The Perfect Subject by LittleRedYasha
Chapter Seven
"Hannah, pwede ka bang makausap kung hindi ka nagmamadali?" tanong sa 'kin ni Tita isang umaga.
"Oo naman, Tita. Tungkol po ba saan?"
"Marami na 'kong mga natawagan pero ang lahat sa kanila nagdadalawang-isip tanggapin ang kaso natin at hindi ko alam kung bakit,"
Hindi ko alam kung ano ang iri-react ko. Ang sabi kasi ni Tita sa kanya ko na daw ipaubaya ang paghahanap ng bagong abogado.
"Tita, kung nahihirapan kayo, ako na lang po ang bahalang maghanap. Magpapatulong na lang ako kay Cheska,"
"Hindi ko na alam ang gagawin, hija. If only we are richer enough, we could hire Attorney Alcaraz that easily," malungkot na sabi ni Tita.
"Tita," hinawakan ko siya sa braso. Isang desisyon ang nabuo ko at hindi pwedeng hindi ko ito panindigan."Leave it to me this time,"
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Mababawi din natin ang mga kinuha sa atin ni Tita Sylvia. Sige na po, mauuna na 'ko,"
"Mag-iingat ka,"
"Kayo din po,"
***
"Pang-ilang beses nang inquire ni Thesa De Vera ito? About eight? Wow. Okay, thanks, Ivan," at ibinaba ko na ang cellphone.
Si Ivan ang kausap ko. Naging kaklase ko siya way back in high school at may-ari na sila ng isang lawfirm.
Ilang beses daw nag-inquire ang Aunt ni Hannah para humingi ng tulong sa kaso nila laban sa asawa ng namayapa nilang ama pero hindi sila pinagbigyan.
Siguro nagtataka na sila kung bakit wala man lang mai-recommend na abogado ang lawfirm. Hindi dahil sa walang available kundi dahil sa hinaharangan ko.
Hinaharangan ko kasi kung may gusto man akong humawak ng kaso nila, ako lang 'yon. Kapag naging desperate na si Hannah, babalik siya ulit at kakausapin ako. Magmamakaawa siya at gusto ko siyang makitang ganoon.
Eversince that night sa exhibit ni Travis, hindi na siya nawala sa isip ko. May isang beses pa na nakagawa ako ng isang artwork na siya ang subject ko at hindi ako nahirapan. The picture was her, staring up at a painting, just like the first time I saw her.
I only based from my memory. I wish the next time I would paint her, nakaharap na siya sa canvass.
***
Kapag wala pa akong napapayag na abogado na tanggapin ang kaso namin, wala na talaga akong choice. Nasa faculty office kami ni Cheska at kanina pa kami naka-telebabad at tumawag kami sa lawfirm na pinagtatrabahuan ng uncle niya.
"I'm sorry, hija, hindi ko linya ang falsification cases. I'm into moral rights," sabi ng huling abogadong nakausap namin.
Bakit ganu'n? Kung hindi unavailable, hindi naman linya ng mga available. Nauubos na ang pasensiya ko. Talagang wala na 'kong choice.
"Kailangan ko na 'tong gawin, Cheska. Bahala na,"
"Friend, gusto mo samahan kita?"
"Salamat na lang pero hindi na kailangan. Kakayanin ko 'tong mag-isa,"
"I'll be praying for you, Friend. Wag kang susuko,"
Hinintay kong matapos ang klase ko at lumakad na sa pakay ko. Pupuntahan ko si Luis Alfred Alcaraz sa mismong bahay niya. Hindi ko alam kung tama ba iyon dahil sa pagre-research namin nakuha ang address niya pero bahala na. Kakapalan ko na ang mukha ko tutal naman malaki naman ang nakasalalay dito.
Oo. Pupuntahan ko sa bahay niya si Luis Alfred Alcaraz at wala na itong atrasan pa.
Ibinaba ako ng taxi sa isang magarang bahay sa loob ng isang exclusive na subdivision. Hapon na nu'n. Sana naman matiyempuhan ko siya.
Napahugot ako ng hangin bago nagdoor bell. Ilang sandali pa, may lumabas na katulong at pinagbuksan ako.
"Magandang hapon po," bati ko.
"Magandang hapon din, hija. Ano ba ang kailangan nila?"
"Ahm, ito po ba ang bahay ni Attorney Alcaraz?"
"Si LA 'ka mo? Tamang-tama nandito siya,"
"Gusto ko sana siyang makausap kaya lang wala naman po akong appointment sa kanya. Ayos lang po ba?"
Ngumiti siya sa 'kin.
"Hindi naman siya busy,eh. Pasok ka muna,"
"Marami pong salamat,"
"Ano ba ang trabaho mo at ganyan ang suot mo?" tanong niya habang papasok na kami sa magarang bakuran.
Nakasuot kasi ako ng kulay blue na blouse at itim na slacks at itim na flat shoes.
"College instructor po ako. Nagtuturo ako ng Filipino at Communication Arts,"
"Marangal na trabaho kung ganu'n, nakakaproud naman para sa isang magulang,"
"Salamat po, Manang Lourdes. Kaya lang naulila na po kami kaya hindi na nakikita ng mga magulang ko,"
"Ganoon ba? Nakakalungkot naman,"
"Okay lang po 'yon. Wala na din naman akong magagawa,eh. Pero alam ko proud sila kaya masaya na rin po ako,"
"Mabait kang bata, Hannah. Maghintay ka na lang dito sa sala at tatawagin ko lang si LA,"
Tumango ako at nagpasalamat.
Ang akala ko aakyat siya sa taas pero lumabas uli si Manang Lourdes ng main door.
Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng bahay nila at hindi ko maiwasang malungkot. Naalala ko na naman ang dati naming bahay hindi dahil sa karangyaan kundi dahil sa mga memories naming pamilya.
Sila ang dahilan kung bakit ako nandito. Hindi dapat ako mabigo.
"Miss De Vera, this is a surprise,"
Napatayo ako nang pumasok si Luis Alfred.
"Attorney Alcaraz,"
Sa'n siya nanggaling at ano ang ginawa niya? May mga patak siya ng pinta sa suot niyang puting t-shirt and ripped jeans. He didn't look like a lawyer. He looked .. .hot.
Napagalitan ko ang sarili ko. Ano ba 'tong inisip ko?
"What is it this time?"
"G-ganu'n pa rin, Attorney. Ang tungkol sa kaso namin,"
"So, may nalikom ka nang half a million?"
"Unfortunately, wala,"
"Then why are you here? I told you hindi nagbabago ang desisyon ko. Insulto 'yon sa propesyon ko,"
"I'm so sorry, Attorney, pero kasi desperado na 'ko. Nakikiusap ako, tulungan niyo lang kami sa kaso, mababayaran ka din namin as soon as mabawi namin ang mga kinuha ng madrasta ko. Please, Attorney, kahit magkano,"
"Nagsasayang ka lang ng oras, Hannah. Walang mapupuntahan ang pag-uusap nating ito,"
He turned his back on me, hindi pwede!
"Attorney," I dropped on my knees.
Nagulat siya sa ginawa ko.
"Ano'ng ginagawa mo?"
"Kahit ano handa kong gawin mapapayag ka lang na tulungan kami. Kahit ang lumuhod pa gagawin ko, Attorney, tulungan mo lang kami,"
***
Your votes and comments, please! Thanks! Hihi
-LRY
YOU ARE READING
The Perfect Subject (Published Under Lifebooks)
RomanceHannah used to live a perfect life, wala mang ina but she is blessed with a beautiful sister and a loving father with a stepmother to add on the picture. As if a nightmare, biglang nawala sa kanila ang lahat nang tuluyan silang maulila. At para maba...