The Perfect Subject by LittleRedYasha
Chapter Two
"Nakakaloka naman ang mga nangyari sa inyo ng kapatid mo, Friend. Biruin mo namatay lang ang Papa niyo nagkagulo na ang buhay niyo," sabi sa akin ng kaibigan kong si Cheska.
Instructor din siya sa eskwelahang pinapasukan ko. Pagkatapos ng isang linggo mula noong mapalayas kami sa sarili naming bahay ay nagbalik na din ako sa trabaho. Kailangan kong kumita lalo na ngayon dahil wala na kaming ibang aasahan.
Hindi naman pwedeng si Tita na lang ang bumuhay sa amin. May anak din siya at may trabaho naman ako.
"At hindi lang yun, Cheska, pati ang kompanyang pinaghirapang buuin nina Papa at Tita ibinenta din niya."
"Hay naku, wala palang kasing sama yang Madrasta niyo! Bakit kaya karamihan sa mga madrasta malulupit? Mula kay Cinderella, kay Snow White, pati ba naman sa'yo, Hannah?"
"Pero nakita mo naman, di ba? Hindi naman sila ang nagtagumpay sa huli. Kaya naniniwala ako na mababawi din namin ang mga kinuha sa amin,"
"That's the spirit, girl! So, ano na ang susunod mong plano?"
"Heto, mag-iipon ng malaking pera para makakuha ng magaling na abogado na magpapatunay na peke ang Last Will na pinanghahawakan ni Tita Sylvia,"
"May kilala ka bang magaling na abogado?"
"Wala. At kung makahanap man ako, tiyak na napakalaking halaga ang kakailanganin ko,"
"Mangutang ka kaya sa Tita Thesa mo? O di kaya sa gorgeous mong pinsan na si Gwayne?" kuminang-kinang pa ang mga mata ni Cheska pagkabanggit sa pangalan ni Gwayne.
"Cheska, hindi ko pwedeng iasa lahat kay Tita. Malaki din ang pinuproblema nila dahil naibenta nga ang kompanya kahit fifty percent ang shares nila doon. Kailangan pa nilang maghabol at ayaw kong makadagdag. Kakayanin ko itong mag-isa. Alang-alang sa alaala ng mga magulang namin ni Helga,"
"Naku, Friend! For sure na magtatagumpay ka! I'll pray for you!"
"Please tulungan mo 'kong maghanap ng magaling na abogado, Cheska,"
"Oo ba. Yong Uncle ko nagtatrabaho sa isang lawfirm yun, baka sakaling matulungan niya tayo,"
"Maraming salamat,"
"Ano ka ba, wala yun,"
***
Now wait a minute. Ano'ng nangyari sa akin?
Kanina pa 'ko nakatunganga sa harap ng canvass pero wala pa 'kong nasisimulang piece.
Hindi ako makapagsimula. At ewan ko kung bakit. May kulang. Pero ano naman yun?
Beauty. It's my trademark. Every piece of art I make displays woman beauty. Of how women give life to the world, just what my Mom did to our family. Ironic lang kasi wala namang special na babae sa buhay ko bukod kay Mommy pero sila ang favorite subject ko.
Inilapag ko ang paintbrush at naglakad-lakad sa garden. This is actually my workshop. Isa kasing magaling na landscape artist si Mom and the garden is my favorite part of our home.
May pond na nilalabasan ng tubig from both sides at dumadaloy sa paligid ng garden. May deck pa nga siyang inilagay and it's what made the garden cool. Maraming halaman at kung gabi naman, sobrang liwanag dahil sa mga maliliit na lights.
But my most favorite is the hammock. Kapag nakakatapos ako ng isang piece, I reward myself by just lying.
"LA, kanina ka pa dito, wala ka bang planong pumasok sa loob?" pansin ni Mom nang puntahan niya 'ko.
"Hi, Mom. I'm having a trouble. I can't start a new piece,"
"Oh. That's new," pero hindi naman amused ang tono niya."Siguro you just ran out of inspiration and you need a new one,"
"I think you're right,"
"And do you know what I'm thinking?"
"No, I don't,"
"That you should go and find yourself a girlfriend,"
"What the--" I forced myself not to laugh."Mom, ano naman ang kinalaman nu'n sa inspiration?"
"Akala ko ba matalino ka? Love will inspire you as soon as you find it, hijo,"
"No, thanks, Mom. Mas gusto kong magpayaman na lang,"
Ang hirap naman dito kay Mom masyadong hopeless romantic.
"Mayaman ka na nga, aanhin mo naman lahat yun?"
"Pamimigay ko sa charity kapag hindi na kasya sa bangko,"
"Gusto mo bang hanapan pa kita ng date?"
"Mom? Kailan ka pa naging matchmaker?"
"Ngayon lang, sa'yo lang,"
I hugged her.
"Hindi lang ako ang anak mo, Mom,"
"Hindi nga pero ikaw ang nandito. At gusto kong maranasan mo kung gaano kasarap ang magmahal. Kapag nasa korte ka, nawawalan ka ng puso, parang hindi ka tao,"
"It's because I have to, Mom. I have to make money,"
***
"Hannah,"
Mula sa laptop ay napatingin ako kay Gwayne na kakapasok lang ng bahay.
"Gwayne, hi,"
Mukha siyang problemado. Naupo siya katapat ko.
"Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko sa stepmother niyo, hindi ba siya nag-iisip o wala lang talaga siyang utak?" frustrated niyang sabi.
"A-ano'ng ibig mong sabihin?"
"Yong Miguel Hernandez, hindi basta-basta pumayag na mabawi natin yung shares. Ang akala niya por que napatalsik na kami ni Mama, pati shares natin na-dissolved na din,"
"Pinaniwala siya ni Tita Sylvia?"
"Malamang! Para mabenta niya nang walang kahirap-hirap ang kompanyang hindi naman niya pinaghirapan,"
"Ano ang gustong mangyari ni Mr. Hernandez kung ganu'n?"
"Ia-acknowledge lang niya ang right natin sa shares kapag.. .kapag pinakasalan ko ang anak nila,"
Nanlaki ang mga mata ko.
"Gwayne, of course you're not serious!"
"Pumayag ako, Hannah,"
"Pero bakit?"
"Iyon lang ang naisip kong paraan para makabalik ako sa kompanya. Para mas madali nating mabawi ang lahat,"
"Pero hindi madali ang hinihingi nila sa'yo, Gwayne,"
"Walang madaling paraan para mabawi natin kung ano ang para sa atin, Hannah. Ibigay mo na sa'kin 'to, okay?"
"Can you handle?"
Gwayne gave me an assuring smile.
"Parang ito lang,eh,"
***
Your votes and comments please! Wahihi.
-LittleRedYasha
YOU ARE READING
The Perfect Subject (Published Under Lifebooks)
RomanceHannah used to live a perfect life, wala mang ina but she is blessed with a beautiful sister and a loving father with a stepmother to add on the picture. As if a nightmare, biglang nawala sa kanila ang lahat nang tuluyan silang maulila. At para maba...