xxx

127 35 0
                                    

-James' POV-

"I'm home!" sigaw ko pagkapasok ko ng bahay.

Buti nalang talaga at may cinast na spell si Ree para mawala ang mga pasa sa mukha at katawan ko.

Although nawala lang yung visibility, nandito pa rin yung sakit.

"My baby!" Bumaba si Mom.

"Ang tagal mong nawala!" Yakap niya sa akin.

"Ah, hehe... vacation trip po eh. I missed you, Mom." sabi ko habang yakap din siya.

"Sakto! I'm cooking Barbecue Beef Brisket." sabi niya at nilead ako sa kusina.

"Wow!" sabi ko pagkaamoy palang sa niluluto niya.

"The best talaga Mommy ko eh!" sabi ko at niyakap siya.

"Nako, nambola pa eh alam ko namang mas the best para sayo 'yang girlfriend mo eh." sabi niya na may halong kilig, pang-aaasar, tampo at ewan pa sa boses niya.

"Ma, naman. Wala pa nga po akong girlfriend." sabi ko.

"Sus! Amoy babae ka nga eh, oh." sabi niya at kinurot ang tiyan ko.

"Ay!" sabi ko.

"Nakakurot ka pa Ma sa tigas ng mga abs ko na 'yan?" sabi ko habang pinapakita kay Mom ang abs ko.

"Nako, para ka talagang tatay mo eh. Puro 'sexiness' daw niya yung pinapakita sa akin." sabi niya.

'Isa siya sa mga sinalakay ng mga Dyavol dahil may mataas siyang posisyon sa Angylion at pinautos niyang ipapatay sa mga Lovac ang mga Dyavol na gumamit ng kapangyarihan nila.'

"May nangyari ba, anak?" tanong niya.

"Ha? A-Ah wala, Ma. May naalala lang ako." sabi ko.

"Si Dad..."

"For sure super proud siya sayo." sabi niya na may ngiti sa mga labi.

"Siyempre naman 'no, Ma! Kita ba niya 'tong gwapong-gwapong duplicate niya? Macho na, gwapo pa! Saan ka pa, 'di ba?"

"Nako kung nandito Dad mo, kinontra ka nun. Siya nga lang daw yung machong gwapo." natatawang sabi niya.

"Edi gwapong macho nalang ako." sabi ko at tumawa naman siya.

"Ikaw talaga. O siya, kain na tayo." sabi niya at pinaghandaan ako ng pagkain.

¤¤¤

Don't You DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon