-James' POV-
"Uy, James!"
Anak ng pating!
"Bakit ka ba nanggugulat, Steve?!"
Siraulong 'to! Bigla nalang papasok at mambubulabog!
"Nako, nako. James, ano 'yan?" pilyong sabi niya habang sinisilip ang laptop ko. Sinara ko naman yung laptop ko.
"None of your business. Lumayas ka rito sa kwarto ko." sabi ko at kinaladkad siya palabas.
"James naman kasi, mag training ka na. May laban bukas."
"Mamaya." tipid na sagot ko habang patuloy pa rin siyang kinaladkad.
"Teka, teka! Makakalaban natin sila bukas!"
Napatigil naman ako sa pagkakaladkad sa kaniya.
"Anong pinagsasabi mo eh bukas ibang school kakalabanin natin." sagot ko.
"Oo nga, taga ibang school 'yang si Kyle Ho. Hindi mo alam?"
"E-Eh... bakit sa school natin siya nagrecital?"
"Sa school natin siya nagpa-enroll sa lessons." sagot naman ni Steve.
"Bulok pala 'yang St. Gabriel eh! Walang pang recital, tsk." Napailing nalang si Steve.
"James," Sumeryoso ang itsura niya.
"Kahit pa St. Michael wolves tayo, St. Gabriel foxes sila and foxes are clever and cunning."
Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya.
"Wala pang nakakatalo sa St. Michael wolves, Steve." I reassured him. Tinanggal niya ang kamay ko sa balikat niya.
"Neither the foxes."
At lumabas na siya ng kwarto ko.
Ree Li was tagged in a photo.
Kyle Ho with Ree Li
Now I know what love is
Kawawa naman pala 'tong lalaking 'to eh, hindi siguro nakaranas na pagmamahal sa magulang, tsk.
¤¤¤
"Manonood ka ng game bukas?" tanong ko.
"Nope." diretsang sabi niya, hindi man lang lumingon sa akin.
"Bakit?"
"Kasi sa foxes side ako."
"Dahil kay Kyle Ho?"
"Hmmm bakit parang inis ka?" pang-aasar na naman ng abnormal na 'to at lumingon sa direksyon ko.
"Are you jealous?""What? No! Eh alangan, kalaban natin 'yun tapos doong side ka? Abnormal ka talaga!"
"Ang cute mo palang magselos." sabi niya at inilapit na naman ang mukha niya sa akin habang nakangiti.
"N-Napaka feeler mong babae ka, 'no? Bakit naman ako magseselos?"
"Eh bakit ka guilty? Masyado kang offensive, namumula 'yang ilong mo." sabi niya at hinawakan pa ang ilong ko na kinagulat ko.
"At mas lalo pang namula." pang-aasar niya.
Nilayasan ko siya.
Bakit naman ako magseselos?
Bakit nga naman ba kasi ako namumula? Walangya din 'yong abnormal na 'yun eh!
¤¤¤
BINABASA MO ANG
Don't You Dare
FantasyHaving a campus heartrob as one of the main characters is a bit cliche but here, you'll witness some sort of twist. Dare? Brave people always accept challenges, dares, tasks. All of them are just the same. You accept challenges because you're brave...