xxvi

159 38 1
                                    

"What did you just make me see?" tanong ni James matapos niya makita lahat ng pinakita ni Ree sa kaniya.

"Panahon kung kailan sumiklab ang digmaan. Wala sa ating lima ang nakaabot ng panahon na 'to pero pinasa sa akin ng magulang ko ang alaala na 'to galing pa sa mga ninuno nila. Ito ang panahon na nawala ang iba pang mga kaharian ng mga Liazoras at maraming Sovor ang namatay." paliwanag ni Ree.

"Teka, teka. Meron akong kapangyarihan gaya nung mga nakita ko? May mga nakakagawa ng apoy, parang fire bender tapos may yelo din, may nakakalipad... kaya kong gawin 'yun?" gulung-gulong tanong ni James.

"Lahat kaya mong matutunan pero wala na tayong oras para turuan ka. Ngayon pa nga lang inabot na tayo ng dalawang araw para makapagpaliwanag sayo." sagot ni Rae.

"Dalawang araw?!" gulat na tanong ni James at pumasok ang mga alaala niya na nagtatangka siyang tumakas pero pinaralyze siya ni Kyle. Ayaw niyang makinig kaya binura ni Ree ang unang mga alaala niya at nagwala siya kaya namind-paralyze siya ni Rae.

"Teka... binura mo yung alaala ko 'di ba? Pero bakit naalala ko na ulit sila ngayon?" tanong ni James.

"Kasi temporary lang 'yun para hindi mo maalala na nag-iinarte ka." sagot ni Rae.

"Kabilang tayo sa mga Angylion at ngayon James, nasa Velite tayo. Tahanan ng mga Angylion or more likely kaharian. Ako si Spencer Timothy Ethan Vaughn Enneas—"

"Kilala kita, Steve." sabi naman ni James.

"Ay, akala ko pati ako nakalimutan mo eh." saad ni Steve at napakamot pa sa ulo niya.

"Yemporary nga lang yung memory loss na ginawa ni ate sa kaniya, nakikinig ka ba? -_- " sabi ni Rae.

"Sorry na, pero 'yun nga James... makinig ka nang mabuti please. Nakalagpas sampung beses na natin 'tong ginagawa. Maawa ka sa amin, ikaw tulog ka lang nang tulog dahil sa pagparalyze sa utak mo pero kami wala pang pahinga. Siguro ngayon hindi mo pa naaalala yung ibang pinaggagawa natin pero inuntog mo yung ulo mo sa ulo ko! And you even bit me!" sabi ni Steve at pinakita ang marka ng kagat ni James sa braso niya.

"Makikinig naman na siguro siya." sabi ni Kyle.

"Okay, makikinig na talaga ako. Say what you have to say." sabi ni James.

"Before everything... do you trust us, James?" tanong ni Ree.

"I trust you with explaining what's happening and what's the truth." sagot ni James.

¤¤¤

Don't You DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon