xxxi

138 37 2
                                    

Dedicated to RSeijuro!!! thank you so much for voting my story! :>

¤¤¤

-James' POV-

"Alam na niya?" tanong ni Mike. Kumakain kami ngayon sa cafeteria.

"Nako naman." sabi ni Ree at may sinabing hindi ko maintindihan.

"Oo, alam na niya." sagot naman ni Steve.

"Naks naman, how's being a Liazoras?" tanong niya na may pahampas-hampas pa sa likod ko.

"Okay naman, it seems fun and cool." sagot ko.

"Nice, nice. Pero wala pa rin talagang forever." Umupo siya sa seat sa tabi ko.

"Mike naman, bitter ka pa rin pagkatapos ni Dani?" tanong ni Steve.

"Matagal nang wala si Dani sa puso ko. Kaya nagpapasok na ulit ako ng iba pero 'yang hayop na Ella na 'yan!" inis na sabi ni Mike na hinampas pa yung lamesa.

"Buti nalang talaga nakapagcast ako nang maaga." sabi ni Ree.

Kaya siguro hindi kami pinapansin nung mga tao kahit nag-eeskandalo na si Mike. Nagcast ng spell si Ree.

Pero may mga isa o dalawa pa ring lumilingon, siguro mga Liazoras.

"Hayop na Ella 'yan! Hayop! Hayop!" nakasubsob na sabi ni Mike habang ngumangawa, nako naman.

"Alam kong hindi puwede ang Sovor at Liazoras pero... argh! Hayop siya!" sabi ni Mike at tinaas na ang ulo niya.

"Kasi guys, kapag bawal... bawal ha? Hindi yung pinipilit pa, masasaktan ka lang. Para 'yang singsing na sinusuot na hindi na kasya sa kanta nga ng sagpo krew. Mas sumasakit kapag pinipilit mo pa!" Umiyak na naman siya at sinubsob yung ulo sa lamesa.

Hinimas-himas ko nalang yung likod niya. Humarap naman siya sa akin.

"Sabihin mo nga, James. Panget ba ko?" tanong niya.

Sa totoo lang, gwapo 'tong si Mike. Habulin 'to eh, manhid at tanga lang talaga. Pinipili 'yung mga hindi siya pinipili.

"Sabi ni James, hindi ka panget
Habulin ka pa nga pero manhid ka lang talaga at tanga." sabi ni Ree.

"Ree!" sabi ko.

"What? Sinabi ko lang iniisip mo." pagdadahilan niya.

Edi shing -.-

"Pero ito Mike ah, gwapo ka. Maraming nagkakagusto sayo, may fans club ka pa nga dito sa campus eh. Tuwing nabo-broken hearted ka, nabo-broken hearted din yung mga babaeng nagkakagusto sayo. Iniisip nila na sana sila nalang minahal mo. Know your worth, Mike. Hindi ka pinanganak para maghabol at paiyakin. Alam mo ba ilang babae ang sinasaktan at dinudurog mo ang puso tuwing nakikita nilang malungkot ka dahil iniwan ka na naman? Maghanap ka ng babaeng alam mong makakasama mo sa sobrang habang panahon. Yung hindi ka iiwan at mamahalin ka nang buong-buo. Okay?"

"Naks naman, James! Saang bulsa mo hinugot yan?" sabi ni Steve na may pasiku-siko pa with matching applause.

"Sa puso na may kasamang utak, Steve." sagot ko.

"Mike, follow your heart but bring your brain with you."

¤¤¤

Don't You DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon