xlvi

80 27 0
                                    

-James' POV-

"Ano ba 'yan, anong oras na pinatawag niyo pa ako rito." sabi ni Mike na kinidnap ni Rae. Mukhang natutulog yata siya nung dinakip siya kaya naiinis siya ngayon.

"May nakakaaalam na ng pagkatao mo." sabi ni Kyle. Na-alarma naman si Mike sa narinig.

"Paano?" nagtatakang tanong niya.

"Nag-uusap kami ni James." sagot ni Steve.

"Aaaarrrrgggghhhh!" inis na sabi ni Mike at naupo.

"Ano, ma s-stuck na naman ako sa lugar na 'to?" tanong niya.

"Hindi ka masi-stuck, Mike dahil tuturuan ko kayo."

Napalingon naman kaming lahat sa nagsalita.

"Ako si Air. Ako magtuturo sa inyo, Eignix."

¤¤¤

"Eignix?" tanong ni Rae.

Nasa loob na kami ng training room ngayon. Hinihintay yung dalawa pa raw naming makakasama.

"Oo. Kyle, Ree, Rae, Steve, Mike, Rin, Lars at James. Kakakuha ko lang kay Lars na nasa infirmary ngayon. Nilusob siya ng mga kalaban dahil siya ang unang nareveal na kasama sa Eignix. Sooner, lahat kayo mare-reveal na kaya kailangan niyong mag-ingat. Ang Eignix ang nakatakdang magbalik ng tunay na balanse sa mundo. Kapag nawala ang isa sa inyo, wala nang pag-asang bumalik sa dati ang mundong 'to."

May dumating naman na isang babae at isang lalaki.

"Rin." pakilala nung babae.

"Lars." sabi naman ng lalaki at naupo sila sa tabi namin.

"Hindi ko muna sasabihin ang mga papel niyo sa mundong 'to pero h'wag na h'wag kayong mamamatay. Wala kayong karapatan mamatay."

"Do what you can do." sabi ni Air at nagsitayuan naman sila. Siyempre, nakitayo na rin ako.

Dahil nasa dulo si Ree, nag-step forward siya.

Malayo siya sa akin kaya hindi ko masyado narinig yung sinabi niya pero biglang dumilim.

Nawala lahat ng tao. Ako nalang mag-isa sa kwarto. Umikot ang paligid na para akong nasa ibabaw ng isang CD na umiikot. Biglang may sumulpot na mga sundalong armado.

Papatayin ba nila ako?

"Very well." narinig kong may nagsabi at bumalik lahat sa normal.

Pero wala na kami sa mga puwesto namin.

"Attention." sabi ni Air at napatingin kaming lahat sa kaniya.

"What the heck just happened??" tanong ni Mike.

"Cinontrol ni Ree lahat ng utak natin. Anong mga nakita niyo?" tanong ni Air.

"May nakipaglaban na sobrang laking mahiwagang nilalang sa akin, nasugatan pa nga ako." sabi ni Kyle.

"Ako rin." sabi ni Steve at pinakita ang sugat niya sa braso.

"Gagamutin ko kayo, mga tanga." sabi ni Ree at lumapit kay Steve.

Kahit si Rae ay hingal na hingal at ang dumi-dumi.

Nagiging totoo yung pagkontrol niya sa utak namin?

"Jier Vioussa ang tawag doon. Pinapalabas ko ang ilan sa mga kinatatakutan niyong bagay na hindi kayo aware na takot kayo para huntingin kayo at oo, para siyang bangungot pero magiging totoo ang magiging sugat at sakit na mararamdaman niyo kung nagkataon." sabi ni Ree.

Nawala naman na yung sugat ni Steve.

"Puwede ko namang gamutin agad ang sugat niyo at mga sakit na naramdaman niyo kung gugustuhin ko at mawawala na ulit lahat." sabi ni Ree at hinawakan sa braso si Kyle. Dahan-dahan namang nagsara ang hiwa niya sa kamay. Gano'n din ang ginawa niya kay Air at nawala ang sugat nito sa likod. Hinawakan niya sandali si Rae at naging maayos na ulit ang itsura nito.

In short, hinawakan lang niya kami lahat at naging okay na ulit lahat. Well, except sa akin dahil wala akong sugat.

"Kapag namatay kayo sa spell na 'yan, patay na talaga kayo." sabi ni Air.

"Next."

Nag-step forward naman si Rae.

"Teka, lalabas tayo sa training field para walang damage na mangyari." sabi ni Air at lumabas nga kami.

¤¤¤

Don't You DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon