xxii

197 37 1
                                    

-James' POV-

Nasa kwarto kami lahat. Sa kwarto namin nung alip.

"I'm so sorry, hindi ko na talaga mabubuhay mag-isa ang anak natin. Sana alagaan mo siya nang mabuti at maayos. Sana mapalaki mo siya bilang isang mabuting bata. Alam kong kaya mo siyang palakihin at nagtitiwala akong hinding-hindi mo siya pababayaan. Sorry, napakawalang kwenta kong nanay. Sana mapatawad niyo akong dalawa. Ayos lang sa akin kung hindi mo ako ipapakilala sa kaniya bilang nanay niya, alam kong magiging mabuti kang ama para sa batang 'to. Alagaan mo nang mabuti ang anghel na ibinigay sa atin na hindi ko kayang panindigan." Basa nung abnormal sa sulat. For your information, guys with feelings ang pagbabasa niya.

"Walang pangalan! Paano ko magiging anak 'yan!" tanggi ni Rae.

Paano ba naman kasi, alam naming lahat kukuha lang ng yumyum 'tong babaeng 'to pero pagbalik may dala ng baby. Isa pa ako sa naging suspect na tatay, mga walanghiya talaga.

Sabi ni abno nung kukuha na raw siya ng yumyum sa bag ng kapatid niya, nakita daw niya yung sulat sa kama kasama na 'yung baby.

"Huwag kang sumigaw! Nakita mong may baby!" sabi ni Abno. Anak ng—! Anong tawag niya sa ginagawa niya? Bulong??

"Wala akong pake! Hindi ko anak 'yan!" sabi ni Rae sabay inis na kamot sa ulo niya. Problemado siya, boy!

"RYLEY REECE AEGEUS LI! UPO SA KAMA!" At automatic na umupo si Rae sa kama. Anong meron sa spell na 'yun at napapasunod niya agad 'yang kapatid niyang menopausal =_=

Bigla namang umiyak yung baby kaya nataranta kaming lahat.

"Yung baby bag! Yung baby bag!" utos ni Ree.

Naghanapan naman kami ng baby bag.

"Aray ko naman, Steve!" Tumama yung ulo ko sa ulo ni Steve. Ang likot kasi maghanap eh.

"Aray!" Naapakan ni Rae yung kamay ni Kyle dahil nakadapa yung alip habang naghahanap sa ilalim ng kama. Sino bang tanga maghahanap ng baby bag sa ilalim ng kama? Tch, walang common sense 'tong taong 'to.

"James, hindi mapupunta sa bath tub ang baby bag." sabi ni Steve. Malay mo naman na missed place, 'di ba?? Nagbabakasakali lang.

"Mga bruho..." narinig naming sabi ni Ree dahilan para mapatingin kaming lahat sa kaniya.

"Ayun yung baby bag." sabi niya sabay turo doon sa ibabaw ng lamesa sa tabi ng kama. Kinuha naman agad 'yun ni Kyle at inabot kay Ree.

"Ah, 'yan pala yung baby bag!" -Rae.

"Akala ko naman pagkaliit-liit na bag, kasi baby bag." sabi ni Steve.

Alam ko rin baby bag maliit eh kasi nga baby, 'di ba? Paano bubuhatin ng baby ang pagkalaki-laking bag?

"Kaya baby bag kasi bag ng mga gamit para sa baby." paliwanag ni Ree habang nagkakalkal sa bag.

"Aaahhh..." sabay-sabay naming sabing apat na may patangu-tango pa.

¤¤¤

Don't You DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon