa niya.

"T-thanks,"

Nasulyapan ko pa si Helga na napangiti na tila kinikilig.

***

Ako din kinikilig. Votes and comments, please. -LRY

The Perfect Subject (Published Under Lifebooks)Where stories live. Discover now